backup og meta

Tantrums Ng Bata, Paano Ba Mako-kontrol?

Tantrums Ng Bata, Paano Ba Mako-kontrol?

Pinagtataka ng karamihan kung paano kontrolin ang tantrums ng bata nang hindi naiubos ang iyong pasensya? Bilang isang magulang, natural lamang na mag-alala kapag ang iyong anak ay biglang umiyak nang malakas at sumigaw.

Ang temper tantrums ay hindi awtomatikong katumbas ng masamang pag-uugali. Mayroong mas malaking dahilan ang isang bata kung bakit ganoon ang ikinikilos niya.

Paano kontrolin ang Tantrums ng Bata?

Bago tayo maghanap ng mas malalim na paraan paano kontrolin ang tantrums ng bata, tukuyin muna natin kung ano ang ibig sabihin nito.

Ang temper tantrums ay nangyayari bilang katugunan sa masidhing damdamin. Ang mga bata na may edad na 1 hanggang 3, ay hindi pa ganap na makapagpahayag ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng mga salita at hindi alam kung ang kanilang mga kilos ay katanggap-tanggap sa lipunan o hindi.

Ito ay nagiging sanhi upang gumawa ng mga tantrums.

Ang pagsasagawa ng tantrums ng bata ay paraan ng isang bata na ipahayag ang kanyang pagkabigo, galit, at distress. Ang pag-iyak, pagsigaw, pagpadyak, paghahagis ng mga bagay, at pagtakbo palayo ay ilan sa mga pag-uugali na makikita sa oras na maganap ang pagta-tantrums.

Ano ang nagiging sanhi ng tantrums ng bata? 

Ang mga sanggol ay hindi lamang lumalaki sa pisikal at mental na aspekto, sila ay sumasailalim din sa mga pagbabagong may kinalaman sa kanilang mga emosyon at sosyal na kasanayan. Habang higit mong nauunawaan ang temper tantrums ng bata, nakatutulong din ito upang malaman ang mga posibleng sanhi nito.

Ang tantrums ay nangyayari tuwing: 

  • Ang iyong anak ay gutom, pagod, at stress . Ang mga bata na hindi pa sanay magsalita ay wala pang kakayahang humingi ng kanilang mga pangangailangan kaya naman nagiging sandigan nila ang pag-iyak.
  • Ang mga bata ay hindi nakukuha kung ano ang gusto nila. Ang kanilang galit sa mga bagay na nila makuha (tulad ng kagustuhan ng bagong laruan) ay nagti-trigger ng tantrums ng bata. 
  •  Nakararamdam ang iyong anak ng pakiramdam na sila ay iniwan o hindi nabibigyang-pansin. Gustung-gusto ng mga bata ang atensyon, kung hindi mo napansin ang mga bagay na ginagawa nila, sila ay magsisimula ng mag-tantrums upang mapansin mo sila.
  • Ang mga bata ay nahihirapan sa pagharap sa mga emosyonal na sitwasyon, tulad kapag tinutukso sila ng ibang bata o pinapagalitan ng kanilang mga magulang.
  •  Ang iyong anak ay nakararamdam na takot o pagkabalisa. Ang pagpupumilit sa mga bata upang gawin ang isang bagay na hindi sila komportable o pagpapakita sa kanila ng mga bagay na ikinatatakot nila ay siguradong magreresulta sa tantrums. 
  •  Ang isang bata ay nagkakaroon ng problema sa pag-unawa sa mga bilin o utos ng mga magulang.

Paano maiwasan ang temper-tantrums? 

 Hindi mo maaaring permanenteng iwasan ang mga tantrums, dahil ito ay nangyayari lamang depende sa mood ng iyong anak. Ang mga temper-tantrums ay mapipigilan lamang na hindi madalas mangyari. Narito ang maaari mong gawin:

  • Palaging suriin kung ang iyong anak ay gutom o pagod. Sundin ang iyong iskedyul na oras ng pagkain at oras ng pagtulog araw-araw. Makatutulong ito sa pagpapanatiling busog ang iyong anak, masaya, at aktibo buong araw.
  •  Huwag balewalain ang iyong anak. Kapag sinusubukan ng iyong anak na makuha ang iyong atensyon, gawin ang iyong makakaya upang mapansin siya, laging ngumiti at pahalagahan ang kanyang pagmamahal sa iyo.
  • Hayaan ang iyong anak na pumili. Ang pagbibigay ng mga pagpipilian sa mga bata ay nagpaparamdam sa kanila na pinahahalagahan mo ang kanilang opinyon sa ilang mga bagay. Kapag nasa mall, halimbawa, bigyan ang iyong anak ng pagkakataong magdesisyon tulad ng “Gusto mo ba ng laruan o damit?”. Matutulungan nito ang iyong anak na magkaroon ng kontrol at kakayahan sa mga bagay na ginagawa nila.
  • Kausapin ang iyong anak tungkol sa kanilang nararamdaman. Ang pagtatanong sa mga bata tungkol sa kanilang pakiramdam sa isang partikular na sitwasyon ay tutulong sa kanila na matukoy kung anong uri ng emosyon ang ipinapakita nila. 
  •  Pinahahalagahan ang mabuting pag-uugali. Kung pinagalitan mo ang iyong anak para sa maling pag-uugali, huwag mo ring kalimutan na purihin ang iyong anak para sa mabubuting asal nito. Kapag pinahahalagahan mo ang mabuting gawa ng iyong anak, ito ay makababawas sa pagsumpong ng tantrums ng bata.
  • Hayaan ang iyong anak na tumuklas at matuto sa kanilang sarili. May mga pagkakataon na ang mga bata ay nais na mag-isa. Kapag nakita mo na abala sila sa paggawa, huwag silang gambalain. Pahintulutan silang tuklasin at maging pamilyar sa kanilang kapaligiran. 
  • Magsagawa ng iskedyul ng iyong mga biyahe. Bago umalis, siguraduhin na ang iyong anak ay sapat na nakapagpahinga at hindi nagugutom. Hindi mo nanaising magsisigaw ang iyong anak para humingi ng pagkain habang nasa pamilihan, tama ba?
  • Alamin ang limitasyon ng iyong anak. Nakararamdam ang mga bata ng pagkabigo sa tuwing hindi nila masosolusyonan ang mga bagay-bagay sa kanilang sarili. Halimbawa, kapag nagbibigay ka ng mga laruan sa iyong anak, tiyakin na ang mga laruang ito ay angkop sa kanilang edad. Iwasan ang pagbibigay sa kanila ng mga laruan o mga kagamitan na lampas sa kanilang pang-unawa, upang maiwasan nila ang pagkabigo.
  • Ipaliwanag ang salitang “hindi”. Ang mga bata ay nagsisimulang mag-tantrums kapag naririnig nila ang salitang “hindi”. Makatutulong ito upang ipaliwanag sa iyong anak na hindi lahat ng gusto nila ay makukuha nila. Ang pagsasabi ng “hindi” sa iyong anak ay makatutulong sa iyo na magtakda ng mga limitasyon, pati na rin sa kanilang mental, sosyal, at emosyonal pag-unlad.

Paano Kontrolin ang Toddler Temper Tantrums?

 Bilang isang magulang, ang pagharap sa mga tantrums ng bata ay maaaring nakakainis at nakakahiya, lalo na kapag nasa publiko lugar ka. Lalong lalala ang sitwasyon ito sa sandaling magalit ka at mairita sa iyong anak.

Narito ang mga mahuhusay na paraan upang kontrolin ang Toddler Temper Tantrums.

Manatiling kalmado 

Ayon sa pag-aaral, ang mga magulang na nag-o-overreact at mayroong nakababahalang pag-uugali ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng mga anak na may masamang pag-uugali at madaling magalit o mainis.

Kapag ang iyong anak ay nagsimulang magkaroon ng disruptive tantrums, huminga ng malalim, at harapin ang sitwasyon nang mahinahon. Kung hayaan mong umiral ang iyong galit at pagkabigo, ang iyong anak ay magpapatuloy sa tantrums at palalalain lamang ang sitwasyon.

Huwag pansinin

 Ayon sa isang journal, maaari mong kontrolin ang tantrums ng bata sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa pag-uugali. Tulad ng naunang nabanggit, ang mga bata ay nagnanais ng atensyon. Kapag nagsimula na ang tantrums, ang pagsigaw at pagiging galit sa kanila ay magpapakita lamang na nagbibigay ka ng pansin sa kanilang mga aksyon.

Ang hindi pagpansin sa iyong anak sa mga ganitong sitwasyon ay hindi nangangahulugang wala kang pakialam. Ang pagwawalang-bahala ay ang pinakamahusay na paraan upang patigilin ang negatibong pag-uugali at isang paraan para malaman ng iyong anak na hindi niya makukuha ang mga bagay na gusto niya sa pamamagitan ng paghagulgol o pagsigaw.

Laging tandaan na maaari mo lamang gamitin ang paraan na ito sa panahon na di-pisikal ang tantrums na ginagawa nila tulad ng pagsisigaw at pag-iyak. Ang iyong anak ay nangangailangan ng agarang pansin kapag nagpapakita ng disruptive tantrums tulad ng paghahagis ng mga bagay o kapag sinasaktan na ang kanilang sarili at iba pa.

Lapatan ng Pagdidisiplina ang Estratehiyang Gagawin

 Ang pagdidisiplina sa iyong anak ay makatutulong sa pagharap sa kanilang tantrums. Sa sandaling natapos na ang iyong anak sa pagganap, maaari mong gamitin ang sumusunod na estratehiya upang kontrolin ang mga tantrums. 

  • Ang time-out ay kapag binigyan mo ang iyong anak ng ilang oras upang magsagawa ng repleksyon at isiping mabuti ang kanyang naging pag-uugali. 
  •  Ang talk-time ay tungkol sa pakikipag-usap sa iyong anak at tanungin sa kanya ang tungkol sa kanyang pag-uugali. Hayaan ang iyong anak na ipahayag ang kanilang mga damdamin, upang malaman mo kung ano ang pinagmulan ng tantrums ng bata.

Manindigan (Stay firm) 

Gaano man nagpakita ng maling pag-uugali ang iyong anak sa sandaling sabihin mong “hindi”, ay dapat na walang magbago. Kung bibigay ka sa bulalas ng iyong anak, malalaman niyang ang pagbibigay ng angkop na emosyon ay makatutulong sa kanila na makuha ang gusto nila. Ang paggawa nito ay isa pang paraan kung paano kontrolin ang tantrums ng bata.

Aliwin ang iyong anak 

Ang mga bata ay nagbubulalas ng angkop na pakiramdam kapag sila ay malungkot, natatakot, o nag-aalala. Bilang isang magulang, kailangan mong magbigay ng kaginhawahan sa iyong anak upang tulungan silang mapawi ang nararamdaman. Halimbawa, kapag natakot ang iyong anak, yakapin siya at sabihin na “Magiging ayos din ang lahat, narito si nanay at tatay”.

Kailan tatawagan ang iyong doktor?

Ang madalas na tantrums ng bata ay maaaring maging senyales ng isang mas malubhang problema. Minsan ang mga problema, tulad ng mga learning disabilities, language delays, hearing and vision impairment, o iba pang malubhang sakit.

Kung sa tingin mo na ang iyong anak ay may mga problemang gaya nito, humingi kaagad ng medikal na tulong upang maiwasan ang paglala nito mula at upang ang iyong anak ay makakuha ang tamang gamutan.

Ang pag-unawa kung paano kontrolin ang tantrums ng bata ay maaaring stressful. Gayunpaman, kung hindi mo madisiplina ang pag-uugali ng iyong anak, magkakaroon sila ng problema sa pag-unawa kung ano ang tama at mali.

Gawin ang lahat ng makakaya upang unawain ang itong anak dahil natututuhan pa lamang nila na ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kilos at pananalita. 

Matuto nang higit pa tungkol sa pagiging magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Temper Tantrums https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK544286/ Accessed June 26, 2020

Over-reactive Parenting Linked to Problem Behavior in Toddlers https://today.oregonstate.edu/archives/2012/feb/over-reactive-parenting-linked-negative-emotions-and-problem-behavior-toddlers Accessed June 26, 2020

Parental Reactivity to Disruptive Behavior in Toddlerhood: An Experimental Study

https://link.springer.com/article/10.1007/s10802-018-0489-4 Accessed June 26, 2020

Temper Tantrums in Toddlers: How to Keep the Peace https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/tantrum/art-20047845 Accessed June 26, 2020

Temper Tantrums https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=temper-tantrums-90-P02295 Accessed June 26, 2020

Temper Tantrums https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/temper-tantrums/ Accessed June 26, 2020

Temper Tantrums https://kidshealth.org/en/parents/tantrums.html Accessed June 26, 2020

How to Use Ignoring https://www.cdc.gov/parents/essentials/consequences/ignoring.html Accessed June 26, 2020

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement