backup og meta

Sintomas Ng Social Communication Disorder? Anu-Ano Ito?

Sintomas Ng Social Communication Disorder? Anu-Ano Ito?

Maraming tao na ikinokonsidera ang pagiging mahiyain ng isang bata bilang isa sa mga sintomas ng social communication disorder. Pero meron nga bang katotohanan ang bagay na ito o isa lamang ito sa mga palagay ng magulang tungkol sa pagiging mahiyain ng isang bata? Kaugnay ng mga tanong na nabanggit, napakahalaga na malinaw ang bagay na ito para maiwasan ang anumang diskriminasyon at maling diagnosis sa isang bata.

Dagdag pa rito, mahalaga rin na maunawaan mo na hindi tama ang pagbibigay ng sariling medikal at mental na diagnosis sa pagiging mahiyain ng isang tao, lalo na kung hindi ka naman eksperto o doktor. Mas maganda pa ring ipakonsulta ang bata sa isang doktor upang mabigyan ka ng wastong diagnosis sa kondisyon ng iyong anak. 

Kaya naman gumawa kami ng isang artikulo kaugnay sa bagay na ito para maiwasan ang pagkakaroon ng pagkalito sa pagitan ng pagiging mahiyain ng bata at social communication disorder. Narito ang ilan sa mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman.

Ano Ang Pagiging Mahiyain?

Kadalasan ang pagiging mahiyain ng isang bata ay iniuugnay sa pagiging “introvert” ng isang tao. Subalit dapat mong maintindihan na magkaiba ang pagiging mahiyain at introvert ng isang indibidwal.

Sa pagiging mahiyain ng isang bata madalas ay nakakaramdam siya ng matinding takot at kaba sa mga social situation kaya mas pinipili na lamang niyang manahimik. May mga pagkakataon din na napapaisip sila sa mga magiging pananaw at opinyon ng ibang tao sa kanila, kaya mas gusto na lamang nila na hindi makihalubilo sa ibang tao na nagiging dahilan upang mahiya silang makipagkaibigan. 

Ang pagiging introvert naman ay ang preference ng isang indibidwal pagdating sa gustong social setting. Kadalasan, ang mga taong introvert ay mas gustong mapag-isa, o magkaroon ng katahimikan sa bagay na gusto nilang gawin.

Magkatulad Ba Ang Social Anxiety At Pagiging Mahiyain?

Iba ang social anxiety sa pagiging mahiyain, dahil ang social anxiety ay isang kondisyon ng pagkakaroon ng bata ng matinding takot na mapaligiran ng napakaraming tao. Kung saan ang pagiging mahiyain niya ay wala sa lugar at nagiging sagabal na ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa oras na makitang ganito ang anak o isang bata, mas maganda na dalhin ito sa doktor para makumpirma ang kondisyon at mabigyan ng wastong payo at tulong ang mga bata.

Ano Ang Social Communication Disorder?

Mahalagang malaman mo na iba-iba ang personalidad at pag-uugali ng mga bata, at madalas nakadepende rin ito sa iba’t ibang factors sa kanyang paligid at kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. 

Mayroong mga bata na talagang mahiyain sa umpisa pero kapag naging komportable at nakapag-adjust na sila, lalabas ang kanilang ugaling pala-kaibigan at makwento. Hindi rin maitatanggi na may mga bata rin na hindi naman mahiyain subalit mas komportable sila sa pag-iisa. Ang iba naman ay natural na introvert at mahiyain, pero hindi ibig sabihin nito ay may social communication disorder na sila. Ang social communication disorder ay isang brain-based condition kung saan ang utak ay hindi nadebelop sa tipikal na paraan.

Kadalasan ang mga taong may social communication disorder ay mayroong difficulties sa paggamit ng verbal at non-verbal communication sa mga social situations.

Sintomas Ng Social Communication Disorder

Kilala rin ang social communication disorder bilang pragmatic impairment (PLI), at karaniwan ang mga batang nagtataglay ng kondisyon na ito ay mayroon na nito sa simula pa lamang ng kanilang development. Pero maaaring hindi mo mapansin ang mga senyales na taglay ng mga bata dahil kadalasan ang mga palatandaan ay nagiging mas malinaw kapag sila ay tumanda na, kung saan kailangan na nilang harapin ang mas kumplikadong mga sitwasyon at rules sa lipunan.

Kaugnay ng mga nabanggit, mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa mga sintomas ng social communication disorder upang magkaroon tayo ng ideya kung kailan ba natin dapat dalhin ang bata sa doktor, para magkaroon ng kumpirmasyon at tamang diagnosis. 

Narito ang mga sumusunod na sintomas ng social communication disorder na dapat mong malaman:

  • Hirap sa angkop na pakikipag-usap o komunikasyon (social purposes) gaya ng pag-ngiti, pagsasabi ng “hello” o pagbati, paggawa ng eye contact, at paglalahad sa tao ng gustong mga bagay
  • Pagkakaroon ng kahirapan sa paraan ng pakikipag-usap sa iba’t ibang tao
  • Nahihirapan sa pagsunod sa “social rules” kagaya ng paghawak ng kamay sa isang tao (shake hands) bilang tanda ng “pagbati”
  • Hirap sa pag-unawa ng verbal, non-verbal cues, pag-intindi sa mga pahiwatig at sa mga tono at konteksto/context ng mga pahayag

Key Takeaways

Lagi mo dapat na isaisip na hindi ka dapat nagbibigay ng mental at medikal na diagnosis sa mga taong mahiyain lalo na kung hindi ka naman eksperto sa larangan ng medisina. Ang mga nabasa sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang payo at diagnosis ng doktor. Mas mainam pa rin na ipakonsulta sa doktor ang isang bata kung nakikita na nagiging sagabal na sa kanyang pamumuhay ang pagiging mahiyain.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Social communication disorder (SCD), https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/scd, Accessed July 22, 2022

Helping Your Shy Kid, https://www.psychologytoday.com/us/blog/growing-friendships/201606/helping-your-shy-child, Accessed July 22, 2022

Children and Shyness, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/shyness-and-children#:~:text=Children%20(and%20adults)%20tend%20to,Be%20supportive%2C%20empathic%20and%20understanding, Accessed July 22, 2022

What Can Make Children Shy, https://www.psychologytoday.com/intl/blog/the-baby-scientist/201910/what-can-make-children-shy, Accessed July 22, 2022

Shyness: Baby and Children, https://raisingchildren.net.au/toddlers/behaviour/common-concerns/shyness, Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

09/28/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Childhood Anxiety Disorder? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Behavioral Disorder Ng Bata: Mga Karaniwang Disorders Na Dapat Alam Ng Magulang


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement