backup og meta

Ano Ang Terrrible Twos? Alamin Dito Kung Paano Alagaan Ang Iyong Two-Year-Old

Ano Ang Terrrible Twos? Alamin Dito Kung Paano Alagaan Ang Iyong Two-Year-Old

Madalas naririnig ang terrible twos sa mga parents na may maliliit na anak. Ito ay isang stage ng pag-aalboroto, hindi mabilang na frustrations, at challenging na pag-uugali. Sa development stage na ito ng bata, natututunan nilang ipilit ang kanilang sarili at kung minsan ay hindi sila nakikinig sa salitang hindi. Kaya naman ang pag-handle sa kung ano ang terrible twos ay sobrang challenging.

Kahit na tinatawag na terrible twos, hindi talaga ito nangyayari kapag ang iyong anak ay naging dalawang taong gulang. Madalas ito ay nagsisimula sa ika-18 buwan hanggang 30 buwan at pwedeng tumagal hanggang sa edad na tatlo. Pagkatapos noon, maaaring may sintomas ng terrible twos pa rin pero ito ganoon kadalas at mas madali nang imanage.

Maaaring maging mahirap ang phase na ito para sa mga magulang. Madalas silang napapaisip kung ano ang nangyari sa kanilang kaibig-ibig na paslit na ngayon ay sumasabog sa galit. Maaaring maramdaman ng mga magulang ang helplessness. Kaya naman tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan ng pakikitungo sa ano ang terrible twos.

Ano Ang Terrible Twos? Ang Dapat Mong Malaman

Ang terrible twos ay nangyayari sa bahagi ng buhay ng iyong anak kung saan sila ay nakakaranas ng maraming bagay sa unang pagkakataon. Sila ngayon ay naglalakad na, nag-sasalita, bumubuo ng mga opinyon, at natututong umintindi ng mga konsepto tulad ng taking turns. Puno sila ng mga bagong emosyon ngunit hindi nila ito lubos na naiintindihan.

Dahil ang iyong anak ay nagsisimula na ngayong mag-explore, mga pagkakataon na sila ay madidismaya at hindi maipahayag ang kanilang mga damdamin. Normal ito dahil hindi pa nila ganap na nadedevelop ang kanilang physical, verbal, at emotional skills.

Tandaan na sa parteng ito, susubukan ng iyong anak ang kanilang mga boundaries. Ito ay kung paano nila malalaman kung ano ang tama sa mali. Ito ay isang mahalagang karanasan, at ikaw ang hahanapin ng iyong anak para sa guide at suporta. Ang paghahanap ng mga nagti-trigger sa iyong anak ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga meltdown ng iyong anak.

Ano ang Sintomas ng Terrible Twos?

Ang ilan sa mga indikasyon na ang iyong anak ay nagsisimula nang makapasok sa terrible twos ay ang:

  • Pagsasabi ng hindi sa lahat ng bagay – Minsan, tatanggi ang iyong anak kahit na oo ang gustong sabihin. Dahil hindi ang salitang madalas na sinasabi ng mga magulang na nagsisikap na turuan ang kanilang anak ng safety, madalas na gagamitin niya ang salitang ito para subukan ka at subukan ang kapangyarihan ng salita.
  • Madaling madismaya – Iniisip ng iyong anak na ikaw ay isang mind reader kaya kapag hindi mo naibigay ang kanyang kailangan, siya ay madidismaya at magsisimulang umiyak.
  • Pagsipa, pagkagat, at paghampas – Ito ay isang tiyak na senyales ng kung ano ang terrible twos. Dahil hindi pa rin alam ng iyong anak kung ano ang tama at kung ano ang mali at hindi niya lubos na masabi ang gusto sa salita, gagawa siya ng mga marahas na aksyon tulad ng mga ito para maiparating ang kanyang gusto.
  • Tantrums Ang malakas na pag-iyak, pagtangis, at pagbagsak ng kanilang sarili sa sahig na kumpleto sa lahat ng drama ay isang tiyak na senyales na nagsimula na ang terrible twos sa iyong anak.
  • Territorial fighting – Dahil hindi pa rin lubos na alam ng mga bata ang ideya ng pagbabahagi, maaari silang maging territorial sa mga bagay na sa tingin nila ay sa kanila.

7 Tips sa Pagharap sa Terrible Twos

Ngayong alam na natin kung ano ang terrible twos, paano naman ito haharapin?

Mayroong ilang mga paraan na maaari mong gawin kung para makatulong na paikliin ang stage na ito. Nakatutulong rin ito upang ipahayag ng iyong anak ang gusto niya nang mas mahusay. Tandaan na ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng frustration ay dahil hindi pa niya kayang ipaliwanag nang malinaw ang kanyang mga emosyon at iniisip. 

1. Manatiling kalmado

Mukhang ito ang pinakamadaling gawin pero ito talaga ang pinakamahirap na bagay para sa isang magulang kapag nakaharap ang isang sumisigaw, sumisipa, nangangagat, at umiiyak na bata. Gayunpaman, kung sisigawan mo rin ang iyong anak, ito ay magpapatibay lamang sa kanya na tama ang kanyang mga aksyon.

2. I-redirect ang atensyon

Kung ang iyong anak ay nagsisimula nang mag-tantrums, i-redirect ang kanyang atensyon sa ibang lugar. Maaari kang humingi sa kanya ng tulong sa isang bagay o ituro ang isang bagay sa ibang direksyon na kukuha ng kanyang atensyon. Puwede ring hilingin sa kanya na gumawa ng isang bagay na magpapaalis sa kanyang isip ng trigger sa kaniyang tantrum.

3. Mag relocate

Kung nasa isang pampublikong lugar, dalhin ang iyong anak sa isang mas pribadong lugar nang walang sinasabi at hintayin siyang kumalma. Kung hindi mo siya madala sa isang mas pribadong lugar, hintayin siyang mag settle down nang mag-isa. Huwag sumuko dahil lang nasa pampublikong lugar ka. Kung gagawin mo ‘yon, magsisimulang umarte ang iyong anak dahil alam na niya ngayon na gagantimpalaan mo ang kanyang pag-uugali kapag may ibang tao.

4. Purihin

Kapag ang iyong anak ay sa wakas ay huminahon na, alamin kung ano ang nag-trigger nito at kapag ang iyong anak ay nakapagbigay na sa wakas ng kanyang sinusubukang sabihin, purihin siya.

5. Consistency

Napakahalaga ng pagkakapare-pareho sa isang paslit kaya siguraduhing magtakda ka ng pang-araw-araw na gawain upang malaman ng iyong anak kung ano ang aasahan.

6. Limitahan ang mga pagpipilian na ibibigay mo sa iyong toddler

Kung ang iyong anak ay nakaramdam ng labis na pagkabalisa sa napakaraming pagpipilian, maaari siyang mag lash out.

7. Tiyakin sa iyong anak na mahal mo siya

Ito ang pinakamahusay na paraan para harapin ang kung ano ang terrible twos.

Ang terrible twos stage ay minsan sobrang challenging. Ngunit kailangan mong tandaan na ito ay healthy na bahagi ng paglaki ng iyong anak.

Natututo sila tungkol sa kanilang sarili, sa mundo sa kanilang paligid, at natututo sila kung ano ang tama sa kung ano ang mali. Gabayan sila at tulungan sila sa pagharap sa terrible twos stage at sa lalong madaling panahon, magagawa mong malampasan ito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers2.html

https://health.clevelandclinic.org/7-tips-help-survive-toddlers-terrible-twos/

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/terrible-twos/faq-20058314

https://www.parents.com/toddlers-preschoolers/development/behavioral/reasons-to-love-terrible-twos/

https://www.parents.com/toddlers-preschoolers/development/behavioral/tackle-terrible-twos/

https://www.mentalhelp.net/blogs/parents-and-coping-and-the-terrible-twos/

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Babyproofing ng bahay, paano ba ito ginagawa?

Batang maagang nabuntis at nanganak sa edad na 5 taon! Kilalanin!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement