backup og meta

HIV Hotline sa Pilipinas: Heto ang mga Maaari mong Tawagan

HIV Hotline sa Pilipinas: Heto ang mga Maaari mong Tawagan

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga antiretrovirals na makatutulong upang makontrol ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) infection, maraming tao pa rin ang naniniwala na ang pagkakaroon nito ay isa ng badya ng kamatayan. Kung hinihinala mong ikaw ay mayroong HIV o na-diagnose at hindi alam kung anong sunod na gagawin, ang pakikipag-ugnayan sa mga sumusuportang grupo o organisasyon ay makakatulong. Narito ang mga HIV hotline na maaari mong tawagan kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa HIV:

1. Project Red Ribbon

Ikaw ba ay nakompirmang may HIV? Kinakailangan mo ba ng pagpapayo upang mailabas ang iyong dinaramdam sa dibdib o humahanap ng gabay? Bagaman hindi HIV Hotline, ang Project Red Ribbon ay nag-aalok ng libreng:

  • One-on-one na pagpapayo
  • Pagpapayo sa grupo
  • Pagpapayo sa pamilya

Mayroon din silang silang Support Group Talk na:

  • Nagbibigay ng aral mula sa mga panauhing tagapagsalita at mga boluntaryo
  • Nagbibigay alam sa pangangalaga sa mayroong HIV, gamot, at suporta
  • Nagtatalakay ng mga usaping may kaugnayan sa HIV

Kung ikaw ay nag-aalala na baka ikaw ay may HIV, ang Project Red Ribbon ay nagbibigay ng HIV screening at suporta sa paggagamot. 

Paano makipag-ugnayan: 

Upang matuto pa tungkol sa Project Red Ribbon, at iba pang programa na mayroon sila, maaari kang makipag-ugnayan sa:

  • Phone: 02- 656-72-97
  • Website: https://www.hivphilippines.com/
  • Email: [email protected]
  • Facebook Page: https://www.facebook.com/TRRHEATS/
  • Address: Unit 401 Lumiere Suites, #21 General Capinpin Street, Barangay San Antonio, Ortigas Center Pasig City 1605 (Bukas araw-araw mula 10 n.u hanggang 12 ng gabi)

2. PLHIV Response Center 

Ang HIV hotline na ito ay itinatag ng Pinoy Plus Advocacy sa Pilipinas at naglalayon na makipag-ugnay sa mga taong namumuhay na mayroong HIV sa mga serbisyong kanilang kinakailangan.

Ang makikipag-ugnayan sa PLHIV Response Center ay maaaring makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga lugar na maaaring puntahan upang mag paggamot at kung paano makakukuha ng mga gamot na antiretroviral.

Nangangako ang PLHIV Response Center na magiging kompidensyal, at mabilis ang tugon para sa iyong paggagamot, pangangalaga, at suportang kinakailangan sa HIV. 

Paano makipag-ugnayan:

  • Phone: (+632) 8579-5365
  • Mobile: ( Globe) 09158776077 (SMART) 09195332676
  • Email: [email protected]
  • Facebook Page: https://www.facebook.com/PLHIVResponse
  • Twitter: @PLHIVResponse
  • Address: 1965 JRB Building Anacleto Street, Sta Cruz 1101 Manila, Philippines (Bukas araw-araw mula 8 n.u. hanggang 8 n.g.)

3. Positive Action Foundation Philippines, Inc. (PAFPI)

Itinatag ni Joshua Formentera ang PAFPI, isang non-profit na organisasyon noong 1998. Naglalayon itong tumulong sa pasyente at miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng counseling at pangkaisipan na tulong. Mayroong din silang Bahay Kanlungan kung saan sila ay nagbibigay ng pansamantalang matutuluyan ng mga taong may HIV (PLHIV).

Sila ay may layuning “upang palakasin ang mga taong may HIV/AIDS at mamuhay nang normal ang kanilang pamilya, maging masaya at produktibong pagsuporta sa lipunan.”

Paano makipag-ugnayan:

  • Phone: (02) 8404 2911
  • Email: [email protected]
  • Facebook Page: https://www.facebook.com/pafpi.org
  • Address: 2613 Dian St, San Andres Bukid, Malate, 1004 Metro Manila 

4. Pagamutan ng Kagawaran sa Kalusugan at mga Pangunahing mga Klinika

Bukod sa pag-alam sa mga HIV hotline na maaaring makipag-ugnayan para sa iyong alalahanin sa HIV, isaisip na ang pamahalaan ay mayroong mga pagamutan at mga klinika para sa HIV.

Ang mga pagamutan na nito ay nagbibigay ng “in-patient at out-patient na pagpigil, paggamot, pangangalaga, at pansuportang mga serbisyo para sa mga taong namumuhay na may HIV.” Ang mga serbisyong ito kabilang ang pagsusuri at pag-prescribe ng antiretroviral.

Para sa kumpletong listahan ng mga pagamutan ng HIV at mga klinika, maari kang tumuloy sa link na ito. Ang mga tala ay naglalaman ng mga ospital sa bawat rehiyon sa bansa.

Para sa National Capital Region, maari mong puntahan ang: 

  • San Lazaro Hospital – (02) 8732 3777
  • Research Institute for Tropical Medicine – (02) 8807 2631
  • Makati Medical Center – (02) 8888 8999
  • Philippine General Hospital – (02) 8554 8400
  • St. Luke’s Medical Center – Global City – (02) 8789 7700
  • The Medical City – (02) 8988 1000
  • Sta. Ana Hospital – (02) 8516 6151

Para sa mga tanong tungkol sa iyong HIV diagnosis, gamot, at pangangalaga, tumungo sa ospital o makipag-ugnayan sa kanilang mga numero. Huwag mag-atubili na magpa-appointment. Habang ito ay hindi pa nalulunasan, ang gamot, at ang pagbabago ng pamumuhay ay maaaring makontrol ang HIV. Ang maagang pagpapagamot ay nagbibigay ng mataas na tiyansa ng pagpapabagal sa pagpapatuloy ng sakit.

May alam ka bang iba pang HIV hotline na maaaring makatulong sa mga taong may HIV? Ibahagi ito sa amin sa comment section para makita rin ito ng mga nangangailangan.

Matuto pa tungkol sa HIV/AIDS dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

PROJECT RED RIBBON, https://www.hivphilippines.com/, Accessed Feb 8, 2022

Ensuring that people living with HIV in the Philippines have access to treatment during COVID-19, https://www.unaids.org/en/resources/presscentre/featurestories/2020/april/20200408_philippines, Accessed Feb 8, 2022

PLHIV Response Center, https://www.facebook.com/PLHIVResponse, Accessed Feb 8, 2022

Free Telephone Counseling Hotlines in the Philippines, https://www.opencounseling.com/hotlines-ph, Accessed Feb 8, 2022

ABOUT US: PAFPI FIGHTING FOR HIV PHILIPPINES, http://pafpi.org/about-us-hiv-philippines/, Accessed Feb 8, 2022

Updated List of DOH-Designated HIV Treatment Hub, https://www.aidsdatahub.org/sites/default/files/resource/doh-philippines-updated-list-designated-hiv-treatment-hubs-primary-hiv-care-facilities-2018.pdf, Accessed Feb 8, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Nahahawa Ba Ng AIDS Sa Laway? Mga Facts Tungkol Sa AIDS At HIV

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement