Ano ang persistent genital arousal disorder (PGAD)? Ito ay madalas na tinutukoy bilang persistent sexual arousal syndrome (PSAS) kung saan ang isang babae ay maaaring makaranas ng biglaang mga orgasm nang walang anumang sekswal na aktibidad o erotikong pag-iisip. Kahit na ang orgasm ay maaaring tumagal ng ilang minuto, ang mga sintomas ay maaaring magpatuloy sa loob ng ilang araw o linggo.
Ang madalas na paglitaw ng mga sintomas ay maaaring magdulot ng depression at iba pang medikal na kondisyon. Maaaring harapin ng mga kababaihan sa anumang edad ang naturang kondisyon. Ang mga kababaihan sa kanilang post-menopausal phase o ang mga kamakailan ay tumigil sa pag-inom ng mga antidepressant ay mas madaling magkaroon ng persistent sexual arousal syndrome.
Kadalasang naiuugnay ang tanong kung ano ang persistent genital arousal disorder sa mga kababaihan. Gayunpaman, maaari rin itong mangyari sa mga kalalakihan. Ito ay kinikilala bilang priapism sa kanila. Ang kondisyong ito ay nangyayari buhat ng iregular na daloy ng dugo sa penis.
Ang mga lalaking may priapism ay maaaring makaranas ng erection na tumatagal ng ilang oras nang walang anumang sekswal na aktibidad. Maaaring mangyari ang mga sintomas nang maraming beses sa loob ng ilang araw. Ang karaniwang sanhi ng priapism sa mga lalaki ay kinabibilangan ng madalas na urinary tract infections at vasectomy procedures.
Ano Ang Persistent Genital Arousal Disorder At Ang Mga Sintomas Nito?
Katulad ng nabanggit, ang mga indibidwal na may persistent sexual arousal syndrome ay maaaring makaranas ng madalas na orgasm. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng kondisyon ang pagkabasa, burning sensation, at pangangati sa bahagi ng ari. Ang mga ito ay maaaring mangyari nang madalas buhat ng kawalan ng sekswal na aktibidad.
Ang iba pang mga karaniwang sintomas ng persistent sexual arousal syndrome ay kinabibilangan ng:
- Abnormal na pagtaas ng presyon ng dugo
- Abnormal na pagbulis ng tibok ng puso
- Pamumula sa mukha
- Pananakit sa bahagi ng ari
- Pagbilis ng paghinga
Ang madalas na pagkakaroon ng orgasm ay maaaring magkaroon ng epekto sa pang-araw-araw na gawain. Ito ay maaaring humantong sa pag-unlad ng mga sikolohikal na kondisyon tulad ng depression, pagkabigo, at anxiety. Maaari pa itong makaapekto sa sleep cycle.
Bukod pa rito, posible ring humantong ito sa pagkawala ng interes ng mga kababaihan sa mga sekswal na aktibidad.
Ano Ang Persistent Genital Arousal Disorder At Ang Mga Sanhi Nito?
Hanggang ngayon, hindi pa rin matukoy kung ano ang persistent sexual arousal disorder at ang pangunahing sanhi nito. Maaaring mangyari ang kondisyon dahil sa pangangati sa pudendal nerve. Sinasabing ang nerve na ito ang siyang nagbibigay ng mga sensasyon sa genital area.
Kung mayroon kang anumang mga mental health issue tulad ng depression, pagkabalisa at iba pa, maaari kang makaranas ng mga sintomas ng PGAD. Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung bakit ang mga naturang kondisyon ay nagdudulot ng mga sintomas ng PGAD.
Mga Salik Ng Panganib
Kung napapatanong ka kung ano ang persistent genital arousal disorder at kung nasa panganib ka magkaroon nito, posible ito kung mayroon kang mga gynecological disorders at pudendal neuralgia. Kung huminto ka kamakailan sa pag-inom ng mga anti-depressant na gamot, maaari ka ring makaranas ng mga sintomas ng persistent sexual arousal syndrome.
Pagsusuri
Kung nakararanas ka ng anumang sintomas ng persistent sexual arousal disorder, kumunsulta sa iyong doktor.
Ipaalam agad sa iyong doktor ang tungkol sa mga sintomas na iyong nararanasan at kung gaano kadalas ito nangyayari. Maaaring magsagawa ng physical exam ang iyong doktor upang masuri ang iyong genital area. Sa ilang mga kaso, kung ang doktor ay naghihinala ng pinsala sa ugat, maaari niyang irekomenda ang neurological testing.
Maaaring tanungin ka rin niya tungkol sa mga kondisyong medikal na mayroon ka at mga gamot at gamot na iyong iniinom. Makatutulong na maunawaan niya kung ang mga sintomas ng PGAD ay dulot ng iba pang kondisyon, gamot, o supplements.
Paggamot
Muli, kung nakararanas ka ng anumang mga sintomas, siguraduhing makipag-usap sa iyong doktor. Ang wastong pagsusuri at napapanahong paggamot ng kondisyon ay mahalaga. Huwag mahiya na ibahagi ang iyong mga alalahanin sa iyong doktor. Karaniwan ang kondisyon na ito at hindi mo dapat ikahiya.
Walang lunas ang naturang kondisyon, ngunit ang paggamot ay maaaring makatulong na pamahalaan ang mga sintomas. Mapapabuti rin nito ang kalidad ng iyong buhay at maiwasan ang emotional harm na maaari nitong maidulot.
Upang magamot ang persistent sexual arousal syndrome, maaaring irekomenda sa iyo ng iyong doktor ang mga gamot at numbing gel. Sa ilang mga kaso, maaaring magrekomenda rin ng transcutaneous electrical nerve stimulation (TENS) na makatutulong upang mapawi ang pananakit sa mga ugat.
Ang mga mental health issues tulad ng depression o anxiety ay maaari ring mag-trigger ng mga sintomas ng persistent sexual arousal syndrome. Sa ganitong mga kaso, mahalagang gamutin muna ang iyong mental health condition.
Makatutulong ito upang pamahalaan ang mga sintomas ng mga mental condition pati na rin ang PGAD. Upang gamutin ang mga mental health condition, maaari mong isaalang-alang ang counseling o mga therapy. Makatutulong din ito upang mapalakas ang iyong kumpiyansa sa sarili at maunawaan ang iyong mga emotional triggers.
Maaari ka ring magsagawa ng meditation o mga ehersisyo upang mabawasan ang mga sintomas at maging kalmado ang iyong mga muscles.
Mga Lifestyle Changes Para Sa Persistent Genital Arousal Disorder
- Bantayan ang iyong mga triggers. Gumamit ng isang journal at subaybayan ang lahat ng mga bagay na nagiging sanhi ng iyong mga sintomas ng persistent sexual arousal disorder. Ipaalam sa iyong doktor ang tungkol sa iyong mga triggers.
- Maaari ka ring kumuha ng tulong mula sa cognitive-behavioral therapy upang pamahalaan ang iyong mga negatibong kaisipan.
- Maghanap ng mga opsyon na makatutulong sa iyong matuklasan ang iyong mga emosyonal triggers. Maaari kang sumali sa yoga, meditation, at mga breathing exercises.
Home Remedies Para sa Persistent Genital Arousal Disorder
- Kung madalas kang nakararanas ng mga sintomas, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga topical applications. Makatutulong ang mga ito upang mapawi ang mga sintomas.
- Maaari ka ring gumamit ng cold compress o yelo upang maiwasan ang mga sintomas. Ang kailangan mo lang gawin ay maglagay ng yelo o compress sa pelvic area. Maaari mo ring ikonsidera ang pagligo ng malamig na tubig.
- Iwasang magsuot ng masikip na damit. Magsuot ng mga damit na breathable at malambot ang tela.
- Pinaniniwalaan din na ang masturbation ay nakatutulong upang mabawasan ang mga sintomas. Ngunit maaaring hindi ito makatutulong para sa bawat babaeng nakararanas ng kondisyon. Maaaring magbigay ng pansamantalang relief ang masturbation, ngunit maaaring hindi ito epektibo para sa pangmatagalang ginhawa.
Alamin ang iba pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.