Bagama’t ang vagina ay may natural na kakayahang maging malinis ang sarili sa may secretions o discharge, kailangan pa rin ang tulong. Ito ay para masiguro ang kalinisan bago at pagkatapos ng sex. Ang pakikipagtalik ay maaari ding mauwi sa mga komplikasyon gaya ng mga UTI (urinary tract infections) o vaginal irritation. Dahil sa mga kadahilanang ito, mahalagang obserbahan ang wastong kalinisan. Alamin kung kailangan bang maligo bago mag sex at pagkatapos mag sex.
Hygiene Bago at Pagkatapos ng Sex
1. Wash yourself
Ang wastong kalinisan bago at pagkatapos ng sex ay kinabibilangan ng paghuhugas. Siguraduhin na ang iyong partner ay naghugas ng kanyang mga kamay bago makipagtalik. Ito nakakatulong sa pag-iwas sa impeksyon. Ang agarang pagligo pagkatapos ng pakikipagtalik ay hindi kailangan, ngunit tandaan na hugasan ang ari pagkatapos makipagtalik.
Maaari mong hugasan ang external area sa paligid ng iyong ari ng maligamgam na tubig. Ang mild soap ay maaaring isang option, ngunit kung ang iyong balat ay sensitibo, maaari itong magdulot ng pangangati.
2. Huwag Mag-douche
Ang mga vaginal douches ay nagpa-flush ng tubig sa ari, at nagiging sanhi ito ng pag-alis ng mga vaginal secretions. Bagama’t minsan ay pinaniniwalaan na nililinis ng douching ang ari, hindi sa ganitong ang kaso. Tinatanggal ng mga vaginal douches ang mabubuting bacteria na matatagpuan sa ari. Ang mga bakteryang ito ay responsable sa pag-iingat laban sa mga posibleng nakakapinsalang impeksyon. Bahagi ng mabuting kalinisan pagkatapos ng pakikipagtalik ay hindi pag-douching.
3. Gawing Simple
Ang maligo bago mag sex at pagkatapos ay hindi dapat maging komplikado. Bagama’t ang mga pharmacy at kumpanyang nagbebenta ng mga produktong pambabae ay maaaring mag-alok ng maraming option kung paano panatilihing fresh ang iyong ari, ang ilan sa mga ito ay maaaring makapinsala sa halip na makatulong. Ang ilang mga produkto ay ginawa mula sa harsh soap at sangkap na maaaring magdulot ng pangangati. Ang gentle na paghuhugas ng iyong ari ng maligamgam na tubig ay sapat na mabuti para sa wastong kalinisan.
4. Umihi pagkatapos ng sex
Bukod sa maligo bago mag sex, at pagkatapos, mahalaga rin ang umihi pagkatapos.
Bahagi ng mabuting kalinisan pagkatapos ng sex ay ang pag-ihi. Normal para sa bakterya na makapasok sa urethra, ang tubo na responsable sa pag-aalis ng ihi sa iyong katawan, habang nakikipagtalik. Ang pagkakaroon ng bakterya sa loob ay nagpapataas ng risk na magkaroon ng impeksyon. Ang simpleng pag-ihi pagkatapos makipagtalik ay makakatulong sa pag-alis ng bacteria sa iyong system. Maingat na punasan ang iyong sarili mula sa harap hanggang sa likod upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng bakterya.
5. Mag-hydrate
Bukod sa maligo bago mag sex, at pag-ihi pagkatapos, mahalaga rin ang pag-hydrate.
Ang pag-inom ng tubig ay may maraming benepisyo, kabilang ang vaginal care. Pagdating sa tamang kalinisan pagkatapos ng pakikipagtalik, ang pag-inom ng tubig ay makakatulong sa iyo na mas umihi. Tulad ng mga tinalakay na, ang pag-ihi pagkatapos ng pakikipagtalik ay nagpapababa ng posibilidad ng impeksyon sa urethra. Ang pagtiyak na uminom ng kaunting tubig pagkatapos ng pakikipagtalik ay maaaring makasiguro na mas maraming bakterya ang naaalis kapag umihi ka.
6. Magsuot ng maluwag na damit
Ang bakterya at yeast ay dumadami sa mainit at mahalumigmig na mga lugar. Gayundin, ang mga girdle, pantyhose, at damit na panloob na masyadong masikip ay nagbibigay sa bacteria at yeast ng perpektong lugar para dumami. Ang maluwag na damit panloob ay mabuti sa pagdaloy ng hangin papunta sa iyong ari at ito ay isang magandang paraan para sa good hygiene. Tinutulungan nito ang mga maselang bahagi ng katawan na makahinga at binabawasan ang bilang ng mga bakterya.
7. Keep your hands clean; Maghugas ng Kamay
Siguraduhing hugasan ang iyong mga kamay dahil ito ay mabuti para sa kalinisan bago at pagkatapos makipagtalik. Siguraduhing malinis din ang mga kamay ng iyong partner. Ang paghuhugas ng mga kamay ay maaaring makatulong na pigilan ang pagkalat ng bacteria na nagdudulot ng impeksyon. Siguraduhing maghugas gamit ang sabon at tubig upang patayin ang bacteria na maaaring nasa iyong mga kamay.
8. Siguraduhing malinis ang iyong mga sex toy
Tulad ng iyong mga kamay, ang mga laruang pang-sex ay maaaring maging breeding ground ng bakterya, virus, at fungi. Posibleng kumalat ang sexually transmitted diseases at iba pang mga impeksyon kapag ang mga sex toy ay ginagamit habang nakikipagtalik. Mahalagang linisin ang bawat sex toy pagkatapos ng bawat paggamit. Bilang pag-iingat, iwasan ang sharing ng mga sex toy sa iba upang maiwasan ang posibilidad ng pagkalat ng mga mikrobyo at bakterya. Kung kailangang mag-share, siguraduhing gumamit ng condom para takpan ang laruang pang-sex habang ginagamit.
9. I-monitor ang yeast infections
Maaaring maipasa ang yeast infection sa oras ng pakikipagtalik. Ang isang babaeng may yeast infection ay maaaring maipasa ito sa isang lalaki habang nakikipagtalik. Ang ilang mga sintomas ay ang pangangati, pagkasunog, o isang madilaw-dilaw o puting curd-like discharge na nagmumula sa mga ari. Kung mapapansin mo ang mga sintomas na ito, makabubuting humanap ng paggamot bago gumawa ng anumang sekswal na aktibidad. Kumunsulta sa isang medical practitioner kung napansin mo ang alinman sa mga sintomas na ito.
10. Anal sex
Ang anal sex minsan ay maaaring maging sanhi ng napakaliit na punit sa iyong sphincter. Maaari nitong hayaan ang bacteria o fecal matter na makapasok sa iyong system. Siguraduhing maghugas pagkatapos ng anal sex. Huwag din gawin ang vagina sex pagkatapos ng anal sex nang hindi muna gumagamit ng bagong condom. Maaaring pumasok ang bacteria mula sa iyong anus sa iyong ari.
Nakatutulong rin sa anal sex ang maligo bago mag sex, dahil dito maaari mong linisin ang iyong anus para.
Ang pagkakaroon ng good hygiene bago at pagkatapos ng sex ay nakakatulong ng malaki sa pag-iwas sa mga impeksyon at pagpunta sa doktor. Kasama na rito ang maligo bago mag sex at pagkatapos mag sex.
Siguraduhing gawin ang mga ito para mapanatiling malinis ang iyong ari. Ang patuloy na pagsasagawa ng paghuhugas at pagiging mindful ay nakakatulong sa pagpapanatili ng iyong vaginal health.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.