Ano ang amoy ng chlamydia? O may amoy ba ito? Habang ang mabahong discharge mula sa ari ng babae ay isa sa mga bagay na dapat tignan, hindi lang ito ang posibleng sintomas ng chlamydia.
Narito ang kailangan mong malaman.
Ano ang mga Sintomas ng Chlamydia?
Kung ang tao ay unang nagkaroon ng impeksyon na chlamydia, hindi nila kadalasan na napapansin ang sintomas. Ang dahilan sa likod ng mga ito ay kadalasan na nagsisimula ng isa hanggang tatlong linggo bago magsimula ang sintomas nito. Kahit na ang pagsusuri sa pisikal ay hindi nagpapakita ng sintomas nito kung isinagawa sa mas maaga pang stage ng impeksyon.
Ito rin ang dahilan bakit ng pagkalat nang mabilis sa mga taong mayroon nito dahil hindi nila alam na sila na pala ay infected. Kaya’t maaari rin nilang mahawa ang ibang mga tao.
Ang mga sintomas na ito ay kadalasang nakikita ilang mga linggo matapos ang unang impeksyon.
Soreness at Pain
Isa sa mga unang sintomas na nararanasan ng mga tao ay ang soreness at pain. Sa mga kalalakihan, ang sakit ay kadalasang nararamdaman sa paligid ng testicles, habang sa babae ay nararamdaman sa ibabang bahagi ng tiyan.
Ang mga bahagi na ito ay maaaring makaramdam ng masyadong sensitibo kung hahawakan, kahit na mahinang dampian lang o hawakan ay maaaring maging masakit. Ito ay nangyayari dahil ang impeksyon ay nagtungo na sa reproductive tract, at nagiging dahilan ng pamamaga sa uterus o fallopian tubes para sa kababaihan, at epididymis naman sa kalalakihan.
Mahapding Pakiramdam sa Pag-ihi
Kung ang isang tao ay infected ng chlamydia, posible na makaramdam sila ng mahapding pakiradam habang umiihi. Ito ay sa kadahilanan na ang kanilang urethra ay namamaga.
Dugo sa Ihi
Sa parehong mga lalaki at babae, ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng dugo sa ihi. Ito ay sa dahilan na ang urethra ay infected ng chlamydia, at nagpapakita ng mga sintomas na katulad sa urinary tract infection o UTI, na kabilang ang dugo sa ihi. Ang sintomas ay maaari mayroong mahapding pakiramdam o sakit habang umiihi.
Discharge na may Matapang na Amoy
Karamihan ng mga tao ay iniuugnay ang matapang na amoy ng chlamydia discharge na isa sa mga sintomas nito.
Ngunit ano nga ba ang amoy ng chlamydia? Sa ibang mga kaso, ito ay walang partikular na matapang na amoy.
Ang discharge na dahil sa chlamydia ay kadalasan na madilaw o di kaya ay brownish ang kulay at maaaring magkaroon ng matapang o mabahong amoy sa ibang mga babae. Iba ito sa amoy ng bacterial vaginosis na mayroong malansang amoy.
Ngunit sa kahit na anong banda, kung napansin ang matapang na amoy at ang abnormal na discharge, kinakailangan na magtungo sa iyong doktor.