backup og meta

Stress dahil sa online classes: Ano ang maaaring gawin tungkol dito?

Stress dahil sa online classes: Ano ang maaaring gawin tungkol dito?

Alam natin na ang COVID-19 pandemic ay gumulo sa buhay ng lahat. At isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang mga kabataan.  Mula sa pagpasok sa paaralan araw-araw, pakikipag-kita sa mga kaibigan at guro, at pakikilahok sa sports at iba pang extracurricular activities, sadyang apektado sila. Ang mga kabataan ay nakakulong na ngayon sa kanilang mga tahanan at sila ay natututo sa pamamagitan ng kanilang mga computer o laptop. Habang tuloy ang online learning ngayon, may ilang mga problema ang mga estudyante sa mga online class na dapat malaman ng mga magulang. Ang mga isyung ito, kasama na ang stress ng bata ay pwedeng lubhang makaapekto sa kalusugan at kapakanan nila.

Mga problema ng bata sa online class: Mga pangunahing sanhi ng stress

Isa sa pinaka-malaking problema ng mga estudyante sa online classes ay ang kawalan ng face-to-face social interactions. Para sa mga older kids ang positibong pagkakaibigan ay mahalaga. Dahil ito ay nagtuturo sa kanila ng mahalagang social at emotional skills, tulad ng teamwork at empathy. Natututo din ang mga maliliit na bata ng mahahalagang aral sa pakikipaglaro sa mga kaibigan. Sa paaralan karaniwang unang nabubuo ang pakikipagkaibigan ng isang bata. Kahit na nakikita pa rin nila ang kanilang mga kaibigan online, ito ay ibang-iba sa pakikipag-ugnayan sa kanila sa totoong buhay. Dahil sa kakulangang ito, maaari silang makaramdam ng kalungkutan at stress ng bata.

Kasama rin sa stress ng bata sa online class ang kakulangan ng physical activity. Karaniwan, kasali ang mga bata sa sports at Physical Education classes sa eskwelahan o sa extracurricular activities. Gayunpaman, ang mga pag-aaral ay nagpapakita ng pagbaba ng antas ng  physical activity sa mga bata. Ito ay sa pangkalahatan sa panahon ng pandemya. Alam nating lahat ang malinaw na benepisyo ng ehersisyo para sa pisikal na kalusugan. Ngunit ang ehersisyo ay mayroon ding positibong epekto sa kalusugan ng isip, partikular bilang isang “stress-buster”.  

Ang sobrang screen-time ay isa pang pinagmumulan ng stress na kinakaharap ng mga mag-aaral sa mga online class. Walang pagpipilian ang mga bata kundi umupo sa harap ng screen nang maraming oras araw-araw. Ito ay sa kabila ng pag-iingat ng mga eksperto sa kalusugan ng bata tungkol sa mga mapaminsalang epekto ng labis na screen-time kabilang ang pagkaantala sa pagtulog at mga mood issue.

5 palatandaan ng stress ng bata

  • Problema sa concentration

Kahit na ang online learning ay nasa bahay, ang workload para sa mga bata ay madalas na mas marami kaysa kung paano ito gawin sa pisikal na paaralan. Sa e-learning, ang mga bata ay inaasahan din na gumawa ng sapat na bahagi nito ng mag-isa. Ito ay walang personal na atensyon na maaaring ibigay sa kanila ng isang guro sa silid-aralan. Bilang resulta ng academic pressure na ito, ang anak mo ay maaaring makitaan ng problema sa pag-concentrate sa paaralan at mga regular na gawain.

Ang pagbabago ng appetite – kabilang ang pagkawala nito – ay karaniwang mga sign ng stress ng bata. Kung mapapansin mo ito sa iyong anak habang sumusunod sa isang iskedyul ng homeschooling o online class, maaaring dahil ito sa stress. Kapag ang katawan natin ay sumasailalim ng stress, ang mga stress hormone ay lumalabas at ito ay maaaring makaapekto sa digestive system. Ito ay maaring magdulot ng pagbabago sa gana kumain. 

  • Pag-aalala at pagkabalisa

Ang anak mo ba na dating walang pakialam ay tila biglang  nag-aalala tungkol sa lahat? Ito ay maaaring resulta ng new normal education system. Kahit na nakikita niya mga kaibigan niya online, maaring nararamdaman pa rin niya ang distansya o layo niya sa mga kaibigan at pamilya.Ang mga bata ay madalas nagpapakita ng pagkabalisa at pag-aalala kapag ang mga bagay ay tila wala sa kanilang kontrol. Ito ang masamang kalagayan dulot ng pandemya sa kanila.

  • Galit

Ang mga tao ay madalas na naglalabas ng matinding emosyon tulad ng galit kapag nakakaramdam sila ng insecurity, stress, nahaharap sa pagbabago, o iniisip na nawalan sila ng kontrol. Kung ang anak mo ay madalas mag-tantrum, o sobra-sobra ang reaksyon sa mga maliliit na isyu, maaaring ito ay senyales ng stress sa bata ng online class.

  • Kakulangan ng interes o withdrawal

Maaaring napansin mo ang kawalan ng interes o pagtanggi na sumali sa mga activities sa online class – kahit na mga interactive. Ito ay maaaring dahil sa pagkapagod at stress sa online class.

Ano ang magagawa ng mga magulang

Bigyan ng tulong ang anak

  • Tulungan ang iyong anak na balansehin ang mga prayoridad sa pamamagitan ng paggawa ng timetable para sa kanila na may maraming pahinga, at nakatalagang oras para tapusin ang mga gawain sa paaralan at takdang-aralin. Tulungan ang iyong anak na kumpletuhin ang mga gawain sa paaralan para sa buong linggo. Ito ay upang ganap silang mag-switch off sa weekend.

Turuan ang anak

  • Turuan ang iyong anak ng mga simpleng meditation techniques na makakatulong na manatili siyang kalmado at naka-focus. Bago magsimula ang mga klase, maupo kasama ang iyong anak sa sahig, ipikit ang mga mata, dahan-dahang magbilang hanggang sampu habang ginagawa ninyo pareho ang pag-inhale at exhale.

Hanapin ang ugat ng stress ng bata

  • Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras bawat araw para kausapin siya tungkol sa kanyang mga takot at worries. Kadalasan, ang simpleng pakikipag-usap tungkol sa mga ito ay makakatulong na maging kalmado ang anak. Tiyaking nagbibigay ka ng maraming reassurance sa salita, at pisikal sa pamamagitan ng hugs at cuddles.

Magbigay ng positibong atensyon para sa stress ng bata

  •  Ito ay maaaring kapag tinulungan ka nila sa baha.O kung nagawa niya mag-isa ang isang school task. Kung napansin mo ang matinding withdrawal sa iyong anak mula sa mga aktibidad sa pag-aaral, kausapin ang kanyang guro tungkol dito.

Gumawa ng physical activities at limitahan ang screen time

  • Hikayatin ang pisikal na aktibidad sa bahay. Paalalahanan ang iyong anak tungkol sa mga regular na screen break at turuan sila ng mga simpleng ehersisyo. Tulad ng jumping jack, pagtakbo, o skipping. Kung may garden, maglaro sa labas tulad ng hopscotch, pagpasa ng bola o maging isang masayang treasure hunt.
  • Ang mga device ng anak mo ay hindi dapat itago sa kanilang kwarto. Maging ang pagtingin sa screen ay hindi dapat ang huli nilang activity bago matulog. Ang artipisyal na blue light na nagmumula sa maraming mga screen ay maaaring mag-trigger ng mga stress reaction sa mga bata. Ito ay nakakaapekto rin sa kanilang mga pattern ng pagtulog.

Healthy meals, alaga at pagmamahal

  • Bigyan siya ng malusog, balanseng pagkain at hikayatin na uminom ng sapat na tubig araw-araw. Ang mabuting nutrisyon ay nagpapalusog sa katawan at isipan.Ang pagluto ng paborito niyang pagkain, o mga lutong bahay ay maaring makatulong sa iyong anak na mabawasan ang stress niya sa bahay.
  • Bigyan ng dedicated time na para sa eskwelahan at para sa pamilya. Maaring mag- schedule ng oras na sama sama ang pamilya tulad ng pagkain ng hapunan.
  • Mag-set up ng mga regular na video call para sa iyong anak kasama ang kanyang mga kaibigan. Gawin ito kung tapos na ang school hours. Hindi ito katulad ng pakikipagkita sa kanila nang personal. Pero kahit papaano ay makakausap ng anak mo ang kanyang malalapit na kaibigan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1.       Rossi, L. et al. Physical Activity of Children and Adolescents during the COVID-19 Pandemic—A Scoping Review. Int. J. Environ. Res. Public Health. Published on October 30, 2021. Retrieved on November 10, 2021 from https://www.mdpi.com/1660-4601/18/21/11440/htm
  2.   The Mayo Clinic. Stress Management. Published on August 18, 2020. Retrieved on November 10, 2021 from https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/in-depth/exercise-and-stress/art-20044469
  3.       American Academy of Child and Adolescent Psychiatry. Screen Time and Children. Updated February 2020. Retrieved on November 10, 2021 from https://www.aacap.org/AACAP/Families_and_Youth/Facts_for_Families/FFF-Guide/Children-And-Watching-TV-054.aspx
  4.       Stress in Childhood. MedlinePlus. Updated on November 2, 2021. Retrieved on November 10, 2021 from https://medlineplus.gov/ency/article/002059.htm
  5.   Anxiety and loss of appetite. Medical News Today. Reviewed on January 8, 2020. Retrieved on November 10, 2021 from https://www.medicalnewstoday.com/articles/327437#summary
  6.   The Sleep Foundation. How blue light affects kids’ sleep. Updated on June 24, 2021. Retrieved on November 10, 2021 from https://www.sleepfoundation.org/children-and-sleep/how-blue-light-affects-kids-sleep

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement