backup og meta

Paano Ituro Ang Safe Touch Sa Mga Bata? Narito Ang 5-Step Strategy

Paano Ituro Ang Safe Touch Sa Mga Bata? Narito Ang 5-Step Strategy

Napakahalaga ng kaalaman tungkol sa maling paghawak dahil naituturo nito sa mga bata kung paano igigiit ang pagkontrol sa kanilang mga katawan. Bukod dyan, daan din ito upang irespeto ang hangganan ng ibang tao. Sa panahon ngayon, lalong nagiging maingat ang mga magulang at mulat ang mga tao sa usapin ng safe at unsafe touch. Dahil rin sa mga isyung ito naging matunog ang viral na video tungkol sa Dalai Lama kung saan sinabi niya sa isang bata ang “suck my tongue.” Ayon sa panig ng Dalai Lama, ito ay biro lamang at bahagi ng kanilang kultura, bagama’t ang iba ay naniniwala pa ring hindi tama ang ginawang ito ng religious leader.

Kaya mahalagang ituro sa ating mga anak ang safe at unsafe touch. Dahil kapag tinuruan mo ang mga bata ng safe at unsafe touch, makatutulong ka upang maiwasang mangyari ang pang-aabusong pisikal at sekswal. Paano ituro ang safe touch sa mga bata?

Paano Ituro Ang Safe Touch? 5 Tips Para Sa Mga Magulang

1. Simulan Nang Maaga

Natural lang na maging mahirap para sa mga magulang kung paano sisimulan ang pakikipag-usap sa mga anak tungkol sa body safety.

Sa simula, ang dahilan ay “Masyado pa silang bata para maintindihan,” tapos “Baka hindi tamang pag-usapan,” hanggang sa maging “Ang sagwa.”

Ang hindi pagtuturo sa bata ng kaalaman tungkol sa safe at unsafe touch ay maglalagay sa kanila sa panganib ng sexual abuse.

Ito ang eksaktong dahilan kung bakit hinihikayat ng mga eksperto ang mga magulang na simulan nang maaga ang pagtuturo tungkol sa body safety.

Kapag nagtatlong taon na ang iyong anak, puwede mo nang simulan ang pagtuturo tungkol sa ligtas at hindi ligtas na klase ng paghawak o paghaplos sa katawan. Paano ituro ang safe touch?

2. Gumamit Ng Wastong Pantawag Sa Mga Pribadong Bahagi Ng Kanilang Katawan

Alam mo bang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga batang magsabi tungkol sa seksuwal na pang-aabuso ay dahil hindi nila alam ang mga tamang salita?

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang gawing karaniwan ang pagtawag sa pangalan ng mga pribadong bahagi ng katawan. Gaya ng kung paano mo sabihin ang “paa” o “tiyan,” kailangan mo ring gamitin ang tamang salita para sa kanilang ari.

Paano ituro ang safe touch? Upang mas maging madali, puwede mong ikunsidera ang mga sumusunod na tips:

  • Gamitin ang bathing suit method upang matulungan silang matukoy kung ano ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan.
  • Ipaliwanag na ang mga bahaging natatakpan ng swimsuit ay mga pribadong bahagi ng kanilang katawan.
  • Bigyang diin na “special” ang pagtingin natin sa mga pribadong bahagi ng katawan, kaya’t kailangang natatakpan ito palagi.
  • Ibigay ang mga pangalan ng pribadong bahagi ng kanilang katawan tuwing pupunta sa doktor o habang naliligo.
  • Subukang huwag magtunog masagwa kapag pinag-uusapan ang mga pribadong bahagi ng katawan. Madaling mapapansin ng mga bata kapag nasasagwaan o nahihiya ang mga magulang. Maaaring ganito rin ang kanilang maramdaman.

paano ituro ang safe touch

3. Turuan Sila Tungkol Sa Safe, Unsafe At Unwanted Touch

Paano ituro ang safe touch upang iwasan ang sexual abuse? Mahalagang malaman ng mga bata na may tatlong klase ng paghawak: safe, unsafe, at unwanted touch.

Safe Touch

  • Ipaliwanag na ang safe touch o ang ligtas na paghawak ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam na pinoprotektahan, minamahal, inaalagaan, ligtas, komportable, at masaya.
  • Ilan sa mga halimbawa ng safe touch ang pagsusuklay ng buhok ng iba, paghalik sa kanila bago matulog, paglalagay sa kanila sa upuan, at pagtapik-tapik sa kanilang likod na parang kaibigan.
  • Huwag ding kalimutang banggitin na may ilang safe touches na masakit. Ilan sa mga ito ay ang pagpapaturok ng bakuna, o kapag nagtatanggal ng anumang tumusok at naiwan sa balat.

Unsafe Touch

  • Ipaliwanag na nagdudulot ang unsafe touch ng pagkalito, pagkatakot, pagkapahiya, hindi komportableng pakiramdam, galit o pakiramdam ng nasasaktan.
  • Ilan sa mga halimbawa ng unsafe touch ay kapag naitulak niya nang hindi sinasadya ang kanyang mga kapatid, paninipa, panununtok, o ang malupit na paghawak ng matanda sa isang bata dahil sa galit.

paano ituro ang safe touch

Unwanted Touch

  • Ipaliwanag sa iyong mga anak na ang unwanted touch ay mukhang okey lang, ngunit nagdudulot sa kanila ng hindi komportableng pakiramdam.
  • Isa sa eksaktong halimbawa ay kapag ang sinumang mas matanda sa kanila ay hinawakan ang pribadong bahagi ng kanilang katawan, o ang pilitin silang hawakan ang pribadong bahagi ng katawan ng ibang tao.
  • Bigyang diin din na ang unwanted touch ay maikukunsidera ding unsafe.

Maaaring hindi agad maunawaan ng mga bata ang unwanted touch, kaya’t puwedeng magsimula ka muna sa pagtuturo ng safe at unsafe touch.

Ipaunawa sa kanila na ang pinagkaiba ng dalawang uri ng paghawak na ito ay ang kanilang nararamdaman kapag nangyari ito.

Isa sa paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa safe at unsafe touch ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Puwede mong sabihing: “Lynne, nang maitulak ka ni Andrew nang hindi sinasadya, saka ka tinulungang bumangon ni John at inalalayan, alin doon ang safe touch?”

4. Bigyang Diin Na Sila Ang ‘Boss Ng Kanilang Katawan’

Bigyan diin na sila ang may kontrol sa kanilang katawan. At sila lang ang pwedeng magsabi kung sino at paano hahawakan ang kanilang katawan. Bukod dyan, maaari nilang gawin ito kahit kapag kasama ang kanilang mga kaanak.

Narito ang ilang tips upang matulungan ang iyong anak na maunawaan na sila ang masusunod pagdating sa kanilang katawan:

  • Ipakita kung paano magkakaroon ng kontrol sa sarili. Halimbawa, sabihin na, “Hindi ko gustong tinatalunan mo ako. Pakitigil ‘yan.”
  • Magtakda ng alituntunin gaya ng “Kapag sinabi ng kapatid mo na itigil ang pangingiliti sa kanya, itigil mo.”
  • Gayundin, ipakita mo ang paggalang sa kanilang kagustuhang maging pribado o kapag ayaw nilang hinahawakan sila. Sabihin ang mga salitang “Parang ayaw mo nang kinakalong kita ngayon. Okey, sige.”
  • Ipaalala sa kanilang hindi nila kailangang yumakap o magpayakap at magpahalik sa mga kamag-anak kung ayaw nila. Sabihin sa kanila na pwede silang magsabi ng “huwag.”
  • Humingi ng suporta mula sa iyong mga kamag-anak. Ipaalam sa kanila na tinuturan mo ang iyong maliliit na anak ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kontrol sa sariling katawan.

5. Gawin Ang ‘No, Go, Tell’ Approach

Paano ituro ang safe touch? Gawin ang “No, Go, Tell” kasama ng mga bata.

Ang “No, Go, Tell” ay isang simpleng paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa anong dapat gawin kung pakiramdam nila ay hindi sila ligtas o safe sa paghawak ng ibang tao sa kanila. Turuan silang:

  • Magsabi ng “No” o “Huwag” nang malakas upang marinig din ng ibang tao.
  • “Go” o tumakbo palayo sa taong iyon at magtungo agad sa mga taong pakiramdam nila ay ligtas silang kasama.
  • “Tell” o sabihin sa iyo o sa sinumang pinagkakatiwalaang matanda ang nangyari upang mapanatili silang ligtas.

Paano Ituro Ang Safe Touch? Huling Mga Paalala

Para sa mga bata na nakauunawa na ng panganib na ito, bigyan sila ng mga tiyak na pangyayari na nangangailangan ng “No, Go, Tell” approach.

Pwede mong sabihin sa kanila na hindi na okey kapag:

  • Hinawakan ng sinuman ang pribadong parte ng iyong katawan. At hindi ito dahil gusto lang ng taong ito na gawin kang ligtas at malusog. Mahalaga ito dahil hinahawakan din ng mga doktor at magulang ang maselang bahagi ng katawan ng mga bata.
  • Hinawakan ng ibang tao ang pribadong bahagi ng kanyang katawan sa harap mo.
  • Inutusan ka ng isang tao na hubarin ang damit mo at kuhanan ka ng larawan.
  • Ipinakita sa iyo ng isang tao ang mga larawan at videos niya nang walang saplot.

Tandaang mahalaga ang “Tell” part sa “No, Go, Tell” approach. Batay sa mga eksperto, halos palaging bahagi ng pisikal at sekswal na pang-aabuso ang paglilihim. Napipigilan nito ang mga magulang sa paggawa ng kinakailangang hakbang upang makialam o tulungang ayusin ang isang bata, kung mangyari man ang anumang anyo ng pang-aabuso.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

7 Ways to Talk to Your Child About Good and Bad Touch, https://healthblog.uofmhealth.org/childrens-health/7-ways-to-talk-to-your-child-about-good-and-bad-touch, Accessed September 30, 2020

Teaching Touching Safety Rules: Safe and Unsafe Touching—Activity, https://www.cfchildren.org/blog/2017/08/activity-teaching-touching-safety-rules-safe-and-unsafe-touching/, Accessed September 30, 2020

Q: How do we talk about touch with our kids? https://kidsafefoundation.org/topics/talk-about-touch-with-our-kids/, Accessed September 30, 2020

Prevention Starts at Home: Teaching Children about Safe Touch, https://summitcounseling.org/prevention-starts-at-home-teaching-children-about-safe-touch/, Accessed September 30, 2020

Tips for Teaching Children About Body Safety, https://blog.cincinnatichildrens.org/safety-and-prevention/teach-children-about-body-safety/, Accessed September 30, 2020

Physical Boundaries: Safe and Unsafe Touching Rules, https://www.gbdioc.org/docman/safe-environment/89-ls1-plan-grade-3-5-english/file, Accessed September 30, 2020

Kasalukuyang Version

04/14/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Puberty? Heto Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Mahahalagang Teorya Sa Child Development


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement