Isa sa pinakamagandang bahagi ng pagiging isang magulang ay makita ang iyong newborn baby na lumaki sa harap mo mismo. At maaari kang matuwa sa mga darating na araw dahil makikita mo ang growth spurt sa ika-3 linggo ni baby.
Sa pagsunod mo sa paglaki ni baby, masasabi mo agad kung may mali at makokonsulta mo agad ang kanyang pediatrician. Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga baby ay lumalaki sa parehong bilis. Bagama’t may mga guidelines sa kanyang paglaki, ang ilang mga baby ay lumalaki nang mas mabilis o mas mabagal kaysa sa iba.
Maliban kung may sinabi ang doktor na dapat ikabahala, huwag mai-stress tungkol sa kung huli o mabilis ang paglaki. Ngunit, magandang sabihin ang iyong mga obserbasyon sa doktor sa tuwing dadalhin mo si baby para sa regular na check-up.
Paano Lumalaki Ang Iyong Sanggol?
Sa susunod na mga araw, asahan ang growth spurt sa ika-3 linggo ni baby. Ang newborn baby ay patuloy na lumalaki nang husto sa kanilang unang buwan, kaya asahan na ang iyong tatlong linggong gulang na baby ay magmukhang mas malaki kaysa sa una at ikalawang linggo.
Sa karaniwan, ang iyong sanggol ay bibigat ng 20 hanggang 30 gramo bawat araw at lumalaki ng 1.5 hanggang dalawang inches sa unang buwan. Tandaan na hindi lahat ng sanggol ay isinilang na may parehong timbang at taas, kaya maaaring mas maliit o mas mabigat ang iyong sanggol kaysa sa ibang mga sanggol na kaedad niya.
Ang isang male newborn baby sa 2.5 na linggo ay karaniwang may circumference ng ulo na 39.21 sentimetro, habang ang isang female newborn baby sa parehong edad ay magkakaroon ng average na 37.97 sentimetro.
Developmental Milestones
Sa panahon ng growth spurt sa ika-3 linggo ni baby, siya ay magiging mas aktibo at alerto. Narito ang kanilang mga developmental milestone:
Motor Skills
Ang mga three-week-old newborns ay magkakaroon ng higit na kontrol sa muscles, ibig sabihin ang kanilang mga paggalaw at reflexes ay magiging mas maganda. Baka sumipa pa sila at itapon ang kanilang mga kamay. Ngunit ito ay magiging mas maalog at kapansin-pansin kaysa sa kanilang mga naunang paggalaw.
Gayunpaman, hindi mo maaaring asahan na ang iyong baby ay magkaroon ng lakas na kumilos nang napakahusay sa kanilang sarili. Kaya importanteng suportahan ng maayos ang baby kapag kinakarga mo o binibigyan ng tummy time.
Ang supervised tummy time sa araw ay makakatulong sa kanila na magsanay i-angat at suportahan ang kanilang ulo. Kaya nang itaas ng ilang mga baby ang kanilang mga ulo ng 45 degrees kapag naka dapa at nasa kanilang tiyan. Kung mas maraming oras ang ibibigay mo sa kanila, mas mabilis nilang maiaangat at masusuportahan ang kanilang mga ulo.
Ang tummy time ay maaari ring makatulong iwasan na ma-flat ang ulo.
Cognitive
Sa growth spurt sa ika-3 linggo ni baby masusundan niya ang mga laruang iwawagayway sa harap niya habang bumubuti ang kanyang paningin at kakayahang mag-focus. Mas makakapag-concentrate na rin sila sa oras na ito.
Bilang karagdagan, handa na sila ngayon para sa mas kumplikadong mga hugis. Ang pagpapakita sa kanila ng higit pang mga laruan na may mas maraming kulay ay madaling makakaakit ng kanilang pansin at maaliw sila. Ngunit higit sa lahat, gustung-gusto nilang tingnan ang mga mukha. Kaya bigyan sila ng mas maraming oras para tingnan ka, na makakatulong din sa kanila na matandaan ang iyong mukha.
Sa growth spurt sa ika-3 linggo ni baby, maaari ka ring magsimulang mag make faces at susubukan nilang kopyahin ang iyong mga galaw.
Communication And Language Skills
Ang newborn babies ay iiyak bilang isang paraan upang makipag-usap sa iyo at ipaalam sa iyo na sila ay nagugutom o na sila ay hindi komportable. Ngunit maliban doon, hindi sila makakapag-communicate nang maayos sa iyo at bihira pa silang makagawa ng iba pang mga tunog.
Social And Emotional Development
Sa panahon ng growth spurt sa ika-3 linggo ni baby, maraming iba pang development. Habang bumubuti ang kanilang paningin at utak, madalas nilang titingnan ang iyong mukha at dahan-dahang magsisimulang kabisaduhin ito. Ang bonding ay lubhang mahalaga sa panahong ito.
Pagpapakain At Nutrisyon
Hangga’t maaari, pasusuhin ang iyong sanggol. Mas maraming bitamina at nutrients sa breastmilk, at makakatulong ito sa iyong makatipid ng pera sa formula milk. Naniniwala rin ang mga eksperto na ang pagpapasuso ay nagpapatibay sa emosyonal na ugnayan sa pagitan ng ina at anak.
Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga ina ay nakakagatas kahit na pagkatapos ng panganganak. Mayroon ding mga nagkakaroon ng gatas, pero hindi sapat para pakainin ang kanilang mga sanggol.
Sa pamamagitan nito, kailangan nilang umasa sa formula milk at milk bottles. Pagdating sa pagpili ng tamang formula milk, maaari mong tanungin ang iyong pediatrician para sa pinakamahusay na mga pagpipilian depende sa kung ano ang kailangan ng iyong anak sa panahon ng 3 linggong paglaki.
Mahalaga rin na matiyak na ang iyong sanggol ay dumidighay pagkatapos ng pagpapakain. Paano ito gagawin: Dahan-dahang kargahin ang baby at ilapat sa iyong balikat, tiyaking may suporta ang kanilang mga ulo.
Baby Care Tips
Ang mga sanggol ay nangangailangan ng pangangalaga 24/7 upang matiyak na sila ay ligtas, komportable, pinakakain, at malusog. Karamihan sa mga sanggol, sa ika-3 linggo ni baby, ay natutulog ng 16-18 oras sa isang araw. Magigising lamang sila sa ilang partikular na oras para kumain at maaaring maglaro ng kaunti.
Umbilical Cord At Pagpapalit Ng Diaper
Maraming mga sanggol sa ikatlong linggo ay meron pa rin ng kanilang umbilical cord stump, pero dapat ay halos tuyo na ito sa ngayon. Huwag subukang tanggalin ang cord. Dapat itong mahulog sadya kapag ito ay tuyo na. Sa karamihan ng mga kaso, ang stump ay mahuhulog sa ikatlong linggo.
Noon, tinuruan ang mga magulang na linisin ang stump gamit ang rubbing alcohol pagkatapos ng bawat pagpapalit ng diaper. Ngunit ngayon, natuklasan ng pananaliksik na ang alkohol ay pumapatay ng (good) bakterya na maaaring makatulong sa pagpapatuyo at paghiwalay ng stump. Kaya, pinapayuhan ngayon ang mga magulang na ilantad ang pusod at tiklupin ang harap ng lampin para mahanginan at mabilis matuyo ang stump.
Kalusugan At Kaligtasan Ng Sanggol
Ang mga sanggol ay may mga health record book na kasama ang iskedyul ng pagbabakuna pati na rin kung kailan ang iskedyul ng kanilang mga regular na check-up. Mahalagang sundin ang mga appointment ng doktor kahit na ang iyong sanggol ay mukhang malusog.
Tandaan na hindi masasabi sa iyo ng mga sanggol kung ano ang masakit at kung masama ang pakiramdam nila. Kaya regular na suriin ang kanilang temperatura at ang kanilang mga katawan para sa anumang mga palatandaan ng sugat o pinsala. Gayundin, maging maingat sa mga sintomas ng mga karaniwang sakit tulad ng lagnat at ubo.
Pagdating sa kanilang kaligtasan sa bahay, siguraduhin na sila ay palaging inaalagaan at inilalagay sa isang ligtas na lugar, lalo na sa mga crib at diaper table. Pumili ng mga de-kalidad na materyales at produkto at palaging sundin ang safety instructions.
Paliligo
Marahil ang pinakamahirap na bahagi para sa ilang mga magulang ay ang pagpapaligo sa kanilang bagong silang na anak.
Huwag paliguan ang iyong newborn sa isang bathtub. Gumamit ng plastic tub na kasya sya. Maaari mo ring gawin ito sa lababo sa kusina, siguruhin lang na malinis. Palaging suportahan ang ulo at tiyaking mahigpit ang hawak, lalo na kapag ibinaba mo siya sa tubig, mga paa muna. Siguruhing gumamit ng gentle na mga produkto at maligamgam, malinis na tubig.
Ano Ang Maaaring Gawin Para Makatulong Sa Growth Spurt Sa Ika-3 Linggo Ni Baby?
Sa linggong ito, makikita mo ang paglaki ni baby, matutulungan mo siya na lumaki nang maayos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ligtas at malusog na espasyo para lumaki. Ibig sabihin, dapat mo ring baguhin ang iyong pamumuhay kung ikaw ay naninigarilyo at umiinom.
Bukod pa rito, siguraduhing pinapakain sila ng maayos at regular. Kakailanganin nila ang lahat ng tulog na maaari nilang makuha upang matulungan silang lumaki, kaya ang iyong lugar ay dapat maging komportable, tahimik, at ligtas.
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?
Ang colic ay mas karaniwan sa mga sanggol sa panahon ng growth spurt sa ika-3 linggo ni baby, at ito ay isang kondisyon na gusto mong talakayin sa isang health expert. Bagama’t ang karamihan sa mga sanggol ay mas umiiyak sa kanilang unang tatlong buwan, ang colic ay ibang sitwasyon.
Ang colic ay ang hindi mapigil na pag-iyak ng isang malusog na sanggol, at ito ay may iba-ibang marahil na dahilan. Naniniwala ang mga eksperto na ang colic ay nakakaapekto sa 8% – 40% ng mga sanggol. Malalaman mo na ito ay colic kapag ang iyong sanggol ay umiiyak ng tatlong oras sa isang araw, nang hindi bababa sa tatlong beses sa isang linggo, sa loob ng tatlong linggo.
Ang pagkakaroon ng bagong silang na sanggol ay lubhang mahirap. Ang growth spurt sa ika-3 linggo ni baby ay mabilis at makikita mo ang mabilis na pagbabago sa mga gawi at paglaki ng iyong sanggol.
Matuto pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito.