backup og meta

Ika-8 Buwan Ng Development: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ika-8 Buwan Ng Development: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ngayong ika-8 buwan ng development ng iyong sanggol, alamin kung paano mo siya mas maaalagaan. Matuto pa tungkol sa 8 buwang pagkain ng sanggol, nutrisyon, at iba pang milestone

Paano Lumalaki Ang Iyong Sanggol

Sa ika-8 buwan ng development, lumaki nang husto ang iyong sanggol mula nang ipanganak siya. 

Para sa isang sanggol na lalaki, maaaring nasa pagitan sila ng 14 at 25 pounds. Habang para sa isang sanggol na babae, karaniwang tumitimbang ito ng humigit-kumulang 13 hanggang 23 pounds. Sa edad na ito, maaari mong asahan na ang tangkad ay nasa 25 hanggang 30 inches ang haba. 

Ang medyo mahiyain, palaging inaantok na bundle of joy ay medyo aktibo at mausisa. Marahil ay marami ka nang nasaksihan na mga firsts! Kabilang rito ang kanilang mga developmental milestone na nagpapahiwatig ng kanilang paglaki sa isang kahanga-hangang bata.

Developmental Milestones

Motor Skills

Para sa kanilang mga motor skill, sa ika-8 buwan ng development ay marami nang nagagawa ang iyong anak. Halimbawa, ang kanilang mga kamay, ay mas mahusay na ngayon. Maaari na rin silang magpasa ng mga bagay sa pagitan ng kanilang mga kamay. Ginagawa nitong mas masaya at kapana-panabik ang oras ng paglalaro.

Noong nakalipas na mga buwan, ang kanilang ulo ay masyadong mabigat para sa kanilang katawan upang suportahan. Ngunit sa patuloy na pagsasanay, ang kanilang mga muscle ay lumakas na. Dahil dito, nagiging mas madali sa kanila ang umupo ng walang suporta.

Madali na ngayon ang pag-roll papunta at pabalik sa kanilang likuran, kaya medyo mahirap patulugin sila kapag puno pa rin sila ng energy.

Sa edad na ito, nagagawa na nilang gumapang o natututong gawin ito. Kahit na hindi pa sila makatayo sa kanilang sarili, mas mabigat na ang kanilang mga binti. Maaari silang humawak sa muwebles at humila upang tumayo, at “matalbog” kapag sila ay nakatayo nang tuwid.

Paningin

Pagdating sa kanilang sense of sight, sa ika-8 buwan ng development ay nakakakita ng mabuti sa kabuuan ng kanilang silid. Sa edad na ito, ang kanilang paningin ay malapit na sa isang may sapat na gulang, kaya ang pagkilala sa mga mukha, hugis, kulay, at iba pang mga bagay ay medyo madali para sa kanila.

Malinaw na nilang nakikilala ang mga mukha, alam na nila kung sino ang nagpapasaya sa kanila o kung sino ang hindi pamilyar o nakakatakot para sa kanila. Kaya, makikita mo silang ngumiti o tumawa sa mga taong kilala nila, o lubos na nangangamba sa mga hindi nila nakikilala. 

Gustung-gusto nilang tingnan ang kanilang sarili sa isang salamin at nabighani sa kanilang sariling galaw at mukha.

Pagsasalita

Ang kanilang pag babble ay lubos na bumuti. Mula sa mga hindi maintindihang tunog, siya ay maaari na ngayong magparinig ng mas malinaw na mga tunog ng patinig kapag sila ay “nakipag-usap” sa mga tao. Ang mga unang tunog ng katinig na natutunan nilang gawin ay ang mga tunog na “m” at ang “b”, kaya ang unang salita ng iyong sanggol ay malamang na “mama.”

Sa edad na ito, alam na nila mag respond sa kanilang pangalan. Naiintindihan na nila ngayon ang ilang mga basic words, tulad ng mga pangalan ng kanilang mga laruan, halimbawa, o kanilang bote o kumot.

Attachment

Sa edad na ito, malamang na nakabuo na sila ng familiarity o bond sa mga taong laging kasama nila. Karaniwang nakikita silang bumabalik sa kanilang tagapag-alaga, o tumalikod sa isang estranghero. Maaari rin silang tumugon sa mga damdamin ng ibang tao, karamihan ay may kaligayahan o kalungkutan. 

Kung magkukunwari ka na umiiyak, malamang sasabayan ka din nila umiyak. Naiintindihan na nila ngayon ang konsepto ng “sanhi at epekto,” lalo na sa kanilang mga laruan, pagkain, at iba pang bagay na gusto nila.

Pagpapakain At Nutrisyon

Ang iyong sanggol sa ika-8 buwan ng development ay may mas maraming mapagpipiliang pagkain kumpara noong mas bata pa sila. Hindi na lamang sila nabubuhay sa gatas, at nakasubok na ngayon ng ilang solid food.

Sa mas mahusay na paggamit ng kamay, natututo din silang humawak ng mga gamit at pakainin ang kanilang sarili nang paunti-unti. Sa una, magiging napakagulo kung hayaan silang kumain nang mag-isa, dahil malamang na paglalaruan muna nila ang kanilang pagkain, gaya ng gagawin nila sa lahat ng kanilang mahawakan. 

Ngunit mapapansin mo na kapag mas hinahayaan mo silang “pakainin” ang kanilang sarili, mas natututo silang hawakan nang maayos ang maliliit na pagkain. Matututo silang humawak ng mga hiwa ng prutas, pasta, o kahit na peas.

Pagdating sa 8 buwang pagkain ng sanggol, maaari sumubok ng iba’t-ibang lasa para sa iyong lumalaking sanggol. Gayunpaman, para sa iba’t ibang pagkain, kahit na sinimulan mo silang pakainin ng mga solid food, dapat pa ring samahan ng mga pagkaing malambot. Ang mga inirerekomendang uri ay mga maaari nilang nguyain gamit ang kanilang mga gilagid, tulad ng malambot na tinapay, cubes ng keso, abukado, saging, baked fish, bola-bola, at iba pa.

Tandaan na may mga 8 buwang pagkain ng sanggol na dapat mong iwasan. Huwag bigyan ng hilaw na pasas at siguraduhin na ang peas ay maayos na nadurog. Ang mga hilaw, matigas na prutas at gulay ay hindi mabuti para sa kanila, at hindi talaga sila makakain ng maayos sa malalaking tipak ng karne ng baka, baboy, o kahit na manok. 

Mga Tip Sa Pag-Aalaga Ng Sanggol

Pagtulog

Karaniwan para sa ika-8 buwan ng development na matulog nang humigit-kumulang 13 hanggang 14 na oras araw-araw. Ang tanging mabuti ngayon ay mayroon silang regular at predictable pattern ng mga naps. Ang karaniwang nap ay 2 hanggang 3 oras. Ngunit kapag hindi sila aktibo, karaniwan na sa kanila ang maidlip sa kanilang crib.

Gayundin sa edad na ito, malamang na magpakita sila ng separation anxiety. Mas karaniwan ito sa kanilang mga ina at pangunahing tagapag-alaga. Ito ay maaaring tumagal hanggang sila ay 2 taong gulang, at ang karaniwang senyales ay sila ay umiiyak sa tuwing sila ay mahihiwalay.

Ito ay maaaring nakakabahala para sa mga first-time parents. Pero malamang na matutuklasan mo na paglaon ay mabilis rin silang madistract sa mga laruan.

Kalusugan At Kaligtasan Ng sanggol

Upang matulungan ang sanggol sa ika- 8 buwan ng development na lumaki ng maayos, dapat may sapat na oras na ma-stimulate ang kanilang talino.

Kausapin ang iyong sanggol, hayaan silang magsalita kasama ng iyong mga salita dahil ito ang kanilang paraan ng “pag-uusap.” Paunti-unti, makakatulong ito sa kanilang vocabulary.

Makipaglaro sa kanila gamit ang kanilang mga laruan, ang iyong mga paa, gumawa ng mga nakakatawang tunog, at subukang patawanin sila. Mahusay silang tumutugon sa iyong kaligayahan, at ito ay nagpapadama sa kanila na mahal sila. Hayaang gumalaw at mag-explore, ngunit tiyaking magbigay ng ligtas at baby-proofed na kapaligiran para makagalaw.

Sa puntong ito, mahalagang panoorin nang mabuti kung paano mag improve ang kanilang mga pandama. Suriin kung hindi sila nakikipag-eye contact o sumusunod sa mga gumagalaw na bagay. Pansinin kung sila ay nagba-babble o gumagawa ng mga ingay kahit na sila ay nag-iisa. Obserbahan kung lumilingon sila patungo sa mga pinagmumulan ng mga tunog o boses ng mga tao.

Suriin din ang kanilang  motor development, tulad ng pag-ikot o pag-upo nang mag-isa. Tingnan kung pabor sila sa isang bahagi ng kanilang katawan, tulad ng paggamit ng isang kamay nang higit pa kaysa sa isa.

Key Takeaways

Sa ika-8 buwan ng development, natututo na ngayon ang iyong sanggol na maging mas independent. Kahit na ang kanilang pagkilos ay limitado pa rin. Sila ay lumalakas nang husto sa nakalipas na ilang buwan at ang pag-upo ay kaya na nila ngayon. Ang pagbibigay sa kanila ng tamang 8 buwang pagkain at nutrisyon ay napakahalaga. 
Mas curious na sila ngayon, at habang bumubuti ang kanilang sense, susubukan nilang mag-explore at matuto nang higit pa tungkol sa mundo nang mag-isa.

Matuto pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your baby’s first solid foods, https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/solid-foods-weaning/, Accessed July 13, 2020

Your eight-month old’s development, https://www.babycentre.co.uk/a725/your-eight-month-olds-development, Accessed July 13, 2020

8-9 Months: Baby Development, https://raisingchildren.net.au/babies/development/development-tracker-3-12-months/8-9-months, Accessed July 13, 2020

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement