backup og meta

Ano ang Pinagkaiba ng Transsexual sa Transgender? Alamin dito

Ano ang Pinagkaiba ng Transsexual sa Transgender? Alamin dito

Ang mundo ay nagsisimula nang tanggapin ang LGBTQ+ community ngayon. Hindi tulad noon, ngayon ay nirerespeto na ng mga tao ang kung anong dapat para sa kanila at hindi na gaanong nagkakaroon ng diskriminasyon tungkol sa kanilang identidad. Gayunpaman, bagaman dahan-dahan nating binubura ang pagiging homophobia, may ilang mga tao pa rin na naguguluhan sa mga termino sa kasarian at seskwalidad. Mas nalilito sila sa terminong transgender at transsexual. Ano ang pinagkaiba ng transsexual sa transgender?

Lagi dapat tayong maging maingat kung paano natin tutukuyin ang iba, partikular sa dalawang terminong ito, dahil sa negatibong stigma na maaaring kasama ng termino. Kaya’t mahalagang malaman kung ano ang pinagkaiba ng transsexual sa transgender. Ano ang ibig sabihin ng mga termino na ito, at paano natin gagamitin nang maayos?

Ano ang Ibig Sabihin ng Transgender?

Bago malaman kung ano ang pinagkaiba ng transsexual sa transgender, dapat muna nating talakayin ano ang ibig sabihin ng kada termino. Ang kahulugan ng transgender o trans’ ay maaaring iba-iba sa bawat tao.

Ito ay karaniwang ginagamit bilang umbrella term na tumutukoy sa mga tao na may ibang identidad sa kasarian kaysa sa kasarian noong isinilang sila. Halimbawa, ang isang biological na lalaki na tinutukoy ang sarili niya bilang babae ay tinatawag na transgender na babae. Habang ang babae na kinikilala ang sarili niya na lalaki ay isang transgender na lalaki. Kahit na karaniwan ang misconception, crossdressing (pagsuot ng mga kasuotan o makeup) ay hindi pareho tulad ng transgender. Ang crossdressing ay nasa ilalim ng konsepto ng gender expression, na ipinapakita ang kanilang femininity, masculinity o neutrality.

Sa spectrum ng kasarian, hindi lamang ito lalaki at babae at transmen at transwomen. May isa pang pagtukoy sa kasarian sa ilalim ng transgender na tinatawag na nonbinary o “enby”. Ang mga nonbinary na indibidwal ay kinokonsidera na nasa labas ng spectrum, hindi kinikilala na lalaki o babae. Ang ilan ay maaaring i-label ang kanilang sarili bilang agender (walang kasarian), bigender (parehong kasarian), o genderfluid (maaaring mag-shift sa parehong kasarian).

Maraming mga transgender na sa kanilang pagkabata ay nakararamdam na ang kanilang sarili ay hindi akma sa kung anong kasarian ang mayroon sila pagkapanganak. Ito ay karaniwan nag-uudyok sa gender dysphoria o severe distress sa kanilang sekswal na identidad. Kaya’t mahalaga para sa kanila na lumaki sa kapaligiran na tanggap sila, kahit na ano ang nararamdaman nilang kasarian.

Ano ang Ibig Sabihin ng Transsexual?

Maraming mga tao na ayaw na tawagin na transsexual dahil sa stigma na kasama ng terminong ito. Sinasabi ng kasaysayan na ito ay ginamit noon upang maling tukuyin ang mga transgender bilang may sakit sa aspektong mental. Dahil dito, maraming mga transgender ang na-o-offend kung sila ay tinatawag na transsexual.

Bagaman ang transsexual ay may teknikal na kahulugan na tumutukoy sa mga tao na may ibang kasarian na mayroon sila biologically. Kapareho ng transgender, hindi dapat ito ginagamit bilang umbrella term para sa mga taong transgender. Dahil hindi ito repleksyon o nagrerepresenta ng lahat na nasa ilalim ng trans community. 

Ang terminong transsexual ay karaniwang mas ginagamit ng mga taong sumailalim sa medikal na operasyon o hormonal therapy upang mag-transition sa kasarian na nais nila. Gayunpaman, ang terminong transsexual ay problematiko pa rin para sa marami. Ang iba ay ginagamit ang parirala tulad ng “gender affirming procedures.” Sa kahit na anong kaso, ang paghingi ng permiso sa isang tao tungkol sa paggamit ng salita upang tukuyin sila (pronouns) ay ang pinakamagalang na paraan.

Ano ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Transsexual at Transgender?

Maraming pagkakaiba ang makikita sa ugat na salita na sex at gender. Ang sex ay tumutukoy sa pagiging lalaki o babae, sa pangkalahatan na basehan sa kanilang ari noong isinilang. Sa kabilang banda, ang gender ay tumutukoy sa social constructs o inaasahan ng lipunan sa bawat sex. Halimbawa nito ay ang mga lalaki na nagsusuot ng asul at naglalaro ng sport. At ang mga babae ay nagsusuot ng pink at gumagamit ng makeup.

Ang transsexual ay isang tao na nagbago ng kanilang sex, maaaring ito ay dahil sa operasyon, hormonal therapies, o ibang paraan. Ngunit hindi lahat ng transsexual ay ginagawa ang paraan na ito upang “patunayan” ang kanilang identidad. Ang transgender ay termino na sakop ang transsexuals. Kasama rito ang iba’t ibang identidad sa kasarian, kabilang na ang nonbinary na indibidwal. Tumutukoy ang transgender sa lahat ng tao na hindi bumabase sa kanilang “itinakda” na biological na sex sa kapanganakan.

Sa madaling salita, ang mga transsexual ay transgender ngunit hindi lahat ng transgender ay transsexual.

Key Takeaways

Ang pag-alam ng identidad sa kasarian at lahat sa pagitan ng kung ano ang pinagkaiba ng transsexual sa transgender ay isa sa mga hakbang na maaari nating gawin. Ito ay upang mas mabigyan tayo ng kaalaman tungkol sa LGBTQ+ na komunidad. Mas maraming kaalaman ang alam natin sa kanila, mas mauunawaan natin ang kanilang pinagdaraanan. Kung tinatanong mo ang iyong kasarian at sekswalidad, maging bukas sa mga supportive na kaibigan at miyembro ng pamilya. Para sa tulong tungkol sa emosyon o traumatic na pangyayari, maraming hotlines at psychologist na available.

Matuto pa tungkol sa Pangangalagang Sekswal dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Transgender | Psychology Today, https://www.psychologytoday.com/intl/basics/transgender, Accessed April 2, 2021

Transsexualism: A Different Viewpoint to Brain Changes (nih.gov), https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5953012/, Accessed April 2, 2021

Trans and gender diverse people – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/HealthyLiving/Transgender-and-transsexuality, Accessed April 2, 2021

Transgender? Or TrueGender? | Psychology Today, https://www.psychologytoday.com/us/blog/laugh-cry-live/201507/transgender-or-truegender, Accessed April 2, 2021

Transgender facts, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/transgender-facts/art-20266812, Accessed April 2, 2021

 

Kasalukuyang Version

04/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement