Ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD), na dating kilala bilang Attention Deficit Disorder (ADD). Ito ay kadalasang nagpapahirap sa mga bata na pag-aralan ang kanilang mga lessons. Ano ang mga epektibong paraan kung paano turuan ang batang may ADD? Alamin dito.
Tandaan: Hindi ka nila pinahihirapan
Ang mga batang may ADHD ay madalas na nagpapakita ng mga problema sa impulse control, pagiging attentive at pagiging masyadong aktibo. Kaya, huwag magtaka kung ang sagot nila sa iyong tanong ay hindi nauugnay na tanong. Sila ay magdo-drawing kung kailan dapat mag solve ng math problems, o tatakbo kung kailan mo sinabi na maupo.
Tandaan na hindi nila ginagawa ang mga bagay na ito para magalit ka. Ito ang mga sintomas ng kanilang kalagayan, na kailangan mong yakapin at pagsumikapan.
Sa kabutihang palad, malalaman ng mga magulang kung paano turuan ang batang may ADD sa pamamagitan ng mga sumusunod na tips:
Alamin kung paano nakakaapekto ang ADHD sa iyong anak
Tulad ng kung paano magkaiba ang dalawang bata na parehong edad, ang dalawang bata na na-diagnose na may ADHD ay maaari ding magpakita ng magkaibang mga sintomas. Ang isang bata ay maaaring magkaroon ng mas may problema sa kawalan ng pansin, habang ang isa ay kailangang mag-slow down.
Bago gumawa ng mga diskarte kung paano turuan ang batang may ADD at matulungan ang iyong anak na maging mahusay sa paaralan, tanungin muna ito: paano nakakaapekto ang ADHD sa kanya? Ang pagbisita sa kanilang doktor ay makatutulong nang malaki sa iyong pagsagot sa tanong na ito.
Gumawa ng isang study routine
Sinasabi ng mga report na ang mga batang may ADHD ay kailangan ng isang tiyak na istraktura, isang routine. Pag-isipang magtalaga ng isang lugar na maaari silang matuto nang tahimik nang may kaunti o walang distractions. Magtakda din ng iskedyul para mag-aral o gawin ang kanilang homework.
Ito ay nakakatulong na gawing mas predictable ang kapaligiran o aktibidad, na nagtatakda naman ng kanilang expectations.
Tandaan na kung magsisimula ka pa lang ng isang study routine – o anumang gawain para doon – maaari silang mag-resist. Habaan ang pasensya hanggang masanay sila.
Laging hiwa-hiwalayin ang mga gawain
Ang malalaking goals ay madalas nakakalula sa isang batang may ADD, kaya laging hatiin ang mga goals ng maliliit kapag tinuturuan mo sila.
Halimbawa, maaari kang gumawa ng checklist kung ano ang dapat nilang gawin sa isang partikular na oras. Para gawing mas madali sa kanila, mag-assign ng mga kulay para sa kanilang mga paksa at gawin ang color scheme sa kanilang checklist, notebook, at folder.
Kung paano turuan ang batang may ADD, dapat one thing at a time.
Purihin ang kanilang pagsisikap at magbigay agad ng feedback
Mayroon man o walang ADHD, ang mga bata ay nakikinabang sa mga papuri dahil nararamdaman nila na sila ay pinapahalagahan kaya naman, nagiging motivated sila.
Gayundin, tandaan na magbigay kaagad ng feedback pagkatapos ng gawain. Nakakatulong ito sa kanila na iugnay ang aktibidad o gawi sa feedback. Isa itong paraan kung paano turuan ang batang may ADD.
Sabihin sa iyong anak na hindi siya dapat mag-drawing sa bawat blangkong papel sa oras na meron siya ilang sandali pagkatapos niyang gawin ito. Baka tuluyan na niyang makalimutan ang ginawa at hindi na maintindihan kung bakit mo siya pinapagalitan.
Bigyan sila ng “move around” break
Kahit na ang mga batang walang ADHD ay nahihirapang maupo nang mahabang oras. Kaya, isama ang “move around” sa bawat ilang minuto o higit pa. Ang pagsasabi sa kanila na kunin ang kailangan nila, ayusin ang kanilang bag, o kahit na kumuha ng meryenda ay mabuti para ma-break ang monotony ng pag-aaral.
Gayundin, ipinapakita ng ilang pag-aaral na ang pisikal na aktibidad ay maaaring makatulong mapabuti ang cognitive performance ng mga batang inattentive.
I-accommodate kung paano natututo ang iyong anak
Ang ilan sa mga bagay na nakakaabala sa atin ay ang mga mas gustong ginagawa ng mga batang may ADHD. Kaya, i-accomodate sila kung sila ay madalas na malikot o patuloy na pinipisil ang isang bola. Ang ilan ay talagang gusto ng ingay sa background. Nakakatulong ito sa kanilang concentration.
Magandang ideya din na maunawaan kung paano natututo ang iyong anak. Ang mga bata ay maaaring visual, auditory, o tactile learners. Kung alam mo ang kanilang istilo ng pag-aaral, maaaring makatulong ito sa kanilang mas epektibong pag-aaral.
Bumuo ng isang support system
Panghuli, huwag mag-atubiling isali ang iba sa pag-aaral ng iyong anak.
Una, dapat kang makipagtulungan sa kanilang doktor para masubaybayan ang kanilang pag-unlad at mamagitan kung kailangan.
Makipag-ugnayan din sa kanilang mga guro! Hilingin sa kanila ang mga update sa iyong anak at mga tip at strategies na sa tingin nila ay epektibo.
Maaaring makatulong din ang pagsali sa mga support group para sa mga magulang ng mga batang may ADHD. Maaari kang matuto mula sa mga karanasan ng iba.