backup og meta

Kahalagahan Ng Support Group Para Sa Mga Ina

Kahalagahan Ng Support Group Para Sa Mga Ina

Mahirap ang pagiging ina, lalo na para sa mga unang beses na naging ina. Isa itong ganap na bagong karanasang maaaring dahilan upang makaramdam ang isang ina ng pagkabalisa, pagkatakot, pagkalito — o lahat ng nabanggit. Bagama’t maaaring makakuha ng suporta mula sa pamilya at mga kaibigan, ang pagsali sa isang grupo ng mga tao na may eksaktong bagay na pinagdaraanan ay makatutulong upang hindi gaanong maging mahirap ang pagiging magulang, at sa halip ay maging kasiya-siya araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit iminumungkahing maghanap ng support group para sa mga kapwa ina.

Kung gusto mang matuto mula sa mga kapwa ina o kung gusto lamang ng isang grupong magbibigay-suporta kung maging mahirap ang mga bagay-bagay, maaaring makinabang sa pagiging bahagi ng isang support group para sa mga ina na kapareho ng pag-iisip.

Mommy Support Group: Maghanap Ng Mga Kaibigan

Narito ang ilang mga kadahilanan kung bakit ang paghahanap at pagkakaroon ng grupo ng mga ina (a.k.a. support group para sa mga ina) ay maaaring maging mas kapakipakinabang kaysa sa iyong iniisip.

1. Nakapagpapababa Ito Ng Stress Level

Ang pagsasabay-sabay ng iba’t ibang mga gawain, mula sa pag-aalaga ng bata hanggang sa mga gawaing bahay, ay totoong napakahirap. Ang responsibilidad bilang isang ina ay maaaring minsan maging mabigat. Kaya naman, ang pagkakaroon ng support group para sa mga ina na makikinig at magbibigay ng mga tip — tungkol sa pagiging magulang at anomang mga bagay tungkol sa buhay — ay maaaring makatulong upang mapagaan ang pasanin ng ina.

2. Magiging Mas Madali Ang Paghahanap Ng Mga Solusyon

Nais mo bang manghingi ng mungkahi kung saang magandang preschool maaaring pag-aralin ang iyong anak? Ang iyong mga kapwa ina ay maaaring magbigay ng first-hand review kaugnay ng paaralang iyong napili. Naghahanap ka ba ng prenatal at childbirth classes? Magtanong support group para sa mga ina upang malaman ang mga pangunahing impormasyon tungkol dito. Habang naghahanap ng pinakamahusay na solusyon, ang kinakailangan lamang gawin ay magtanong o mag-post sa community page.

Bilang isang matalino at praktikal na ina, palagi ring maghanap ng mga paraan upang makakuha ng perks at rewards sa mga pamilihan. Kung bahagi ka ng Edamama at Hello Doctor, magkakaroon ka ng reward para sa pagbabahagi ng mga tungkol sa mga produkto at serbisyong pinagkakatiwalaan at minamahal mo bilang isang ina!

3. Pakikipagpalitan Ng Ideya Sa Iba Pang Mga Ina

Ang pagiging kabahagi ng isang komunidad kasama ang mga kapwa ina ay maaaring makapagpayaman ng karanasan. Maaaring humingi ng payo sa kanila, at maaari din silang humingi ng payo mula sa iyo. Alamin kung paano kumikita ng karagdagang pera ang ibang mga nanay habang nasa bahay. O kaya naman, ibahagi sa kanila ang iyong pinakamahuhusay na practices kapag nagtatrabaho habang nasa bahay. Ito ay tulad ng paghahanap ng mga kaibigang maaari mong makasamang tumanda at matuto, habang lahat ay dumaraan sa roller-coaster ride ng pagiging ina.

4. Pagkakataon Para Sa Bagong Pakikipagkaibigan

Simula nang ikaw ay maging ina, kailan ang huling pagkakataong nakasama mo ang iyong mga kaibigang hindi pa ina? Mas madalas kaysa sa hindi, ang iba pang mga ina sa support group ay may katulad mong social life. Kung ang pagiging aktibo sa isang online support group para sa mga ina ay ang iyong bersyon ng social life  ngayon, gamitin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng mga bagong kaibigang makakasama mo sa paglalakbay na ito bilang isang ina.

5. Matuto Mula Sa Mga Inang May Mas Maraming Karanasan

Marahil, may ibang mga ina sa support group na kahit papaano ay kabisado na ang pagiging isang ina. Ilang taon na silang ina at asawa, kaya marami kang matututuhan mula sa kanilang mga karanasan. Ito ay tulad ng paghahanap ng mga nakatatandang kapatid na babae na maaaring gumabay sa iyo sa prosesong ito.

6. Mas Masusulusyunan Ang Mga Problemang Personal At Pampamilya

Ang mga babaeng may malakas na support system ay mas may kakayahang harapin ang mga problema sa mas malusog na paraan. Sa halip na ubusin ang iyong lakas sa pagkabalisa at panlulumo sa anumang iyong pinagdaraanan, maaaring makipag-usap sa support group para sa mga ina tungkol sa mga isyung ito at matutulungan ka nilang harapin ang mga ito at gumawa ng mga mas mahuhusay na desisyon.

7. Nagiging Kaibigan Ng Iyong Anak Ang Kanilang Anak

Sinong nagsabing ang pakikipag-ugnayan sa support group para sa mga ina ay limitado lamang sa mga ina? Makikinabang din dito ang mga bata, lalo na kung nagkaroon ka na ng matalik na kaibigan sa ilan sa iyong mga kapwa ina. Gayundin, kung nagsimula na kayong ipakilala ang inyong mga anak sa isa’t isa upang maging mga kalaro o kaibigan din.

Matuto nang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Ang kuwentong ito ay orihinal na inilathala sa Edamama at muling ginamit nang may pahintulot: https://www.edamama.ph/discover/nurture/why-join-mama-support-groups

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Mia Labrador, MD

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Mia Labrador, MD · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement