backup og meta

Malungkot Na Bata: Ano Ang Epekto Ng Kalungkutan Sa Mga Bata?

Malungkot Na Bata: Ano Ang Epekto Ng Kalungkutan Sa Mga Bata?

Maraming doktor ang naniniwala na ang malungkot na bata ay nadarama ang pagka-left out. Sila rin ang mga batang sanay itakwil ng mga kaibigan. Hindi rin sila gaanong aktibo kumpara sa ibang mga bata. Karaniwan, pinipili ng malungkot na bata ang mga di-aktibong libangan kaysa sa physical activities. Kaugnay nito, makikita sa kanila ang kakulangan sa physical activities, at engagement sa sedentary behavior (laging nakaupo). Ang ganitong behavior ay madalas nagpapakita ng kaugnayan sa labis na katabaan, at iba pang health conditions. 

Basahin ang artikulong ito para malaman pa ang mga mahahalagang detalye sa lonely child psychology. Sa pagbabasa nito, maiintindihan mo ang mga paraan upang matulungan ang iyong anak.

Malungkot na Bata: Mga Pag-aaral at Survey

Kasama sa ostracism ang negatibong pakiramdam na nararanasan ng isang bata. Kapag sila ay nakalimutan o hindi isinama o exclude sa isang grupo ng barkadahan. Ito ay pwedeng isang uri ng bullying — maaari rin namang hindi. Sapagkat, baka dahil ito sa pagiging isang bata na may espesyal na kakayahan, o pagiging iba sa mga bata. Maraming dahilan kung bakit pwedeng maramdaman ng isang bata na iniwan siya.

Ayon sa ilang pag-aaral na isinagawa ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention. Mayroong ugnayan sa pagitan ng ostracism o bullying at pag-decline sa physical activities. Ang isang bata ay pwedeng ma-exclude o maiwan dahil sa kanyang obesity. Sa kasong ito, ang bata ay maaaring makaranas ng pagdurusa sa kanyang mental at physical adversities, dahil sa ostracism.

Malungkot na Bata: Ano ang Dapat Malaman ng mga Magulang

Sa halip na maglaro ng mga pisikal na aktibidad, tulad ng football, jumping rope o basketball. Kadalasang pinipili na lamang ng isang left-out child ang mga hindi aktibong libangan. Mas malamang na gumuguhit sila, nagbabasa ng mga libro, naglalaro ng crossword puzzles, nanonood ng cartoon, o naglalaro ng computer game.

Gayunpaman, ang paglulubos sa sarili sa mga di-pisikal na aktibidad ay pwedeng humantong sa obesity. Maaari rin maging dahilan ito ng iba’t ibang problema sa kalusugan ng isang left-out child. Sa mahabang panahon, ang takot na maiwan ay pwede ring makaapekto sa emosyonal na lakas at katatagan ng bata. Ito ay maaaring magresulta sa kawalan ng kumpiyansa, pagdududa sa sarili o kahirapan na magkaroon ng mga bagong kaibigan. Habang sila ay lumalaki at nagkaka-edad.

Malungkot na Bata: Mga Paraan para Makatulong

Responsibilidad ng mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na ma-overcome ang ostracism o bullying. Ang mga magulang mismo ay dapat lumahok sa mga pisikal na aktibidad at laro. Kasama ang kanilang mga anak, para hindi nila makaramdam na ganap silang na-left out o naiwan. Kailangan mong magkaroon ng kamalayan sa sikolohiya ng kalungkutan ng isang bata, at gumawa ng hakbang para matulungan silang harapin ito. Nasa ibaba ang ilang simpleng pamamaraan na pwede mong gamitin para sa’yong anak.

Makinig sa Kung Ano ang Sasabihin ng Iyong Anak

Kung ang iyong anak ay nagreklamo tungkol sa pag-iwan. Makinig sa kanya nang mabuti nang hindi agad nagre-react. Makipag-usap sa ibang tao – mga kaibigan ng iyong anak, kanilang mga magulang o mga kapatid ng iyong anak. Para maunawaan kung ano ang eksaktong problema. Ang pakikialam mo nang hindi malupit o harsh ay pwedeng magligtas sa’yong anak, sa pagharap ng ostracism mula sa kanyang social circles.

Turuan ang Inyong Anak ng Kalayaan o Independence

Minsan, ang factors o dahilan kaya kinakaharap ng iyong anak ang ostracism — ay dahil sa kanilang circle of friends. Maaari itong makaapekto sa mental at emosyonal na kalagayan ng iyong anak.

Turuan din sila kung paano maging masaya sa sarili nilang paraan kung kinakailangan. Gagawin nitong malakas at independent individuals ang inyong mga anak.

Malungkot na Bata: Maging Kaibigan Nila

Maglaan ng oras para sa’yong anak. Kapag hiniling nilang makipaglaro ka sa kanila. Kunin ang football, basketball, jumping rope at ibalik ang mga araw ng pagkabata. Kailangan mo rin ng ilang ehersisyo pagkatapos ng lahat, hindi ba?

Tulungan ang iyong mga anak na magkaroon ng mga bagong kaibigan — saan man sila magpunta. I-encourage sila na lumahok sa physical activities sa labas ng paaralan. Dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa’yong anak na makakilala at makisalamuha sa mga bagong tao. Daan para magkaroon sila ng mga bagong kaibigan.

Habang ang iyong anak ay mas physically active at nakakakilala ng mga bagong tao. Lalo siyang nagkakaroon ng friendly personality.  Ito ay makakatulong sa kanya para hindi niya maramdaman na left-out siya.

Key Takeaways

Ang kalungkutan ay isang natural na bahagi ng buhay. Kung kaya’t ang pagtulong sa isang bata na i-navigate ang damdaming ito nang maaga ay makakatulong sa kanila sa paghahanda sa mas mabigat na hamon ng buhay. Makikita na ang pagtuturo sa kanilang maging malaya, maayos, at magkaroon ng malusog na emosyon — ay magbubunga ng kalakasan para sa anak.
Para sa anumang alalahanin, kausapin ang iyong doktor tungkol sa lonely child psychology.

Matuto nang higit pa tungkol sa School Age Growth and Development dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Peers and Obesity during Childhood and Adolescence: A Review of the Empirical Research on Peers, Eating, and Physical Activity/https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5228616/Accessed on 12/11/2019

Six Ways to Help Your Child Deal with Social Exclusion/https://greatergood.berkeley.edu/article/item/six_ways_to_help_your_child_deal_with_social_exclusion/Accessed on 12/11/2019

What to Do if Your Tween Feels Left Out/https://www.verywellfamily.com/what-to-do-if-your-tween-feels-left-out-3288451/Accessed on 12/11/2019

The Psychological Effects of Feeling Excluded/http://socialpsychonline.com/2015/11/psychology-ostracism-feeling-excluded/Accessed on 12/11/2019

Is Your Child Lonely?

https://mhanational.org/your-child-lonely-parents Accessed on 12/11/2019

Why Kids who Learn and Think Differently might feel lonely

https://www.understood.org/en/friends-feelings/managing-feelings/loneliness-sadness-isolation/how-loneliness-can-impact-kids-who-learn-and-think-differently Accessed on 12/11/2019

Kasalukuyang Version

05/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Tulungan Ang Mga Bata Sa Muling Pagpasok Sa Paaralan?

Paano Makipaglaro Sa Bata? At Bakit May Benepisyo Ang Roughhousing?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement