backup og meta

Ano ang Hymen, At Ano ang Ginagawa Nito Para sa Katawan?

Ano ang Hymen, At Ano ang Ginagawa Nito Para sa Katawan?

Ano ang hymen at ano ang layunin ng hymen? Maraming mga tao ang nag-iisip na ang pagkakaroon ng isang hymen ay “patunay ng pagkabirhen ng isang babae” at kung ang hymen ay nasira na, nangangahulugan ito na ang babae ay nakipag-sex na. Ngunit para saan nga ba ang hymen at totoo bang ang pakikipagtalik lamang ang maaaring “makasira” nito? Sa artikulong ito, makikilala natin ang mga katotohanan at myths tungkol sa kung ano ang hymen.

7 Maling Paniniwala Tungkol sa Kung ano ang Hymen

Myth 1: It Serves to Protect the Vagina

Ayon sa mga pag-aaral, ang hymen ay “remnant tissue” mula sa pagbubuo ng vagina. Naniniwala ang mga siyentipiko na ang layunin nito ay protektahan ang ari sa embryonic stage mula sa ” external sources ng impeksyon” tulad ng mga mikrobyo at dumi.

Ngunit para sa babaeng nasa hustong gulang na, ang hymen ay talagang hindi nagsisilbi ng anumang physiological o medikal na layunin. Isa lamang itong “vestige” o tirang tissue mula sa vaginal development.

Myth 2:  Tinatakpan Nito ang Vaginal Opening

Ang ideya na ang purpose ng hymen ay para sa “pagpapanatili ng pagkabirhen ng isang babae” ay malamang na nagmumula sa maling kuru-kuro na ito ay isang lamad na ganap na tumatakip sa vaginal opening.

Sa halip na isipin na ang hymen ay isang film o sheet na tumatakip sa vaginal orifice, i-visualize ito bilang isang donut o kalahating buwan na hugis na lamad na nakatakip dito. 

Ang isang hymen na ganap na sumasakop sa ari (imperforate hymen) ay may problema. Ito ay dahil nakakasagabal ito sa regla at nagdudulot ng hirap sa pag-ihi. Gayundin, ang isang imperforate hymen ay karaniwang kailangan ng operasyon upang maiayos.

Myth 3: Ang mga Babae ay May “Intact” na Hymen

Ang ideya na mayroong “buo o intact” na hymen ay isang malaking misconception tungkol sa kung ano ang hymen.

Ang bawat babae ay naiiba, at samakatuwid, normal para sa hymen na mag-iba sa laki, hugis, at hitsura. Halimbawa, bagama’t karaniwan para sa hymen na magkaroon ng hugis kalahating buwan, ang ilang hymen ay mukhang isang donut, ang ilan ay may mga palawit, habang ang iba ay may ilang mga butas o lobe.

Sa madaling salita, walang “intact” hymen dahil hindi ito pareho para sa lahat. Bilang karagdagan, ang ilang mga kababaihan ay walang hymen!

Myth 4: Masakit at Nagdurugo Kapag ang Hymen ay “Nabutas”

Taliwas sa alam ng marami, ang hymen ay hindi ganap na “matigas at penetrable;” maraming babae ang may stretchy at flexible na hymen. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga kababaihan ay nakakaramdam ng sakit habang ang iba ay hindi, sa panahon ng penetrative sex o masturbation.

Sa isyu ng pagdurugo, tandaan natin na ang hymen ay remnant tissue lamang. Nangangahulugan ito na medyo kakaunti ang blood vessels nito. Kaya’t habang maaari kang magdugo mula sa pagkapunit ng hymen o trauma, hindi ito totoo sa lahat.

Myth 5: Ang Hymen ay “Nawawala” Pagkatapos ng First Sexual Intercourse 

Ang hymen ay hindi nawawala pagkatapos ng unang pakikipagtalik; sa katunayan, madalas,hindi ito “nasisira”. Marahil, ang mas angkop na termino ay “nagbabago.”

Upang ipaliwanag kung paano nagbabago ang hymen, bumalik tayo sa ideya na ito ay tirang tissue. Sa mga bagong silang, ang hymen ay makapal at pronounced, ngunit sa paglipas ng mga taon, ito ay nagiging mas manipis.

Ang ibig sabihin nito ay ang hymen ay hindi nasisira o nawawala sa isang pangyayari.  Sa katunayan, maaari itong ma-stretch, mapunit, o maging manipis depende sa nararanasan ng isang babae.

Myth 6: Ang Pagkakaroon ng Hymen ay Nangangahulugang Hindi pa Nakikipag-Sex ang Isang Babae

Sa puntong ito, naalis na natin ang ilang myths tungkol sa kung ano ang hymen. Malinaw na ngayon na walang “intact” na hymen at hindi ito nasisira o nawawala dahil sa isang pangyayari. Napag-alaman din natin na ang hymen ay maaaring dumugo o hindi kapag ito ay nakakaranas ng pagkapunit o trauma.

Pero, ang pinakamahalagang palagay nadapat linawin ay ang ideya na ang pagkakaroon ng isang hymen ay nagsasabi na ang babae ay hindi pa rin nakikibahagi sa penetrative sex.

Tandaan, ang mga hymen ay iba sa bawat babae. Ang ilan ay maaaring dumugo, ang ilan ay hindi. Ang iba ay makakaramdam ng sakit, ang iba ay hindi. At ito ay normal. Sa madaling salita, hindi mo maaaring gamitin ang presensya ng hymen bilang isang “reliable test  para sa sekswal na aktibidad.” Gayundin, hindi mo rin ito magagamit para malaman kung naganap ang sekswal na pang-aabuso.

Myth 7: Tanging Pagtatalik ang Nagpapabago sa Hymen

Gaya ng ipinaliwanag kanina, ang hymen ay nai-stretch, humihina, o napupunit sa paglipas ng panahon. Ngunit ang pakikipagtalik ay hindi lamang ang aktibidad na nagpapabago nito.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang mga sumusunod ay maaari ding magresulta sa mga pagbabago sa hymen:

  • Paggamit ng menstrual cup
  • Paggamit ng tampon
  • Vigorous exercise
  • Gynecological exams
  • Penetrative masturbation
  • Edad

Hymen at “Virginity”

Matapos talakayin kung ano ang hymen at ang iba’t ibang myth na nakapaligid dito, may kaunting paglilinaw tayo ngayon tungkol sa virginity. Karamihan sa mga tao ay nagsasabi na virgin ang  isang tao na hindi pa nakipagtalik. Ngunit karamihan sa mga eksperto ay nagsasabi na it’s not as simple as it sounds.

Ito ay dahil ang ideya ng “sex” at “pagkawala ng virginity” ay may iba’t ibang ibig sabihin sa iba’t ibang tao. Halimbawa, tinatanggap ng maraming tao na nawala ang kanilang virginity kapag nakipagtalik sila sa “penis-in-the-vagina” sex. Gayunpaman, mayroon ding mga indibidwal na hindi na itinuturing ang kanilang sarili na mga birhen dahil sila ay nag-engage na sa iba pang uri ng intimacy tulad ng oral sex. Ang pagiging subjectivity na ito ay higit pang karagdagang seal sa kamalian ng paggamit ng hymen bilang isang indikasyon ng “virginity.”

Tandaan, ang bawat babae ay magkakaiba, kaya’t ang mga hymen ay iba rin.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Does it break? Doctors examined a lot of women to bust the hymen myth
https://www.her.ie/health/does-it-break-doctors-examined-a-lot-of-women-to-bust-the-hymen-myth-390465
Accessed September 23, 2020

The purpose of the hymen
https://goaskalice.columbia.edu/answered-questions/purpose-hymen
Accessed September 23, 2020

The Hymen’s Tale: Myths and facts about the hymen
https://wexnermedical.osu.edu/blog/myths-and-facts-about-hymen
Accessed September 23, 2020

The Hymen: A Membrane Widely Misunderstood
https://www.psychologytoday.com/us/blog/all-about-sex/201103/the-hymen-membrane-widely-misunderstood
Accessed September 23, 2020

Function of the human hymen
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0306987797902231
Accessed September 23, 2020

The little tissue that couldn’t – dispelling myths about the Hymen’s role in determining sexual history and assault
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6547601/
Accessed September 23, 2020

Virginity
https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/virginity
Accessed September 23, 2020

Kasalukuyang Version

03/03/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement