backup og meta

Paano Tulungan Ang Mga Bata Sa Muling Pagpasok Sa Paaralan?

Paano Tulungan Ang Mga Bata Sa Muling Pagpasok Sa Paaralan?

Handa na ba ang iyong anak na makihalubilo sa ibang mga mag-aaral sa paaralan? Malapit nang magsimula ang panibagong akademikong taon! Tiyak na magkahalong emosyon ang mararamdaman ng mga bata sa pagbabalik sa paaralan. Upang maibalik ang kawilihan ng iyong anak at makapaghanda para sa panibagong taon ng pag-aaral, kakailanganin nila ang iyong suporta at patnubay.

Magkaroon ng maayos at walang stress na transisyon mula sa bakasyon patungo sa school mode sa pamamagitan ng tips na ito.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Paghahanda Ng Mga Bata Sa Pagpasok Sa Paaralan

1. Ibalik ang routine sa pagtulog

Maaaring maging mahirap para sa karamihan ng mga bata na bumangon nang maaga pagkatapos ng ilang linggong late na pagtulog at paggising. Simulan ang pagkakaroon ng maayos na iskedyul ng pagtulog upang matulungan ang iyong anak na makasanayan ang rhythm ng maagang oras ng pagtulog at paggising, bilang paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Maaaring subukan ang paglalagay ng alarm clock sa tabi ng kama ng iyong anak.

2. Ihanda ang kanilang mga kailangan sa paaralan

Maaari ding hayaan ang iyong anak na siya ang pumili ng mga disenyo ng mga gamit niya sa paaralan. Madalas, mas gusto ng mga mag-aaral sa paaralan na gumamit ng mga bagay na personal nilang pinili: wired headphones na mainam para sa kanilang mga tainga, anti-radiation glasses na humaharang sa mapaminsalang blue light na inilalabas ng digital devices, at mga pangkulay na materyales.

3. Mag-usap tungkol sa paaralan

Hikayatin ang iyong anak at pasayahin siya tungkol sa ideya ng pagbabalik sa paaralan. Pag-usapan ang mga bagay na gusto nila tungkol dito. Huwag kalimutang pag-usapan din ang kanilang mga alalahanin upang matulungan silang harapin ang mga takot na iyon.

4. Magkaroon ng magandang study habits

Ngayon ang oras upang bawasan ang kanilang screen time habang isinasagawa ang transisyon tungo sa school mode. Hikayatin silang magbasa ng mga libro at makisali sa anomang aktibidad sa pag-aaral upang magkaroon sila ng magandang ugali sa pag-aaral.

5. Mag-stock ng mga merienda

May dahilan kung bakit mahilig ang mga bata sa merienda at lunch break. Siguraduhing mayroon silang oras upang kumain dahil maaari nitong mabawasan ang antas ng stress ng isang mag-aaral sa paaralan. Gayundin, ang isang gutom na mag-aaral ay maaaring maging isang tamad na mag-aaral-at hindi natin ito nais na mangyari, mga nanay.

6. Mag-set up ng komportable at kaaya-ayang kapaligiran para sa pag-aaral

Hindi kinailangan ng malaking espasyo para magkaroon ng lugar ng pag-aaral para sa iyong anak. Pumili ng lugar sa tahanan na may magandang ilaw at bentilasyon at punan ito ng mga bagay na makahihikayat sa mga bata na matuto habang nagsasaya.

Handa na ba ang iyong anak na makihalubilo sa ibang mga mag-aaral sa paaralan? Pasiglahin at hikayatin sila sa pamamagitan ng pagtitiyak at pagsuporta sa kanilang pag-aaral.

Matuto pa tungkol sa Development ng School-Age na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

06/18/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Pagpapalaki Ng Magkapatid Na Malaki Ang Agwat: Mga Benepisyo At Hamon

Paano Makipaglaro Sa Bata? At Bakit May Benepisyo Ang Roughhousing?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement