Subukang mag search sa Google ng mga euphemism para sa sexual intercourse. Makakakuha ka ng daan-daang sagot. Mula sa napaka-inosenteng “making love” hanggang sa mga nakakatawang tulad ng “bumping uglies.” Ang mga termino para sa sex ay magkakaiba. Ang malawak na bokabularyo sa paksang ito ay isang salamin ng mga panlipunang saloobin. Habang ang lipunan ay naglalabas ng ilan sa mga konserbatibong pananaw nito sa sex, nananatili na ito ay hindi tamang paksa na talakayin sa isang pampublikong setting. Marami sa atin ang gustong malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa sex. At magkaroon ng maraming katanungan sa sexual health na nahihiya nating itanong.
Ang mga panlipunang pag-iisip na ito ay bahagi ng dahilan kung bakit may mga indibidwal na ayaw pag-usapan ang mga isyung sekswal sa kahit na mga medikal na propesyonal. Kailangang malampasan ang mga ganitong limitasyon sa mga paniniwala at pag-uugali. Ito ay para magkaroon ng wastong payo sa pagharap sa mga isyung sekswal na ito.
Ano ang mga karaniwang katanungan sa sexual health na sobrang nahihiya ang mga tao na talakayin?
Erectile dysfunction
Ang mga lalaki kung minsan ay nahihirapan na mapanatili ang erection sa oras ng sex. Ayon sa mga eksperto ang kumbinasyon ng mga pisikal at emosyonal na isyu ang dahilan. Ang mga lalaking may kondisyong medikal na nakakaapekto sa kanilang nerves at blood vessels ay mas madaling kapitan ng erectile dysfunction. Ang unhealthy lifestyles tulad ng kaunti o walang ehersisyo, at ang paninigarilyo ay maaaring makaapekto. Sa ibang mga kaso, ang mga isyu sa pag-iisip at emosyon tulad ng stress, pagkabalisa, at depresyon ay posible rin. Ang mga matatandang lalaki ay mas malamang na makaranas ng kondisyong ito dahil ang kanilang mga daluyan ng dugo ay lumiliit.
Premature ejaculation
Isa pang karaniwang problema sa sex para sa mga lalaki ay masyadong mabilis na matapos sa oras ng sex. Ito ay humahantong sa kawalang-kasiyahan at kahihiyan. Muli, may pag-aalinlangan sa mga lalaki na umamin sa ganoong karanasan. Iba-iba ang mga natuklasan sa mga mga pag-aaral sa kung gaano karaming mga lalaki ang apektado ng kondisyong ito. Iniuugnay ng mga doktor ang over-the-counter na gamot sa sipon, underlying medical problems tulad ng impeksyon sa ihi, stress, o isang simpleng sexual experience sa isyung ito.
Hindi pangkaraniwang vaginal smell
Ang mga vagina ay may amoy. Ito ay naiiba sa bawat babae, depende sa maraming factors tulad ng menstrual cycle at mga gawi sa kalinisan. Pero ang totoo, hindi ito amoy bulaklak. Ang vagina ay tahanan ng bilyon-bilyong bakterya. Ang balanse ng bacteria sa ating ari ay nagbabago araw-araw at maging sa bawat oras. Gayundin, ang mga maselang bahagi ng babae ay may mga sweat glands na nagdudulot ng banayad na pagbabago sa amoy ng ari.
Magpatingin sa doktor kung alinman sa mga sumusunod ang nangyari:
- Pangangati o burning
- Pananakit habang nakikipagtalik
- Makapal na parang cottage cheese na discharge
- Malakas na malansang amoy
- Pagdurugo ng ari na walang kaugnayan sa period
Kung nakakaranas ka ng amoy ng ari, maaari mong subukan ang sumusunod.
Sex pagkatapos ng pagbubuntis
Dahil sa pisikal at emosyonal na hirap sa panganganak at pag-aalaga sa isang sanggol, maaaring hindi priority ng mga bagong magulang ang sex. Ngunit kapag naayos na ang lahat, sila ay maaaring maghangad na muling makipagtalik. Inaamin ng maraming mag-asawa na ang sex pagkatapos ng pagbubuntis ay “isa sa mga katanungan sa sexual health na nahihiya naming itanong.”
Inirerekomenda ng mga eksperto ang hindi bababa sa anim na linggo para sa katawan ng babae na gumaling mula sa panganganak. Ang pagbubuntis at panganganak ay magdudulot ng mga partikular na pagbabago sa katawan at mood ng isang babae. Samakatuwid, ang sexual experience sa simula ay hindi magiging katulad bago magkaroon ng sanggol.
Masturbation
Dati, ang pagpapasaya sa sarili ay itinuturing na bawal at isang isyu sa mental health. Sa ngayon, karaniwang tinatanggap ito ng mga tao bilang normal at natural. Ayon sa ilang ulat, siyam sa 10 indibidwal ang gumagawa ng masturbation. At kahit na ang mga nasa relasyon ay ginagawa pa rin ito. Ang masturbation ay isang ligtas na alternatibo sa mga nagnanais na maiwasan ang pagbubuntis at mga venereal diseases.
Ang mga sexual therapist ay maaaring minsan ay magreseta ng masturbation para sa mga indibidwal na nahihirapan na makamit o mapatagal ang orgasm. Nagiging seryosong isyu lamang ang masturbation kung ito ay ginagawa nang sobra-sobra. At hanggang sa punto na nakakagambala ito sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Maaaring kailanganin ang pagkonsulta sa isang sex therapist para maiayos ang ganoong sitwasyon.
Anal sex
Ang anal sex o ang pagpapasigla ng anus sa oras ng sex ay patuloy na nagiging mas tinatanggap ng mga kalalakihan at kababaihan sa lipunan. Gayunpaman, sinasabi ng medical community na ang anus ay hindi “dinisenyo” para sa pakikipagtalik tulad ng vagina. Ang anus ay may mas manipis na lining, na mas madaling mapinsala. Anumang mga hiwa sa loob at paligid ng anus ay naglalagay sa mga tao sa panganib. Ito ang pagkakaroon ng mga sakit na venereal tulad ng chlamydia, genital herpes at warts, gonorrhea, at HIV, bukod sa iba pa. Ang mga nagpaplanong makipag-anal sex ay dapat magsuot ng condom at gumamit ng water-based lubricants. Gayundin, para ito ay maging isang kasiya-siyang karanasan, ang partner ay dapat subukang mag-relax at maghanda para sa aktibidad. Kapag lumipat sa vaginal sex, magsuot ng bagong condom upang maiwasan ang paglilipat ng anal bacteria na maaaring magdulot ng impeksyon sa ihi.
Sexually transmitted diseases
Karamihan sa mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas:
- Hindi pangkaraniwang discharge mula sa sexual organ
- Pananakit pag-ihi
- Mga Pantal
- Bukol
- Abnormal na paglaki ng balat sa paligid ng maselang bahagi ng katawan
- Di-pangkaraniwang pagdurugo
- Pangangati sa paligid ng ari
- Masakit na mga sugat
Mahalagang mag safe sex at regular na magpa check up para sa mga STI kung ikaw ay sexually active sa maraming kapareha. Maaaring magreseta ang mga doktor ng bakuna upang maiwasan o mapababa ang risk na makakuha ng STI. Gayunpaman, ang ibang mga kondisyon tulad ng HIV ay wala pang lunas, at pinangangasiwaan lamang ng mga doktor ang mga sintomas para maiwasan ang mga ito na maging mas malala. Kung pinaghihinalaan mo na mayroon kang STD, magtungo sa isang sex clinic o ospital para sa tamang pagsusuri at paggamot. Iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa makumpirma ang diagnosis.
Same-sex activities
Mga aktibidad ng parehong kasarian. May dumaraming bilang ng mga taong nakikibahagi sa mga aktibidad ng parehong kasarian, anuman ang kanilang pagkakakilanlang sekswal. Gaya ng anumang pakikipagtalik, dapat alalahanin ng mga tao ang mga pangkalahatang panganib sa kalusugan. Ang Center for Disease Control (CDC), sa partikular, ay nabanggit na ang mga bakla at bisexual na lalaki ay may mas mataas na bilang ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, kabilang ang HIV. Bukod sa pakikisali sa ligtas na pakikipagtalik, inirerekomenda ng CDC ang pagkuha ng mga bakuna para sa mga kondisyon tulad ng hepatitis, trangkaso, at human papillomavirus para sa karagdagang proteksyon.
Key Takeaways
Anuman ang sexual orientation o atraksyon, ang mga nakikibahagi sa sekswal na aktibidad ay dapat palaging mag-ingat. Dapat maging priyoridad ang sexual health, at ipinapayo na gawin ang mga kinakailangang pag-iingat para maiwasan ang pagkahawa ng mga sakit. Talakayin ang iyong sexual history at mga isyu sa iyong kapareha at doktor. Lalo na pagdating sa katanungan sa sexual health na nahihiyang itanong.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.