backup og meta

Pagbabalat Ng Sanggol: Bakit Ito Nangyayari, At Normal Ba Ito?

Pagbabalat Ng Sanggol: Bakit Ito Nangyayari, At Normal Ba Ito?

Alam ng marami na ang mga bagong silang na sanggol ay may malambot at perpektong balat. Kaya, ang ilang mga magulang ay maaaring magulat sa pagbabalat ng sanggol pagkatapos ipanganak. Ang pagbabalat ng sanggol ay isang ganap na normal na nangyayari sa maraming dahilan. Alamin natin.

Pagbabalat Ng Sanggol

Ang balat ng bagong silang na sanggol  ay natatakpan ng protective vernix caseosa sa pagsilang. May lubricating at antibacterial features ang waxy layer na ito. 

Habang ang mga sanggol ay nag-aadjust sa isang bagong kapaligiran, ang mga rashes ay karaniwan na. Ito ay totoo lalo na sa unang apat na linggo ng pagsilang. Karamihan sa mga rashes at kondisyon ng balat na ito ay hindi nakakapinsala at nawawala sa kaunti o walang paggamot. At bagama’t normal ang mga nabanggit na kondisyon ng balat sa isang neonate, mabuti pa rin na alam ng mga magulang ang kaibahan ng rashes na harmless sa rashes na kailangang ipagamot.

Ang pagbabalat ng sanggol ay isa sa mga hindi nakakapinsalang kondisyon ng balat. Ang ibabaw na layer ng balat ng isang bagong panganak ay nawawala rin agad matapos silang ipanganak. Bahagi ito ng kanilang natural na paglaki. Maaaring mapansin ang tuyo at pagbabalat sa mga unang linggo.

Ang pagbabalat ay ang pagkawala at palit ng epidermis o ibabaw na layer ng balat. Bukod sa natural na pagbabalat, maaari rin itong mabuo resulta ng direktang pinsala sa balat tulad ng sunburn o impeksyon. Ang balat ng newborn ay maaaring natatakpan din ng pino na buhok mula sa pagsilang. Kilala bilang lanugo, ang buhok na ito sa likod at balikat ay pinakakaraniwan sa premature babies.  Karaniwang hindi ito tumatagal ng ilang linggo.

Peeling Skin Syndrome 

Kung minsan, ang pagbabalat ng sanggol ay pwede ding indikasyon ng problema sa immune system o ibang sakit. Ang mga pantal, pagkatuyo, pangangati, at iba pang problema sa balat ay maaaring resulta ng pagbabalat. Bihira sa mga bagong silang na ipinanganak lampas sa due date na makaranas ng hindi masakit na pagbabalat.

Bagama’t normal ang pagbabalat ng sanggol, ang ilang uri ay hindi. Ang peeling skin syndrome (PSS) ay isang grupo ng mga bihirang minanang sakit sa balat. Ang normal na unti-unting proseso ng invisible shedding ng outermost layer ng balat ay pinabibilis at/o pinalala sa mga kasong ito.

Hindi masakit, tuloy-tuloy na kusang pagbabalat (exfoliation), ito ay ang PSS. Ang dahilan ay ang paghihiwalay ng pinakalabas na layer ng epidermis mula sa ilalim na mga layer. Ang peeling skin syndrome ay kilala bilang keratolysis exfoliativa, congenital deciduous skin, at familial na patuloy na pagbabalat. 

Maaaring mula sa kapanganakan ang ilang mga sintomas ng peeling skin syndrome. Lumilitaw ang mga ito sa early childhood sa ibang mga kaso. Karamihan sa mga anyo ng skin peeling syndrome ay lumilitaw sa panahon ng infancy. Ang ilang mga sanggol ay nagkakaroon ng mga paltos at erosion sa kanilang mga kamay at paa.

Mga Sanhi At Paggamot Para Sa Peeling Skin Syndrome

Sa ngayon, natukoy ng mga mananaliksik ang mga genetic na pagbabago sa ilang natatanging mga gene bilang sanhi ng peeling skin syndrome. Ang lahat ng kilalang anyo ng sakit ay minana sa isang autosomal recessive pattern. Ibig sabihin ay nagmamana ng dalawang abnormal na kopya ng disease gene, isa mula sa bawat magulang. Karaniwang walang peak season para sa pagbabalat ng sanggol. Gayunpaman, ang ilang mga pasyente ay naiulat na mas malala ito sa panahon ng summer.

Ang paglalagay ng mga skin softening ointments ay ipinapayo pagkatapos maligo dahil ang balat ay basa-basa pa. Maaaring rin na pang lunas ang plain petroleum jelly o Vaseline. Ang mga gamot na nagmula sa bitamina A, tulad ng tretinoin at etretinate, ay maaari ding maging epektibo. Kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon.

Key Takeaways

Ang mga pantal at iba pang mga kondisyon ng balat ay medyo normal para sa mga bagong silang na sanggol. Bagama’t mabuti pa rin para sa mga magulang na makita ang kaibahan ng pagbabalat ng sanggol mula sa hindi karaniwang uri. Paglabas ng isang bata mula sa sinapupunan, tinatakpan ng vernix caseosa ang kanilang katawan. Ang layer na iyon ay kadalasang natutuklap agad pero maaaring mapansin pa rin sa mga unang ilang linggo pagkatuyo at pagbabalat.
Kung minsan, ang ilang mga sanggol ay maaaring magpakita ng mga sintomas ng PSS. Nangyayari ito kapag ang sanggol ay nagmana ng dalawang abnormal na kopya ng gene ng sakit. Ang mga pamahid na pampalambot ng balat, petroleum jelly, at mga gamot mula sa bitamina A ay epektibo sa pagpapaginhawa ng kanilang balat.

Matuto pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Newborn Skin: Common Skin Problems, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5574071/, Accessed January 19, 2022

Peeling skin syndrome, https://lambdastories.com/peeling-skin-syndrome-pss/, Accessed January 19, 2022

Peeling skin syndrome, https://tspace.library.utoronto.ca/retrieve/3896/dv04036.pdf,  Accessed January 19, 2022

Newborn skin care, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0146000512001255, January 19, 2022

What a newborn really looks like, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/multimedia/newborn/sls-20076309?s=4, Accessed January 19, 2022

Kasalukuyang Version

05/26/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement