backup og meta

Paano Turuan Ang Bata Ng Mabuting Asal Sa Hapag-Kainan?

Paano Turuan Ang Bata Ng Mabuting Asal Sa Hapag-Kainan?

Maaaring maging problema ang pagkain kung may kasamang mga bata. Mahirap silang paupuin sa upuan, pigiling hindi maglikot, ubusin ang kanilang pagkain, o gawin ang mga mabuting asal sa hapag-kainan. Isipin na lamang ang batang ito na naglilikot habang kumakain sa restaurants o sa bahay ng iyong kaibigan.

Maiiwasan ang ganitong pangyayari sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata ng mga mabuting asal sa hapag-kainan. Mahalagang kasanayan ang mga ito sa buhay na makatutulong sa kanila sa hinaharap. Gayundin, makapagbibigay ito sa kanila ng kumpiyansang makihalubilo sa ibang mga tao.

Mabuting Asal Sa Hapag-Kainan

Sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyong mga anak ng mga mahahalagang mabuting asal sa hapag-kainan, magiging kasiya-siya ang oras ng pagkain:

Maghugas ng mga kamay bago kumain

Sa panahon ng pandemya, lalong binigyang-importansya ang pagtitiyak na ang mga kamay ay malinis at walang germs. Ang simpleng paghuhugas ng mga kamay ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao sa kalinisan at wastong hygiene. Laging maghanda ng sabon sa kamay na madaling makikita at magagamit ng iyong mga anak bilang paalala sa kanilang maghugas bago kumain.

Wastong paggamit ng napkins

Turuan ang iyong anak kung paano ilagay ng wasto ang napkins sa kanyang mga hita at kung paano ito gamitin sa pagpupunas ng kanyang bibig. May ilang mga batang nakalilimutan ang paggamit nito kaya’t ginagamit nila ang kanilang mga damit upang magpunas. Bigyan sila ng cute na napkin na kanilang magugustuhang gamitin. Maaari ang My Handy Washcloth & Napkin ng Iflin Baby’s na may nakatutuwang designs. Maaari din itong gamitin bilang tuwalya o panyo.

Pagkain nang walang ingay

Madalas natin itong marinig noong mga bata tayo. “Huwag magsalta kung puno ang iyong bibig.” Ngayon, ikaw naman ang magtuturo sa iyong anak na nguyain at lunukin muna ang kanilang kinakain bago magsalita. At dapat nila itong tahimik na nguyain. Gayundin, iwasan ang paggawa ng hindi kinakailangan at hindi kaaya-ayang ingay habang kumakain.

Pagsasabi ng “Paki” at “Salamat”

Ang mga bata ay madalas humingi ng karagdagan pang pagkain. Sila ay nakikiusap upang ibigay ang gusto nila. Turuan silang magsabi ng “paki” sa tuwing nakikiusap at mga salita ng pasasalamat matapos makuha ang kanilang gusto.

Iwasang magbigay ng masamang komento tungkol sa pagkain

Hindi ba gusto ng iyong anak ang lasa ng pagkaing nakahanda sa hapag-kainan? Turuan silang huwag magsalita ng masama tungkol sa pagkain. Mahalagang ipaalala sa iyong anak na gaano man niya hindi kagusto ang pagkaing nakahanda, sa anumang okasyon, hindi dapat siya magbigay ng masamang komento tungkol dito, lalo na sa harap ng taong naghanda ng pagkain. Sa halip, maging mapagpasalamat at huwag kalimutang magpasalamat sa taong nag-imbita.

Pag-alam sa wastong paraan ng paggamit ng kutsara at tinidor

Dapat mong turuan ang iyong anak ng wastong paraan ng paghawak at paggamit ng kutsara at tinidor habang kumakain. Kung ligtas na para sa iyong anak na humawak ng kutsilyo, turuan din siya kung paano ito gamitin nang ligtas. Hayaan siyang magsanay sa kaniyang sariling set ng kutsara at tinidor na komportable niyang magagamit.

Maaaring tingnan ang Twistshake Learn Cutlery Stainless Steel Set na may anti-slip properties at smart edge sa hawakan. Ito ay mainama na tool para sa mga batang nag-aaral pa rin kung paano humawak o gumamit ng kutsara at tinidor.

Hindi paggamit ng gadgets o hindi paglalaro ng mga laruan habang kumakain

Kung ang iyong anak ay nasa sapat ng gulang upang gumamit ng phone o anumang gadget, turuan siyang hindi dalhin ito sa hapag-kainan. Maaari itong maging sanhi ng distraksyon na nagdudulot ng hindi pagpokus sa pagkain o hindi pakikisali sa usapan. Para sa mga maliliit na bata, isantabi muna ang mga laruan habang kumakain. Paalalahan siyang ang kanyang atensyon ay dapat nasa pagkain at mga taong kanyang kasama sa hapag-kainan.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Kristel Lagorza

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito



Isinulat ni Kristel Lagorza · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement