backup og meta

Mahahalagang Teorya Sa Child Development

Mahahalagang Teorya Sa Child Development

Mula pagkapanganak hanggang sa pagtanda, tayo ay dumadaan sa mga stages of human development psychology. Ang mga kasanayan tulad ng paglalaro at pagsasalita ay kabilang sa mga milestones na nagsasabi sa mga magulang kung lumalaki ng maayos ang kanilang anak. Ang mga stages of child development na ito ay napakahalaga sa larangan ng child psychology. Karaniwang gawain ng mga researchers ng child psychology ang paghahanay sa iba’t-ibang dibisyon ang paglaki ng mga bata. Sa papamagitan nito, mas nauunawaan nila kung bakit nangyayari ang mga pagbabagong ito, at kung paano ito naaapektuhan ng environment at culture. 

Marami nang mga teoryang nagawa ang mga researchers tungkol sa stages of child development, ngunit karamihan sa mga ito ay napag-iwanan na. Heto ang ilang mga teorya sa child development na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng mga eksperto.

Mga Teorya Ukol Sa Stages Of Child Development

Psychosexual Developmental Theory Ni Freud

Si Sigmund Freud ay isa sa mga pinakakilalang tao sa larangang ng psychology dahil sa isinagawa niyang pag-aaral sa psychonalysis. Ang kaniyang teorya ay nakabase sa kung paano masosolusyonan ng mga magulang ang “sexual” at aggressive desires. Aniya, ito ang magsasabi kung sila ay magiging well-adjusted adults paglaki.

Tandaan, ang mga “desires” ay mga insticts na nag-uudyok ng pag-uugali ng mga tao. Ang psychosexual theory ni Freud ay umikot sa mga “erogenous zones” tulad ng bibig, puwit, pantog, ari, at kung paanong ang mga desires sa bawat edad ay nakabase sa mga zones na iyon. Ayon sa teoryang ito, mayroong limang stages of child development:

  • 0-2 years of age: Ito ang “oral phase” dahil ang mga desires ay nakabase sa pagkagat o pagsubo. 
  • 2-4 years of age: Ito ang “anal phase” dahil ang mga bata sa ganitong edad ay tinuturuan kung paano gumamit ng banyo.
  • 4-7 years of age: Ito ang “phallic stage” dahil ang mga bata ay naka-focus sa kanilang mga ari. 
  • 7-12 years of age: Ito ang “period of latency” kung saan nakatigil ang sexual development.
  • 13 years of age and onward: Ito ang “genital phase” dahil sa ganitong edad nagsisimula ang attraction sa opposite sex.

Ayon sa psychosexual theory, ang mga karanasan sa pagkabata ay humuhubog sa childhood development.

Erikson’s Stages Of Psychosocial Development

Batay kay Freud’s previous psychosexual theory of development ang naging psychosocial development theory ni Erik Erikson. Ang kaniyang teorya ay tungkol naman sa pagtutunggali ng psychological at societal needs ng isang tao. Ang kahahantungan ng tunggaliang ito ang magdidikta ng personality development ng isang tao.

Mayroong walong chronological stages of child development ang kaniyang teorya:

  1. Mistrust vs. Trust
  2. Doubt/Shame vs. Autonomy
  3. Guilt vs. Initiative
  4. Inferiority vs. Industry
  5. Role Confusion vs. Identity
  6. Isolation vs. Intimacy
  7. Stagnation vs. Generativity
  8. Despair vs. Ego Integrity

Ang teorya ni Erikson rin ay dinetalya kung anong uri ng stimulation ang kailangan ng isang bata sa isang stage upang maging well-adjusted adult.

Piaget’s Cognitive Developmental Theory

Ang cognitive developmental theory ni Jean Piaget ay kilalang kilala sa mga pag-aaral tungkol sa stages of child development. Ayon kay Piaget, ang katalinuhan ay nahuhubog kasama ng utak sa pamamagitan ng interaction sa kapaligiran.

Ang kaniyang teorya ay may apat na stages ng cognitive development:

1. Sensorimotor Stage

Ito ay nangyayari sa pagkabata. Ang stage ng cognitive development na ito ay nailalarawan ng mga sanggol na ginagamit ang kanilang paningin, pandinig, pang-amoy, pantikim, at paghawak upang magkaroon ngintelligence. Kapag sila ay 8 to 12 buwan, nagkakaroon rin sila ng “object permanence.” Ito ang pag-unawa na ang mga bagay ay nage-exist kahit hindi nila nakikita o nahahawakan. Halimbawa, malalaman ng isang bata na kapag ikaw ay nakikipagtaguan, hindi ka naman talaga nawawala.

2. Preoperational Stage

Ito ay nagsisimula sa pagiging toddler. Ang paggamit ng mga symbols, salita, at egocentrism ay ang mga katangian ng stage na ito. Ang mga bata na egocentric ay nakikita lamang ang mundo sa kanilang perspektibo, at iniisip na ganito rin ang nakikita ng iba. Halimbawa, kung mayroong dalawang bata na nakaupo sa magkabilang dulo ng la mesa na mayroong nakasulat na “6” ang sasabihin ng isa ay mukha itong 6, at ang isa naman ay sasabihin na ito ay 9. Bagama’t parehas silang tama, hindi nila ito nauunawaan.

3. Concrete Operational Stage

Nangyayari ito kapag nagsimula na mag-aral ang bata hanggang sa early adolescence. Sa stage na ito natututo ng logic at reasoning ang mga bata. Dito nauunawaan nila ang konsepto ng “conservation.” Halimbawa, ang dami ng tubig ay hindi nagbabago kahit na iba pa ang lalagyan nito. Ang mga bata sa stage na ito ay marunong na rin mag-grupo ng mga bagay ayon sa bigat, kulay, hugis, atbp.

4. Formal Operational Stage

Sa stage na ito ay natutuo ang bata ng mga abstract o imaginary na konsepto. Ang mga bagay ay kanilang napapatunayan gamit ang trial at error. Ang verbal reasoning at propositional thought rin ay nade-develop sa stage na ito. Nagsisimula ito sa adolescence at tumatagal hanggang sa pagtanda ng isang tao.

Ang teorya sa stages of child development ni Piaget ay nagpapakita ng insight sa kung paano nabubuo ng mga bata ang konsepto ng mundo sa kanilang mga isip. Nakakatulong rin ang teoryang ito upang malaman ang angkop na paraan ng pakikipag-usap sa bata na naaayon sa kanilang edad.

Stages Of Child Development Ni Santrock

Kabilang sa mga mas bagong teorya ay ang stages of development ni John Santrock na ginawan ng chart ang bawat stage sa buhay ng isang tao. Ayon sa teorya ni Santrock, may walong period ang buhay ng isang tao:

  1. Prenatal period (nasa loob ng sinapupunan)
  2. Infancy (pagkapanganak hanggang 18-24 months)
  3. Early childhood (2-5 taong gulang)
  4. Middle and late childhood (6-11 taong gulang)
  5. Adolescence 
  6. Early adulthood
  7. Middle adulthood
  8. Late adulthood

Havighurst’s Developmental Tasks Theory

Mayroong mga pagkakaparehas ang teorya sa stages of child development ni Havighurst kay Santrock. Isa na rito ay parehas nilang kino-consider na ang development ay isang proseso na nangyayari sa buong buhay ng tao. Ang mga teorya rin ni Havighurst ay mayroong mga stages. 

Aniya, kinakailangang matapos muna ng isang tao ang kasalukuyan niyang stage bago mapunta sa sunod. Ang mga kaibigan at support groups ay nakakatulong rin upang ito ay magawa ng isang tao. Heto ang kaniyang mga stages:

  1. Infancy at Early Childhood (0-5 taong gulang): Natututong maglakad, at makipag-usap sa iba.
  2. Middle Childhood (6-12 taong gulang): Natututong magbasa, magsulat, at maging independent.
  3. Adolescence (13-17 taong gulang): Natututo ng gender-based roles.
  4. Early Adulthood (18-35 taong gulang): Natututong magkaroon ng career at pamilya.
  5. Middle Age (36-60 taong gulang): Nagsisimulang mag-adjust sa mga pagbabago sa katawan.
  6. Later Maturity (over 60 taong gulang): Natututong mag-adjust sa pagiging matanda at retirement.

Key Takeaways


Ang pag-unawa ng mga teorya tungkol sa stages of child development ay makakatulong upang mas maintindihan kung paano nagbabago ang pag-iisip ng mga tao. Bukod dito, makakatulong ito sa mga guro at magulang kung paano ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa kanilang mga anak.

Matuto pa tungkol sa Stages of Child Development at Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Introduction to child psychology, https://www.open.edu/openlearn/education-development/childhood-youth/introduction-child-psychology/content-section-1, 4 June 2020

Modules on Freud: on psychosexual development, https://cla.purdue.edu/academic/english/theory/psychoanalysis/freud.html, 4 June 2020

Erik Erikson’s Stages of Psychosexual Development, https://www.simplypsychology.org/Erik-Erikson.html, 4 June 2020

Jean Piaget’s Theory and Stages of Cognitive Development, https://www.simplypsychology.org/piaget.html, 4 June 2020

Am I an emerging adult…? What are the developmental tasks that I am facing…? https://www.miuc.org/emerging-adult-developmental-tasks-facing/, 4 June 2020

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Den Alibudbud

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?

Papel ng Pamilya sa Pagpapalaki ng Bata, Ano nga ba?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Den Alibudbud · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement