Marahil napakadaling libangin at turuan ang isang bata sa pamamagitan ng mga palabas sa TV at iba’t-ibang laro sa mga smartphone at tablet, madalas na napapatanong ang mga magulang: Mayroon bang inirerekomendang screen time ng bata? Basahin ang artikulong ito.
Ano ang Screen time?
Ang mga preschooler, o ang mga batang nasa 3-5 taong gulang na bracket, ay mabilis na lumalaki mula sa kanilang infancy at toddlerhood stage. Dahil dito, nararapat na pagtuunang-pansin ng mga magulang ang pagsali sa kani-kanilang mga anak sa mga pisikal na aktibidad na nagtataguyod ng motor development. Dapat ding hikayatin nila ang kanilang mga anak na makisali sa mga bagay na makakapagpaunlad sa kanilang mga social, intelektwal, at emosyonal na kakayahan.
Ang isang paraan upang madagdagan ang pagkatuto ay ang payagan silang manood ng mga programang pang-edukasyon sa TV at maglaro sa mga tablet at smartphone. Gayunpaman, ang sobrang tagal na screen time ng bata ay maaari ring magkaroon ng mga negatibong epekto sa kanilang pangkalahatang kalusugan.
Ang screen time ay nangangahulugang dami ng oras na ginugol sa harap ng mga iba’t-ibang device na may mga screen. Kabilang dito ang paggamit ng mga tablet, smartphone, at kompyuter. Kasama rin dito ang tagal ng oras na ginugugol ng mga bata sa panonood ng mga palabas sa TV. Siyempre, maaaring piliin ng mga magulang ang mga naaangkop na palabas at laro para sa mga bata, ngunit inirerekomenda pa rin ng mga eksperto na limitahan ang kabuuang screen time ng .bata.
Kung kaya, ano ang inirerekomendang screen time para sa mga preschooler?
Gaano Kahaba ang Matagal na Screen time?
Ang napagkasunduan ay ang mga preschooler ay dapat na mayroon lamang hindi hihigit sa 2 oras na screen time sa pangaraw-araw. Ayon sa ilang mga eksperto, mariin nang itinutulak ng 2 oras na screen time ng bata a limitasyon. Iginiit nila na ang mga preschooler ay dapat lamang magkaroon ng maximum na isang oras ng screen time sa isang araw.
Inirerekomenda rin ng American Academy of Pediatrics ang 1 oras na araw-araw na screen time. Dagdag nila, ang screen time ay dapat lamang binubuo ng “high-quality programming.”
Ano ang Epekto ng Mahabang Screen Time Ng Bata?
Unang hakbang pa lamang ang pag-alam at pag-unawa sa inirerekomendang screen time para sa mga preschooler. Ang tunay na hamon para sa mga magulang at tagapag-alaga ay makaisip sila ng mga paraan kung paano limitahan ang oras ng kanilang mga anak sa TV at iba pang paggamit at pagtutok sa mga ng screen.
Sa pangkalahatan, ang matagal na screen time ay nangangahulugang:
- Maiksing oras ng paglalaro na nangangailang ng pisikal na paggalaw at pakikipag-ugnayan sa ibang mga bata.
- Posibleng kakulangan ng tulog, sapagkat ang mahabang screen time ay maaaring makagulo sa iskedyul ng pagtulog ng isang bata. Maaari rin itong magresulta sa mas maikling oras ng pagtulog.
- Mga problema sa pag-uugali
- Kakulangan ng kasanayan sa pakikisalamuha sa iba pang mga bata
- Posibleng karahasan
Bukod sa mga epektong nabanggit, ang mahabang screen time ng bata ay naiuugnay din sa obesity. Ito ay dahil ang mga bata na gumugugol ng masyadong maraming oras sa panonood ng TV. Dahil dito, kadalasang hindi nakakakuha ng sapat na ehersisyo. Bukod pa rito, madalas silang kumakaiin habang nanonood. Ang mga patalastas sa screen ay maaari ring mag-udyok sa kanila na humingi ng mga hindi masusustansiyang pagkain.
Ang pagsunod sa inirerekumendang screen time para sa mga preschooler ay maaaring makatulong na matiyak ang wastong pag-unlad ng utak. Ayon sa mga eksperto, ang sobrang tagal na screen time ng bata ay maaaring makaapekto sa bata. Ito ay sa pamamagitan ng pagpinsala sa kanyang kakayahang magbigay ng pansin at tumutok, makipag-usap, at maramdaman ang saloobin o damdamin ng ibang tao.
Screen time vs Real-Time
Isipin ang simpleng pagkukuwento upang mas maunawaan kung paano ito nakakaapekto sa pag-unlad ng anak.
Kapag ang isang ina ay may hawak na libro at nagkuwento sa kanyang anak, ang bata ay kailangang magsagawa ng maraming pag-iisip. Dapat nilang iproseso ang boses ng kanilang ina sa mga salita at ipinta ang larawan sa kanilang ulo. Para masundan ang storyline, maaari silang magtanong o humiling na bumalik sa nakaraang pahina. Kapag binago ng ina ang kanyang boses at intonasyon, sila ay magre-react at tutugon. Sa madaling salita, ang buong aktibidad ay interaktibo at nakapagpapasigla dahil kailangan nilang magsikap mag-isip.
Sa kabilang banda naman, kapag ang screen ang naglalahad ng kwento, para bang ito ay isang “shortcut.” Ang tagapagsalaysay ang nagkukuwento at mayroong isang video upang ipakita sa kanila kung ano ang nangyayari. Ayon sa mga psychologists, ang mga device na ang gumamagawa ng maraming pag-iisip para sa kanila.
Mga Alintuntuning Dapat Sundin: Inirerekomendang Screen time ng Bata
Maaaring mahirap sundin ang inirerekomendang screen time para sa mga preschooler. Subalit, may mga maliliit na hakbang na maaari mong gawin.
- Siguraduhing walang telebisyon, tablet, kompyuter, o smartphone sa kwarto ng iyong anak.
- Makatutulong kung makapagtatakda ng timer para sa pagbukas at pagsara ng TV. Ang ilang mga telebisyon ay mayroong ganitong feature na kung saan ay awtomatikong namamatay matapos ito ay mabuksan ng tiyak na tagal ng oras.
- Huwag hayaan ang iyong anak na manood ng TV habang gumagawa ng isa pang aktibidad, tulad ng paggawa nila ng kanilang takdang-aralin o habang kumakain.
- Kung ginagamit ang TV para lang sa ingay sa background, i-off ito at gamitin lang ang radyo.
- Piliing kung anong mga programa ang papanoorin ng iyong anak sa TV.
Para naman sa mga tablet at smartphones, piliin ang naaangkop na mga laro at mga aplikasyon para sa iyong preschooler. Isang magandang tip ay ang pagpili ng mga interaktibong mga programa. Halimbawa, ang ilang mga palabas na hinahayaan ang mga bata pumili kung sila ay kakanta, o sila ay sasayaw.
Habang ang mga preschooler ay masyadong pang bata para maghanap at mag-download nang mag-isa, makatutulong pa rin na magtakda ng ilang mga internet controls. Ito ay magbibigay-daan upang ma-filter o ma-block mo ang ilang partikular na content sa web na hindi angkop para sa mga bata.
Panghuli, mayroon mahalagang payo ang mga eksperto: Pangasiwaan ang kanilang screen time. Samahan sila kapag ginagamit nila ang device dahil mas madaling gawing interaktibo ang aktibidad. Hindi mo lang makikita kung ano ang kanilang ginagawa, ngunit maaari ka ring tumugon sa kanilang mga tanong at reaksyon.
Mga Inirerekomendang Aktibidad Para sa Mga Bata
Bukod sa paglilimita sa kabuuang screen time ng bata, iminumungkahi rin ng mga eksperto ang pagkapantay ng dami ng ibang aktibidad. Narito ang ilang rekomendasyon ng mga pisikal at malikhaing aktibidad:
- Magbasa ng libro
- Gumuhit o magpinta
- Magtanim o magtrabaho sa hardin tulad ng pagdidilig ng mga halaman o pagtatanim ng mga buto
- Maglaro ng tradisyonal na mga larong Pilipino kasama nila
- Magluto o mag-bake. Padaliin ang gawain nila sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila na ihalo ang cake batter o ibuhos ang mga sangkap.
Kahit na sila ay maaaring bata pa, ang mga preschooler ay maaari ring tumulong sa mga gawaing bahay. Gawing madali at masaya ang mga ito para sa kanila. Halimbawa, habang naglalaba, maghanda ng dalawang basket at hayaang paghiwalayin ang mga puting damit sa mga may kulay.
Ang pagsunod sa inirerekomendang screen time ng bata ay makatutulong sa iyong mga anak na umunlad ang kaalaman at kasanayang kinakailangan para sa pisikal at intelektwal na paglaki. Ayon sa mga eksperto, ang mga magulang ay dapat manguna sa pamamagitan ng halimbawa. Sa madaling salita, dapat ding limitahan ng mga magulang ang kanilang screen time.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]