Ang mga katanungan sex ay maaaring nakakahiya para sa iba na itanong, dahil ang usapan tungkol sa sex ay “taboo” sa Pilipinas. Gayunpaman handang sumagot ang sex experts sa mga katanungan sa sex, lalo na kung humihingi ng payo ang isang indibidwal sa kung paano mapapabuti ang kanyang kalusugan— at relasyon sa partner.
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon natin ng sex experts na maaaring tumulong sa’tin na maintindihan ang sex, marami pa ring tao na ayaw itong pag-usapan dahil sa takot na mahusgahan ng kausap. Kaya naman sa article na ito, pag-uusapan natin ang mga katanungan sa sex na madalas at pwede mong itanong sa sex experts.
-
Gaano kadalas dapat makipag-sex ang isang tao?
Batay sa pag-aaral na pinamagatang Sexual Frequency Predicts Greater Well-Being, But More Is Not Always Better na nai-publish sa Sage Journals, ang pakikipag-sex ng 1 beses sa isang linggo ay nauugnay sa mataas na relationship satisfaction. Gayunpaman walang pag-aaral ang nagsasabi na ang madalas na sex activity ay nagpapataas ng relationship satisfaction.
Sa kabuuan, walang nakatakdang dami ng pagse-sex ang dapat gawin ng magkapareha. Karaniwan ang dalas ng kanilang pakikipag-sex ay maaaring mag-iba at pwedeng maganap araw-araw o sa iba’t ibang oras na naisin nila.
-
Gaano dapat katagal titigas ang ari ng lalaki upang masabi na normal siya?
Ang pagtigas ng ari ng lalaki o erection ay kadalasang kailangan para sa maraming uri ng sekswal na aktibidad. Karaniwang nagsisimula ang paninigas ng ari sa panahon ng arousal, at madalas na nawawala kapag huminto ang arousal o pagkatapos ng ejaculation. Sa kabuuan ang ganitong pangyayari ay normal sa isang lalaki.
Gayunpaman ang mga factor gaya ng stress, alkohol, at gamot ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang tao na makamit at mapanatili ang erection. Kapag ang isang lalaki ay patuloy na nahihirapan sa pagpapatayo ng ari, dapat na makipag-usap sa kanilang doktor dahil maaaring mayroon silang erectile dysfunction.
-
Healthy ba ang masturbation? Bakit?
Sa katunayan, ang masturbesyon ay maaaring maging mabuti sa kalusugan ng isang tao— pisikal man o mental. Ito rin ang safetest sex — kung saan walang panganib na mabuntis o magkaroon ng STD. Dagdag pa rito, kapag nag-o-orgasm ang katawan ng isang tao, asahan mo na naglalabas sila ng mga endorphins, mga hormones na humaharang sa sakit at nagpapagaan ng pakiramdam.
-
Totoo ba na mas mataas ang sex drive ng babae kapag malapit na siyang magkaroon ng regla?
Ang pagiging sexually aroused sa mga araw bago ang iyong regla ay ganap na normal. Sa katunayan, maraming pag-aaral ang nagsasabi na tumataas ang sekswal na pagnanais kapag malapit na ang babae sa ovulation time.
Ayon din sa ilang mga teorya, malaking factor ang hormones sa pagtaas ng sex drive at libido ng babae. Dahil ang antas ng estrogen at testosterone ay tumataas sa panahon ng ovulation na posibleng mag-trigger ng pagtaas ng libido— at may posibilidad ang konseptong ito ayon sa mga eksperto.
Bukod pa rito, ang ovulation ay ang panahon ng mataas na fertility, at ang ating mga katawan ay diumano’y biologically wired upang magkaanak.
-
Gaano katagal nagse-sex? At bakit?
Walang nakatakdang oras kung gaano katagal dapat ang pakikipag-sex. Maaari itong mag-iba nang malaki, depende sa kagustuhan ng mag-partner at iba pang mga kadahilanan, tulad ng kung ano ang sex para sa isang tao, kalagayan ng kalusugan, mood, at iba pa.
-
Totoo bang nasa pwet ang g-spot ng lalaki?
Ang male G spot ay ang prostate na matatagpuan lamang sa loob ng tumbong o rectum. Kung saan maaari itong i-stimulate ng isang tao— internally o externally. Bagaman hindi malinaw kung paano nagbibigay ng kasiyahan ang prostate, posible na ang kasiyahan ay nagmumula sa stimulation ng nerves na naka-attach sa prostate.
-
Masakit ba ang sex kung hindi tuwid ang paninigas ng ari ng lalaki?
Normal sa lalaki na ang kanilang ari ay bahagyang nakakurba sa kaliwa o kanan kapag ito ay nakatayo. Ngunit kung ito ay lubhang nakabaluktot maaaring magdulot ito ng pananakit o kahirapan sa pakikipag-sex. Kaya naman mas mainam na magpatingin sa doktor kapag napansin na sobrang nakabaluktot ang ari sa oras ng erection, at nakasasagabal sa pakikipag-sex, dahil maaaring sintomas ito ng Peyronie’s disease.
Sa kabuuan ang malalang kaso ng pagkakurba ng ari ng lalaki ay maaaring maging mahirap, masakit o maging imposible ang pakikipag-sex. Ang Peyronie’s disease ay maaari ring humantong sa erectile dysfunction.