Ngayon na naisilang na ang iyong sanggol, mararanasan na agad sa unang linggo ng iyong anak ang pagiging isang magulang. Hayaan mong samahan ka namin sa mga bagay na dapat mong malaman sa unang linggo ng sanggol. Alamin ang pag-unlad ng iyong anak sa unang linggo nito.
Paano Lumalaki Ang Iyong Anak?
Sa pagsilang ng iyong anak, ang kalimitang timbang nito ay halos nasa 7.25 pounds. Gayunpaman, ang saklaw ng timbang ng sanggol ay malawak dahil maaari itong magsimula sa 5.5 pounds hanggang 10 pounds. Sa kabuuan, ang mga kalalakihan at ang mga sumunod na anak ay kadalasang mas mabigat kumpara sa kababaihan at mga unang anak.
Sa loob ng ilang mga araw ng yugto ng pag-unlad ng sanggol, maaaring makaranas ng pagbaba ng timbang ang iyong anak sa loob ng 4 hanggang 5 araw, ngunit mababawi naman ito sa mga susunod na linggo. Normal na bumigat ang iyong anak ng halos 4 ounces hanggang 8 ounces kada linggo.
Para naman sa pagtaas at sukat ng ulo ng sanggol, ang kalimitan ay 20 inches at 13.5 inches. Ang normal na taas ng bata ay maaaring 18 hanggang 22 pulgada samantalang ang sukat ng ulo ay inaasahang maabot ang 15 pulgada sa unang buwan.
Milestone Ng Pag-Unlad Ng Sanggol
Dahil mas matutuon ang iyong atensyon sa pag aalaga sa iyong anak lalo na sa kaniyang mga unang buwan, mahalagang malaman mo ang mga milestone ng kaniyang pag-unlad.
Pagkain
Dapat mong malaman na sa unang linggo ng sanggol ay nararapat mong masiguro na ang iyong anak ay nakasususo nang tama at may kakayahang tumunaw ng kanyang sinususo. Dapat rin na ang sanggol ay may malakas na immune at digestive system.
Reflexes
Ang paminsan-minsang pagngiti ng bata ay maaring mangyari sa unang linggo ng bata, ngunit nararapat na makita nang hindi lalagpas sa ikasampung linggo nito. Nangyayari rin sa unang linggo ang iba pang pagtugon ng sanggol gaya ng rooting reflex, sucking reflex at startle reflex.
Ang pagpansin din sa pantay na paggalaw ng mga paa at kamay ng bata ay mainaam na panukat upang makita ang pagkontrol nito ay napakahalaga. Kung hindi gumagalaw ang isa sa mga paa o kamay nito gaya ng iba, maaring mayroong pinsala o kahinaan dito.
Paggalaw Ng Ulo
Kahit na nangangailangan ang sanggol na masuportahan ang kaniyang ulo sa lahat ng panahon, maaari pa rin nilang maiangat ang kanilang ulo sa unang linggo.
Paningin
Sa paningin naman, dapat na nabibigyang pansin ng sanggol ang mga bagay na malapit sa mukha nito hanggang sa isang talampakan. Ito ay makatutulong sa kanila na makapagpokus sa pagsuso sa kanilang mga ina.
Pagpapakain At Nutrisyon
Sa unang linggo ng sanggol, maaari kang mamili kung paano pasususuhin ang iyong anak mula sa pagpapasuso ng gatas mula sa ina o di kaya ay pag-pump mula dito papuntang bote, tinitimplang gatas, o di kaya ay pinagsamang gatas ng ina at tinitimplang gatas.
Ang gatas ng ina ang pinakamainam sa mga sanggol, lalo na sa mga yugto ng pag-unlad nito.
Ang pagpapasuso mula sa ina ay pinakamainam para sa mga sanggol dahil ang lahat ng sustansya na kailangan nito ay naroon. Ngunit dahil magkakaiba ang sitwasyon ng bawat magulang, hindi ito posible para sa lahat. Tunay ding nakapapagod sa isang bagong ina ang magpasuso ng halos 8 hanggang 12 beses sa unang mga linggo nito.
Kung mapagdesisyunan mong magpasuso, nararapat na masiguro na mapasususo ang bata sa parehong suso ng ina at maubos ito upang masiguro ang patuloy na paglalabas ng gatas ng parehong suso at masigurong may sustansya pa ring makukuha rito. Hindi inirerekomnda ng mga doktor ang paggamit ng mga tinitimplang gatas sa mga panahong ito maliban na lamang kung kinakailangan talaga.
Sa unang araw ng kapanganakan, maaring wala pang gana ang iyong anak na sumuso. Ito ay normal dahil ginagamit nila ang unang araw upang makabawi dahil sa panganganak.
Mga Tips Sa Pag-Aalaga Ng Bata
Pag-Aalaga Sa Pusod
Sa pag-aalaga ng pusod sa unang linggo ng sanggol, pinapayuhan ng American Academy of Pediatrics na huwag gumamit ng alcohol. Inirerekumend nilang hayaan itong matuyo at kusang malaglag, na kalimitang nangyayari sa unang linggo.
Upang mapabilis ang pagkatuyo ng pusod, inirerekomenda ang sponge bath.
Maaring paliguan ang sanggol na hindi nabababad sa tubig ang lugar kung saan naroon ang pusod, o di kaya’y paggamit ng maligamgam na pamunas na may tubig at sabon, at balawan gamit ang maligamgam na tubig. Ang paglilinis ng kulay puti at tila kesong bagay ay normal lamang. Ang bagay na ito ay tinatawag na vernix, ito ang bumabalot sa balat ng bata habang siya ay nasa sinapupunan ng ina. maaari ito tanggalin, o di kaya ay masipsip ng balat ng sanggol.
Pagtae Ng Sanggol
Sa unang linggo, ang iyong sanggol ay maaaring maglabas ng mga pinaghalong plema, skin cells, at ng mga posibleng nakain ng bata habang siya ay ipinapanganak. Ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng maitim na kulay ng kanilang tae. Ngunit ito ay normal lamang. Sa mga huling araw ng unang linggo, asahang makakapagpalit ka ng maraming diaper. Asahan din ang kulay dilaw na tae, ngunit ito ay depende sa magiging pagkain ng sanggol.
Pag-Aalaga Sa Kuko
Ang pagpuputol ng kuko ng ay kailangan din lalo na’tkung ang iyong sanggol ay may maahabang kuko. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkasugat ng kanilang mga mata at iba pang bahagi ng mukha. Siguraduhin lamang na gumamit ng pamutol sa kuko na pang bata, o di kaya ay gumamit ng nail file.
Pagtulog
Sa mas maraming panahon, ang iyong anak ay matutulog lamang ng maraming oras. Narito ang dapat malaman mula sa AAP:
- Una, dapat ay walang ibang bata na katabing matulog ang sanggol sa loob ng anim na buwan. Ang pagkakaroon ng kasama sa kwarto ay ayos lamang. Ngunit dapat nasa ligtas na kuna o duyan ang bata na malapit sa kama at hindi sa kama mismo.
- Pangalawa, dapat ay walang ibang mga gamit na nasa kuna. Dapat walang unan, laruan, at ilan pang mga gamit na pantulog dahil maaari itong magdala ng panganib.
- Pangatlo, dapat na laging patulugin ang bata nang nakatihaya sa matigas na higaan at lagyan na lamang ito ng sapin.
Kalusugan At Kaligtasan Ng Sanggol
Sa kapanganakan, ang BGC (lumalaban sa tubercolosis) at bakuna laban sa Hepatitis B ay ibinibigay. Ito ay nakapaloob sa Expanded Program of Immunization. Ang bakuna laban sa Hepatitis B ay maaring ibigay kaagad bago lumabas ng ospital ang sanggol. Ito ay ibinibigay upang protesyon sa sanggol mula sa mga miyembro ng pamilya na maaring makapanghawa sa sanggol. Ito rin ay ligtas sa mga bata.
Unang Linggo Ng Sanggol: Ano Ang Pwede Kong Gawin Para Makatulong Sa Paglaki Ng Aking Anak?
Ang paminsang-minsang pagdampi sa balat ng bata ay makatutulong sa kanya. Sa unang linggo, nakaasa ang mga sanggol sa kanilang pandama dahil hindi pa sila nakakakilos. Ito ay totoo lalo na sa kanilang pang-amoy at pandama dahil sensitibo pa ang kanilang paningin.
Mga Dapat Bigyang-Pansin At Kailan Dapat Pumunta Sa Doktor
Kahit na inaasahang madalas ang pagtulog ng sanggol, ang labis na pagtulog nito ay tunay na nakakabahala rin lalo na kung sila ay nakakatulog sa oras ng pagpapasuso at nagiging matamlay hindi gaya nang una.
Kung may mga ganitong sintomas, kasabay ng paninilaw ng balat o pagkakaroon ng sinat, napakahalagang tawagan ang iyong doktor. Maaari ring magtungo sa ospital kaagad.
Ang unang linggo ay napakahalaga sa yugto ng pag-unlad ng bagong panganak na sanggol dahil ito ang panahon na halos wala pa silang kayang gawin. Nararapat na laging makipag-ugnayan sa iyong doktor at huwag mag-aatubili na humingi ng tulong kung may alalahanin.
Matuto ng higit pa ukol sa Unang Taon ni Baby dito.