Ang contraceptives, tulad ng condoms, pills, IUDs, at implants, ay maaaring mahal. Ito ang dahilan bakit ang bansa tulad ng Pilipinas ay hindi kayang makabili ng contraceptives. Maging ang ilang pamilya na nagnanais na magsagawa ng family planning ay hindi kayang gawin dahil sa hindi kayang mabili ang contraceptives. Ngunit alam mo ba na mayroong tiyak na lugar sa Pilipinas na maaari kang makakuha ng libreng contraceptives?
Bakit mahalaga ang contraceptives?
Dito sa Pilipinas, ang paggamit ng contraceptive ay tumaas noong pandemya. Ito ay magandang bagay dahil ang ibig sabihin nito na may ideya ang mga tao sa benepisyong hatid ng contraceptive. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyo ng contraceptives?
Nakaiiwas sa pagbubuntis
Ang pinakatuon ng paggamit ng contraceptive ay ang pag-iwas sa pagbubuntis. Bagaman walang mali sa pagiging buntis, ang hindi planadong pagbubuntis ay maaaring mahirap na harapin. Ito ay totoo para sa mga tao na hindi pa handa na magkaroon ng anak.
Ang contraceptives ay paraan para sa mga tao, lalo na sa mga babae na magkaroon ng kontrol sa kanilang buhay. Hinahayaan nito ang mga magkasintahan na magkaroon ng anak kung kailan sila handa, at hinahayaan na makontrol kung ilang mga anak ang kanilang nais.
Sa katunayan, ang mga Pilipina ay nais magkaroon ng maliit na pamilya. Nakatutulong ang contraceptives upang maging posible ito, na ibig sabihin na maaaring makontrol ng mga babae ang kanilang buhay at hindi maging sagabal ang pag-aalaga ng maraming mga anak. Ito ang dahilan bakit ang libreng contraceptives sa Pilipinas ay isinagawa.
Pag-iwas sa hindi ligtas na aborsyon
Isa pang mahalagang rason para sa paggamit ng contraceptive ay ang pagbaba ng bilang ng mga hindi ligtas na aborsyon. Ang ilang mga babae na nabubuntis nang aksidente ay hindi nais na magpatuloy sa kanilang pagbubuntis at maaaring nais ang aborsyon. Dahil ang aborsyon ay ilegal sa Pilipinas, sila ay pupunta sa mga abortionist na gumagamit ng iba’t ibang mapanganib na pamamaraan. Kung tumaas ang paggamit ng contraceptive, makatutulong ito sa pagbaba ng hindi inaasahang pagbubuntis at patuloy na aborsyon.
Mas malulusog na sanggol
Nakatutulong din ang contraceptive sa pagkakaroon ng mas malusog na sanggol. Ang mga pagbubuntis na hindi inaakala, o nangyari nang mas maaga (sa mga teenager) ay maaaring magpataas sa posibilidad ng pagkamatay ng mga bata. Sa pamamagitan ng contraceptive, maaaring mabuntis ang mga babae kung kailan sila handa, at kung kailan sila pinakamalusog.
Ang contraceptive ay hindi lamang upang iwasan ang pagbubuntis
Maaaring gamitin ang contraceptive nang higit sa pag-iwas ng hindi inaasahang pagbubuntis. Sa paggamit ng isang contraceptive, mapapababa ang mga sakit na kaugnay ng pagbubuntis, lalo na sa mga teenagers na nabubuntis.
Ang mga babae na may PCOS, o polycystic ovarian syndrome ay nakikinabang din sa paggamit ng contraceptive. Sa kanilang kaso, ang contraceptive ay nakatutulong na i-manage ang kanilang kondisyon.
Inirereseta rin minsan ang contraceptive para sa mga babae na may malalang tigyawat. Ang hormones na makikita sa contraceptive pills ay makatutulong na mabalanse ang lebel ng hormones sa katawan, at makatulong sa pagbawas ng tigyawat.
Ilan lamang ito sa mga rason bakit ang contraceptives at libreng contraceptives sa Pilipinas ay napakahalaga.
Saan makakukuha ng libreng contraceptive sa Pilipinas?
Ngayon na natalakay na natin ang kahalagahan ng birth control, saan makakukuha ng libreng contraceptive sa Pilipinas?
Isang paraan upang makakuha ng libreng contraceptive ay makipag-ugnayan sa Likhaan Center for Women’s Health. Nagbibigay sila ng mga serbisyo sa mga babae, kabilang na ang libreng contraceptive.
Maaari ka ring manghingi ng libreng contraceptive sa barangay health centers. Ito ay karaniwang nasa porma ng condoms at birth control pills. Mayroon ding mga health workers na handang tulungan ka at gumabay kung paano epektibong gagamitin ang contraceptives.
Mahalagang Tandaan
Ang contraceptives ay mahalagang bahagi ng kalusugan sa reproductive. Hinahayaan nila ang mga magkasintahan at babae na magkaroon ng anak kung sila ay ganap na handa na. Maliban dito, ang contraceptive ay may pakinabang din sa mga babae na may kondisyon na PCOS o tigyawat.
Sa pagkuha ng libreng contraceptives sa Pilipinas, ang pinaka mainam na paraan ay makipag-ugnayan sa mga local health center. Maaari silang magbigay ng libreng contraceptives maging ang payo kung paano ito gagamitin.
Matuto pa tungkol sa Contraception dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.