backup og meta

Development milestones sa ika-6 na buwan: Heto ang dapat malaman

Development milestones sa ika-6 na buwan: Heto ang dapat malaman

Naabot na ng iyong baby ang kanyang development milestones sa ika- 6 na buwan, kaya dapat kang mag-celebrate! Dahil nasa kalagitnaan na siya ngayon ng unang kaarawan.

Paano Lumalaki ang Iyong Sanggol

Ang development milestones sa ika-6 na buwan, karamihan sa mga sanggol ay madodoble ang birth weight! Kung saan ang mga lalaki ay karaniwang tumitimbang ng humigit-kumulang 13 – 23 pounds, at may sukat na 24 – 29 inches. Habang ang mga batang babae ay maaaring mas magaan ng isang pound at mas maikli ng isang inch.

Maaaring bumagal nang kaunti ang rate ng paglaki ng sanggol, ngunit magbabago din agad. Ito ay dahil ang ika-6 na buwan ay panahon na ang mga sanggol ay pinapakain ng solid food.

Development milestones sa ika-6 na buwan

Tandaan mo na ang mga mas batang sanggol ay natututo pa lang ng pagkontrol sa kanilang mga katawan, kung ikukumpara sa batang nasa 6 na buwang gulang, dahil sila ay nagiging mas physically active sa panahong ito.

Isa sa mga development milestones sa ika-6 na buwan ay mas nasusuportahan na ang kanyang timbang. Kaya’t kaya na niyang gumulong sa kanyang likod o tiyan, at maupo kahit na walang suporta. Ang ilang mga sanggol ay maaaring magsimulang gumapang, o magpabalik-balik habang nakadapa.

Maraming mga sanggol din ang nasisiyahan sa pagtayo habang inaalalaya. Maaari silang pumadyak pataas at pababa. Ang patalbog na paggalaw na ito ay nakakatulong na palakasin ang mga muscles sa binti bilang paghahanda sa paglalakad. 

Motor Skills

Magsisimula ring gumanda ang motor skills sa panahong ito. Nagsisimula ring mawala ang grasp reflex na mayroon sila noong mas maliit pa at nagiging mas may malay sa mundo.  Aabot sila ng mga bagay na hindi maabot at hahawakan ang mga nasa malapit. Maaari din matutunan kung paano ipasa ang mga bagay mula sa isang kamay patungo sa isa pa.

Vision

Ang bagong natuklasang interes na ito sa paghipo at paghawak ng mga bagay ay nauugnay din sa pag-unlad ng paningin at mas mahusay na pagkilala sa kanilang kapaligiran. Ang kanilang paningin ay umaabot sa 20/60 hanggang 20/40, kaya ang mga sanggol ay mas titingin sa paligid, susundan ang paggalaw, at susubukang kopyahin ang mga aksyon na nakikita nila. Nagsisimula rin nilang makilala ang mga pamilyar na mukha at natututong makilala ang mga tao. Maaari silang matakot at umiyak kapag hindi kilala ang kaharap.

Baby Talk

Isa sa mga mas kapana-panabik na development milestones sa ika-6 na buwan na dadaanan ng iyong sanggol ay ang kanilang mas mataas na kamalayan at nais na makipag-usap. Kasama sa kanilang natututunan ang kakayahang hanapin at kilalanin ang mga tunog at pag-react sa mga ito gamit ang mga vocalization. Ang pagdaldal ng sanggol ay karaniwang may kasamang monosyllabic na patinig na tunog (“ah” at “eh”) pati na rin ang mga tunog ng katinig (“m” o “b”). Maaaring mayroon din silang mga partikular na tunog upang ipahayag ang mga emosyon tulad ng kaligayahan.

Pagpapakain at Nutrisyon

Ang gatas ng ina at formula ay ang pangunahing pinagkukunan ng nutrisyon, kaya ituloy lang at  sundin ang parehong iskedyul ng pag-aalaga at pagkain. Maaari mong dahan-dahang simulan ng mga solid food ang iyong sanggol, pero tandaan na sila ay nag-a-adjust pa rin at maaaring kumain lamang ng ilang kutsara kung minsan.

Bago magsimula ng solid food, tingnan muna ang mga physical indicators. Ang iyong sanggol ay handa na kung maaari niyang panatilihing diretso ang kanyang ulo, umupo nang tuwid na may suporta, at lumulunok.

Maaaring sa una ay tanggihan ng mga sanggol ang bagong pagkain o i-luwa ito. Ipagpatuloy ang pagbibigay ng parehong pagkain nang ilang beses bago lumipat sa bago. Nakakatulong ito na maging pamilyar sa mga lasa, pati na rin madaling makilala ang mga allergens kung sakaling magkaroon ng masamang reaksyon.

Allergy sa Pagkain

Hinihikayat ng American Academy of Pediatrics ang pagpapakilala ng mga karaniwang allergenic na pagkain tulad ng mga mani (ginawa sa malambot na mantikilya) upang makatulong na maiwasan ang pagbuo ng mga allergy sa pagkain. Kung ang iyong pamilya ay may malakas na history ng mga allergy sa pagkain, kumunsulta sa iyong pediatrician upang suriin kung ang iyong anak ay madaling magka allergy. 

Pakainin ng mga mashed o dinurog na pagkain na madaling lunukin. Siguraduhing tanggalin ang anumang mga buto at iba pang posibleng panganib na mabulunan. Ang mga sanggol ay madalas na gusto ng matamis na pagkain, ngunit iwasan ang pagbibigay sa kanila ng anumang bagay na may asukal o asin. Ang pagbibigay ng fruit juice at gatas ng baka ay hindi rin hinihikayat hanggang sa umabot ang sanggol sa kaniyang unang taon.

Mga Tip sa Pag-aalaga ng Sanggol

Ngipin

Ang mga unang ngipin ng sanggol ay maaaring magsimulang lumitaw sa anim na buwan, ngunit maaari mong simulan ang “pagsipilyo ng kanilang mga ngipin” bago pa man sila lumabas. Hinihikayat ng American Academy of Pediatric Dentists ang paglilinis ng gilagid hangga’t maaari.

Ang mga magulang ay maaaring gumamit ng malambot, malinis na tela o gasa upang punasan ng marahan ang mga gilagid at ngipin. Mayroon ding mga finger brush at baby toothbrush na may napakalambot na bristles. Maglagay ng kaunting tubig o konting baby-safe fluoride toothpaste sa toothbrush.

Pagtulog

Isa sa development milestones sa ika-6 na buwan na inaasahan: Karamihan sa mga 6 na buwang gulang ay natutulog sa magdamag at natutulog sa araw. Maaari silang patuloy na biglang magising kung hindi sila komportable sa pagngingipin o nasusuka. Ngunit pwedeng iwasan ang pagpapakain gabi-gabi  bago ang oras ng pagtulog. Ang mga sanggol ay maaari ring matulog nang mas mahusay kapag nagsimula sila ng mga solid na pagkain dahil sila ay busog nang mas matagal.

Habang ang mga sanggol na nasa ganitong edad ay maaaring gumulong habang natutulog, maaaring ihinto ang paglalapin. Panatilihing minimum ang mga accessory sa kama tulad ng mga unan, kumot, at mga laruan.

Kalusugan at Kaligtasan ng Sanggol

Mga Pagbabakuna

Sa development milestones sa ika-6 na buwan, inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention na kumpletuhin ng mga sanggol ang mga sumusunod na pagbabakuna:

  • Hepatitis B
  • Rotavirus
  • Diphtheria, tetanus, at acellular pertussis (DTaP)
  • Pneumococcal
  • Polio
  • Haemophilus influenza
  • Influenza

Mga Dapat Pag-ingatan at Pagpapatingin sa Doctor

Ang ilang mga sanggol ay maaaring tumagal ng kaunti na maabot ang development milestones sa ika-6 na buwan, ngunit ito ay hindi dapat ipag-alala. Gayunpaman, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor kung ang iyong sanggol ay nagpapakita ng ilang mga pag-uugali:

  • Hindi nakikipag-eye contact o nagpapakita ng interes sa mga tao
  • Hindi tumutugon sa mga tunog o nagtatangkang gumawa ng mga tunog
  • Halos hindi tumatawa o nagpapakita ng kaligayahan
  • Hindi sinusubukang gumulong, gumapang, o umabot sa mga bagay
  • Hindi tumataba

Kahit na ang pag-abot sa mga milestone na ito ay mahalaga, ang factors tulad ng premature birth ay maaaring maging sanhi ng mga pagkaantala. Makipag-usap sa iyong pediatrician tungkol sa developmental screening para hindi mag-alala. Kung hindi, hayaang lumaki ang iyong sanggol sa sarili nilang bilis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Developmental milestones record – 6 months, https://medlineplus.gov/ency/article/002008.htm, Accessed June 20, 2020

Your six month old’s development, https://www.babycentre.co.uk/a721/your-six-month-olds-development, Accessed June 20, 2020

Early introduction of allergenic foods may prevent food allergy in children, https://www.aappublications.org/content/34/2/13, Accessed June 20, 2020

Recommended Child and Adolescent Immunization Schedule for ages 18 years or younger, United States, 2020, https://www.cdc.gov/vaccines/schedules/hcp/imz/child-adolescent.html, Accessed June 20, 2020

Important Milestones: Your Baby by Six Months, https://www.cdc.gov/ncbddd/actearly/milestones/milestones-6mo.html, Accessed June 20, 2020

Kasalukuyang Version

01/22/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement