Isa ang cancer sa mga pinaka-nakakabahalang sakit. Mula nang matuklasan ito, inialay na ng mga doktor ay siyentipiko ang kanilang buhay sa paghahanap ng lunas para sa cancer. Hindi na mabilang ang mga taong tumingin kung ano ang nagiging sanhi ng cancer upang makahanap ng lunas. Ang mga sanhi ng pagkakaroon ng cancer na pinag-aaralan ay lifestyle, pagkain, at kapaligiran. Kabilang din ang mga sexually transmitted disease. Dahil dito, nakaka-cancer ba ang herpes?
Ano ang herpes? Ano ang herpes zoster?
Ang genital herpes ay isang karaniwang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa dulot ng herpes simplex virus (HSV). Pangunahin itong kumakalat sa pamamagitan ng sexual contact. Ang virus ay maaaring manatiling dormant sa loob ng katawan. At pwedeng muling maging aktibo nang maraming beses sa isang taon.
Pananakit, pangangati, at mga sugat sa bahagi ng ari ang maaaring idulot ng genital herpes. Walang mga palatandaan at sintomas ng genital herpes. Kung ikaw ay nahawaan, maaari kang makahawa kahit na walang nakikitang mga sugat. Ang genital herpes ay walang lunas. Maaaring bawasan ng mga gamot ang mga sintomas at bawasan ang tyansang makahawa sa iba.
Sa kabilang banda, ang herpes zoster (o shingles) ay isang viral infection na nagdudulot ng outbreak ng masakit na pantal o paltos sa balat. Ang parehong virus na nagdudulot ng bulutong-tubig ay nagiging sanhi ng varicella-zoster virus na nagiging sanhi ng shingles.
Nakaka-cancer ba ang herpes?
Isang pag-aaral noong Enero 2021 ang nagsabi na ang herpes simplex virus type 2 infections ay nauugnay sa may higit sa normal na insidente ng cervical cancer. Ang cervical cancer ay kumikilos bilang sexually transmitted disease. Ito ay hindi limitado sa uri ng human papillomavirus (HPV).
Gayunpaman, napagpasyahan ng iba pang mga pag-aaral na ang HSV-2 ay hindi isang pangunahing kadahilanan ng panganib. Ang pag-aaral ay nagtapos na ang herpes simplex virus type 2 ay maaaring isang co-factor sa ilan, ngunit hindi lahat ng mga kaso ng cervical cancer.
Sa kabilang banda, ang herpes zoster ay nauugnay sa immune suppression at mas mataas na panganib ng cancer. Ang pananaliksik na inilathala noong 1982 ay hindi sumusuporta sa pagsisiyasat ng mga pasyente para sa occult cancer sa panahon ng diagnosis ng herpes zoster. Hindi rin nito sinusuportahan ang enhanced surveillance para sa cancer pagkatapos ng diagnosis.
Kabaligtaran ito sa isang pag-aaral noong 2016. Isinagawa ang isang sistematikong pagsusuri at meta-analysis ng ebidensya sa herpes zoster at panganib ng occult cancer. Sinuportahan ng pag-aaral na ito ang kaugnayan sa pagitan ng herpes zoster at occult cancer. Gayunpaman, ang low absolute risk ng cancer ay naglilimita sa mga klinikal na implikasyon.
Mga pasyenteng ginagamot para sa cancer, para rin sa herpes simplex virus
Upang suriin ang mga epekto ng mga interbensyon para sa pag-iwas sa mga pasyente ng HSV na ginagamot para sa cancer, isinagawa ang pananaliksik. Pinag-aralan din ang mga epekto ng paggamot para sa herpes simplex virus. Ang cancer treatment ay naging epektibo ngunit nauugnay sa isang viral infection tulad ng HSV, nabanggit ang pananaliksik na inilathala noong 2009.
Ang paulit-ulit na impeksyon sa HSV type 1 sa mga pasyenteng immunocompromised dahil sa paggamot para sa cancer ay maaaring maging mas agresibo, masakit, at mas mabagal na gumaling. Kadalasang kailangan ng mas mahabang paggamot ang mas malaking mga sugat na ito. Maaaring maging mas madaling kapitan ng drug‐resistant strains ng HSV ang pasyente.
Key Takeaways
Matagal nang inaalala na ang mga virus infection ay maaaring humantong sa mas malubhang mga kondisyon tulad ng cancer. Ang mga karaniwang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik ay kabilang sa mga pinaghihinalaang sakit na genital herpes at herpes zoster.
Isinagawa ang mga pag-aaral upang matukoy kung nakaka-cancer ba ang herpes o herpes zoster (a.k.a. shingles) ay maaaring humantong sa mga uri ng cancer. Ang ilang mga pasyenteng ginagamot sa herpes simplex virus ay ginagamot din para sa cancer upang suriin ang koneksyon. Ang mga resulta ng mga pag-aaral ay halos magkasalungat at hindi tiyak. Para sa tiyak na sagot sa kung nakaka-cancer ba ang herpes, kailangan pa ng higit na pananaliksik.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa Genital Herpes, mag-click dito.
[embed-health-tool-bmi]