Karaniwang naghahanap ng vitamins pampataba ng bata ang mga magulang. Ito ay sa kadahilanang may mga batang masyadong maliit o kulang sa timbang. Kadalasan, ang mga batang ito ay pwedeng maging picky eaters. Ang ilang mga bata naman ay masyadong abala sa pag-explore sa mundo, kumpara sa pag-focus nang husto sa kanilang pagkain. Sa murang edad, hindi alam ng mga bata kung gaano kahalaga ang balanseng pagkain para sa kanilang kalusugan. Kaya naman, bilang magulang, dapat nating tulungan ang ating anak na maunawaan ang kahalagahan ng tamang pagkain.
Ang bottomline: Paano mo masisigurado na ang iyong anak ay tumatanggap ng sapat na sustansya para sa kanilang paglaki? Ano ang pinakamahusay na vitamins para sa mga maliliit na bata, upang sila ay tumaba?
Vitamins pampalusog ng bata: Para sa Toddlers
Maraming pagkain, health supplements, at iba pang produkto, ang nag-aalok ng mga sustansya na pwedeng kailanganin ng iyong anak. At dahil sila ay bata pa — mahalagang panatilihin silang malusog para masigurado na sila ay lumalaki nang tama.
Vitamins pampalusog ng bata: Vitamin A
Ang vitamin A ay kabilang sa mga pinakamahusay na bitamina. Ito ay madaling makuha sa isang malawak na hanay ng mga pagkain. Matatagpuan ang vitamin A sa karne, itlog, citrus fruits, carrots, at kamote. Itinataguyod nito ang pagkakaroon ng average na paglaki at pag-unlad. Nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng magandang resistensya laban sa sakit.
Vitamins pampalusog ng bata: Vitamin B12
Isa pa sa mga mahahalagang bitamina ay ang vitamin B12. Ang bitamina na ito ay nagtataguyod ng maayos na paglaki ng isang bata. Ito ay isang kinakailangang vitamin. Sapagkat nakakatulong ito sa utak, blood cells, at marami pang ibang bahagi ng katawan — na gumana ayon sa functions. Kaugnay nito, malaki ang nagiging ambag nito sa pagtaba ng bata.
Ang vitamin B12 ay makukuha sa maraming animal-based na pagkain. Tulad ng isda, itlog, karne, at dairy products. Minsan naman, pwede mong makuha ang vitamin na ito, mula sa mga common fortified breakfast cereals.
Vitamins pampalusog ng bata: Vitamin D at Calcium
Sinasabi na ang vitamin ay “mainly available” sa ilang mga oras sa araw. Sapagkat, pwede mo itong makuha mula sa direktang sikat ng araw. Gayunpaman, maaari kang makakuha ng small amounts nito sa pamamagitan ng partikular na pagkain din. Ilan sa mga halimbawa:
- pula ng itlog
- mantikilya
- margarin
- mushroom,
- at iba pang mga dairy product
Makakatulong ang vitamin D sa mga bata na tumaba. Dahil mapapanatili nitong malusog ang mga bata. Ito rin ay isang perpektong pagpapares sa calcium. Sapagkat, kapwa ito na maaaring makatulong sa mga buto na lumago ng malusog, at malakas. Magkasabay ang calcium at vitamin D, dahil umaasa ang calcium sa vitamin D na i-absorb sa katawan.
Protina
Tulad ng athletic people, pwede ring umasa ang mga bata sa protina. Ang mga pagkaing mataas sa protina ay pinakamainam na kainin kapag sinusubukang mong magpataas ng timbang. Kabilang dito ang peanut butter, itlog, karne, yogurt, at dairy products.
Carbohydrates
Alam nating lahat na ang carbohydrates ay isang mahusay na source of enerygy. Ngunit bukod doon, nakakatulong din ito sa pagbuo ng isang mahusay na digestive routine.
Kabilang sa mga carbs ang fiber, sugars, at starches. Bawat isa ay gumaganap ng sarili nitong bahagi sa paggawa ng enerhiya para sa katawan. Gayunpaman, pinakamahusay na magbigay sa iyong anak ng starchy at fiber-rich carbohydrates — kaysa asukal. Kasama sa mga pagkaing ito ang pasta, kanin, tinapay, cereal, at kahit patatas.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Toddler Nutrition dito.