backup og meta

3 Posibleng Dahilan Ng Pagmumuta Ng Mata Ng Bata

3 Posibleng Dahilan Ng Pagmumuta Ng Mata Ng Bata

Mahalaga sa mga first-time parents na alamin ang posibleng maging problema ng mga newborn babies. Siyempre, alam rin dapat nila kung paano ito gagamutin. Ang isa sa mga karaniwang kondisyon na ito ay ang pagmumuta ng mata ng bata.

Bakit nga ba ito nangyayari sa mga bata? Paano ito nagagamot, at ano ang magagawa ng mga magulang upang makaiwas dito si baby?

Ano ang pagmumuta ng mata ng bata?

eye infection treatment

Ang pagmumuta ng bata ay nangyayari kapag naiipon ang muta sa mata. Normal itong nangyayari, lalo na sa mga bagong silang na sanggol. Ngunit para sa mga first-time na magulang, minsan ay nakakabiglang makita na puno ng muta ang mata ng iyong baby.

Hindi dapat ipag-alala ang pagkakaroon ng muta sa mata. Pero mayroon ring ilang pagkakataon na kinakailangan itong ipatingin sa doktor.

Ano ang posibleng dahilan?

Heto ang ilang posibleng dahilan ng pagmumuta ng mata ng bata:

Normal na discharge

Ito ang dahilan para sa karamihan ng kaso ng pagmumuta ng bata ng bata. Tinatayang nasa 5%-10% ng mga bagong silang na sanggol ay mayroong blocked tear ducts. Ang karaniwang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng undeveloped na tear duct na naaayos rin pag lumaki na ang bata.

Dahil sa tear ducts na ito, naiipon ang discharge at nagiging muta.

Hindi naman kailangan ipagamot ang ganitong kondisyon, pero may ilang bagay na maaaring gawin para komportable si baby.

Una, puwedeng maglagay ng warm compress sa mata ni baby para maibsan ang blocked ear ducts. Siguraduhin lamang na malinis ang iyong mga kamay pati ang warm compress na gagamitin.

Ang naipon na muta naman ay maaaring tanggalin gamit ang bulak na may kaunting distilled o pinakuluang tubig. Dahan-dahan itong ipahid sa mata ni baby hanggang matanggal ang muta.

Conjunctivitis o sore eyes

Ang isa pang posibleng dahilan para sa pagmumuta ng mata ng bata ay ang conjunctivitis, o sore eyes. Nangyayari ito kapag nagkaroon ng irritation ang mata ni baby, o kaya ay mayroong bacterial infection.

Kung dahil as irritation ang sore eyes, naiibsan ang sakit nito sa pamamagitan ng paglagay ng warm compress. Pero kung ito ay dahil naman sa infection, mas kinakailangan itong ipatingin sa doktor. Ito ay dahil hindi basta-basta ang mga bacterial infection sa baby.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ang tipikal na ginagawa dito ng mga doktor ay nagrereseta ng mga antibiotics na maaaring inumin ni baby, o kaya ipinapahid mismo sa mata. Nakakatulong ito upang labanan ang infection, at para rin hindi kumalat ang bacteria sa katawan.

Kapag may sore eyes ang iyong baby, siguraduhin na malinis palagi ang kanilang mata. Ito ay upang mapabilis ang paggaling, at hindi lumala ang kanilang sore eyes.

Dumi o alikabok sa mata

Nangyayari rin ang pagmumuta ng mata ng bata kung malagyan ng dumi o alikabok ang kanilang mata. Kapag nangyari ito, puwedeng gumamit ng cotton buds upang dahan dahan na tanggalin ang dumi sa mata. Siguraduhing malinis ang cotton buds pati ang iyong mga kamay kung gagawin ito.

Kailan dapat tumawag sa doktor?

biopsy test

Mayroong mga sitwasyon kung saan kinakailangan nang itawag sa doktor ang pagmumuta ng mata ng bata. Heto ang ilan sa mga ito:

  • Kapag mayroong nana at hindi muta sa pilikmata at talukap ng mata ni baby
  • Nana na nanggagaling mismo sa mata
  • Magkadikit ang mga pilikmata pagkagising
  • Mukhang namamaga ang mga mata ni baby
  • Kapag sila ay nilalagnat o kaya ay mukhang may sakit
  • Kung masakit na masakit ang kanilang mata

Kapag nakaranas ng ganitong sintomas ang iyong baby, mainam na tumawag na sa doktor. Ito ay upang maagapan agad kung ano man ang sanhi ng mga sintomas na ito.

Mahalagang Paalala

Normal ang pagmumuta ng mata ng bata, at hindi ito dapat ikabahala ng mga magulang. Ngunit hindi rin naman nito ibig sabihin na dapat itong balewalain, lalo na kung mayroong iba pang nararamdamang sintomas ang iyong anak. Mahalagang sundin ang mga tips sa taas upang masiguradong safe ang mata ng iyong baby.

Alamin ang tungkol sa Baby Care dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Eye – Pus or Discharge, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/eye-pus-or-discharge/, Accessed April 26, 2021
  2. Pink Eye (Conjunctivitis) in Newborns | CDC, https://www.cdc.gov/conjunctivitis/newborns.html, Accessed April 26, 2021
  3. Common childhood illnesses and wellbeing, http://childhealthwestkent.nhs.uk/sticky-eyes.html, Accessed April 26, 2021
  4. Sticky eye, https://www.hct.nhs.uk/media/1913/sticky-eye.pdfhttps://www.pregnancybirthbaby.org.au/sticky-eye, Accessed April 26, 2021
  5. Sticky eye | Pregnancy Birth and Baby, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/sticky-eye, Accessed April 26, 2021

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pagiging Banlag at Duling: Ano ang Ibig Sabihin ng Strabismus?

How Too Much Screen Time Affects Kids' Eyes


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement