backup og meta

Agarang Pag-Aalaga Sa Bagong Panganak: Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin

Agarang Pag-Aalaga Sa Bagong Panganak: Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin

Isa sa mga nakamamanghang karanasan sa buhay ay ang panganganak. Ang mga nangyayari sa sanggol matapos ang labor ay lubhang iba-iba batay sa paraan ng panganganak, at kung gaano kabilis nakaa-adapt ang sanggol sa buhay sa labas ng sinapupunan. Alamin sa artikulong ito kung ano ang dapat malaman ng mga magulang tungkol sa agarang pag-aalaga sa bagong panganak.

Essential Intrapartum and Newborn Care (EINC) o Unang Yakap

Sa Pilipinas, ang agarang pag-aalaga sa bagong panganak ay tinatawag na Essential Intrapartum and Newborn o Unang Yakap.

Ang kondisyon ng isang bagong silang na sanggol ay dapat agad na bantayan matapos itong maipanganak. Narito ang ilang mga payo tungkol sa agarang pag-aalagang kinakailangan ng bagong silang na sanggol upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng sanggol sa mga unang oras buhay nito.

Pag-aalaga sa bagong panganak: Dapat Gawin

Matapos maisilang ang sanggol, ang doktor ay agad na magsasagawa ng Apgar Score, isang napakasimpleng pagsusuri na isinasagawa ng mga bagong silang sa una hanggang ikalimang minuto bago maipanganak. Susuriin ng doktor, midwife, o nars ang paghinga, tibok ng puso, reflexes, at kulay ng balat ng sanggol.

Ang 1-minutong scoring ay kinakalkula upang mataya ang operasyon ng panganganak. Makikita naman sa 5-minutong score ang kalagayan ng sanggol sa labas ng sinapupunan ng ina. Subalit minsan, ang pagsusuring ito ay isinasagawa sa loob ng 10 minuto matapos maipanganak ang sanggol, depende sa sitwasyon.

Matapos ito, isasagawa ang Unang Yakap, na binubuo ng 4 na hakbang: agad na pagpapatuyo sa sanggol, balat sa balat na kontak, pag-antala sa pagputol ng umbilical cord, at pagpapasuso.

1. Agad Na Pagpapatuyo Sa Sanggol At Skin-To-Skin Contact

Matapos normal na maipanganak, kinakailangang agad na patuyuin ang sanggol at saka gawin ang skin-to-skin contact. Napananatili ng balat sa balat na kontak ang mainit-init na temperatura ng sanggol. Gayundin, sa pamamagitan nito ay agad na nagkakaroon ng bond ang mag-ina. Dagdag pa, nakatutulong din ito sa pagpapanatili ng cardiac pace at paghinga ng sanggol.

Nakatutulong ang mga simpleng aksyong ito upang mabawasan ang pag-iyak ng bagong silang na sanggol at ang pagpapasuso. Ito rin ay nakapagpapanatili ng temperatura ng katawan. Matapos ang unang yakap, ang sanggol ay dadalhin sa nursery para sa mga sumusunod:

  • Anthropometric measurements (timbang, haba, at laki ng ulo)
  • Paglilinis. Ang sanggol ay lilinisin upang tanggalin ang sobrang dugo o anomang mayroon sa balat ng sanggol.
  • Pisikal na pagsusuri
  • Pagsusuri sa patency ng puwit
  • Wastong prophylaxis (gamot o bakuna)

2. Pag-Antala Sa Pagputol Ng Umbilical Cord

Hindi agad na pinuputol ng doktor ang umbilical cord ng sanggol. Sa halip, hinahayaan lamang nila ito sa loob ng ilang saglit upang ang dugo mula rito at sa placenta ay dumaloy papunta sa sanggol.

3. Pagpapasuso

Kung ang sanggol ay agad na pinasuso matapos maipanganak, siya ay may pinakamataas na tyansa ng pagkabuhay, pagdebelop, at pagtamo ng kanyang pinakapotensyal.

Naniniwala ang mga eksperto na dapat pasusuhin ng mga ina ang mga sanggol sa unang anim na buwan o higit pa, sa lalong madaling panahong matapos maipanganak. Ang pagpapasuso agad na matapos maipanganak ay may mga mabubuting epekto sa sensory at kognitibong paglaki ng sanggol. Gayundin, nakapagpapababa ito ng tyansa ng pagkakaroon ng parehong nakahahawa at malulubhang mga sakit.

pag-aalaga sa bagong panganak

Mga Dapat Iwasan

1. Iwasang Hawakan Ang Sanggol Nang Maruming Kamay

Kabilang sa agarang pag-aalaga sa bagong panganak ay ang mabuting hygiene sa hawak ng sinomang hahawak sa sanggol. Upang mabawasan ang impeksyon, kinakailangang maghugas muna ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Kada taon, halos 28% ng 3 milyong pagkamatay sa mga bagong silang na sanggol ay dulot ng mga impeksyon.

Karamihan sa mga impeksyong ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng mabuting kaugalian sa paghuhugas ng kamay ng mga taong nasa paligid ng sanggol habang nasa yugto ng neonatal.

2. Ilayo Ang Sanggol Sa Mga Taong May Sakit

Ang mga sanggol ay may hindi pa debelop na immune systems, kaya naman mas madali silang magkasakit mula sa mga impeksyon.

Bilang bahagi ng agarang pag-aalaga sa bagong panganak, ang mga taong may lagnat, ubo, masakit na lalamunan, o tumutulong sipon ay kinakailangang lumayo muna sa sanggol. Tandaan na ang mga taong may mga nakahahawang sintomas sa unang mga araw ay maaaring makapagpasa ng viruses.

Ang kalusugan ng sanggol ay ang pinakamahalagang bagay, kaya mauunawaan ng mga bisita ang pagtanggi ng mga magulang.

3. Iwasan Ang Masyadong Malamig o Mainit Na Temperatura

Hindi nakokontrol ng mga sanggol ang temperatura ng kanilang sariling katawan. Kung nilalamig ito, panatilihing may balot ang katawan at ulo nito at laging ilapit sa balat ng katawan ng ina.

Kung ang sanggol naman ay naiinitan, dalhin ito sa pinakamalamig na bahagi ng bahay, luwagan ang damit at mga balot nito, at paliguan gamit ang maligamgam na tubig. Tuyuin nang mabuti ang katawan ng sanggol.

Kailan Kinakailangang Humingi Ng Medikal Na Atensyon?

Kung ang sanggol ay nanghihina, hindi nakahihinga nang mabuti matapos maipanganak, o may heart rate na mas mababa sa 100 na beats kada minuto, kinakailangang dalhin ng healthcare professionals ang sanggol sa warming station. Magpapasya ang doktor o nars sa aksyong kinakailangang gawin.

Key Takeaways

Ang bawat sanggol ay kinakailangang makatanggap ng agarang pag-aalaga, lalo na sa loob ng 24 oras matapos maipanganak. Kabilang dito ang mabuting pagpapatuyo, skin-to-skin contact kasama ang ina, maagang pagpapasuso, at eksklusibong pagpapasuso. Ang pagsasagawa nito ay nakatutukoy rin kung ang sanggol ay nasa normal na kalagayan o kung may kondisyong nangangailangan ng agaran at mabilis na gamutan. Kaya kung kinakailangan ang medikal na tulong, ililipat agad ang sanggol sa mas mainam na facility o service.

Matuto pa tungkol sa Pag-aalaga ng Sanggol dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Essential Intrapartum and Newborn Care (EINC) https://caro.doh.gov.ph/wp-content/uploads/2014/09/EINC.pdf, Accessed Sept 26, 2022

Baby’s first 24 hours

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/babys-first-24-hours

Accessed March 22, 2021

Breastfeeding from the first hour of birth: What works and what hurts

https://www.unicef.org/stories/breastfeeding-first-hour-birth-what-works-and-what-hurts

Accessed March 22, 2021

Apgar score

https://medlineplus.gov/ency/article/003402.htm

Accessed March 22, 2021

Taking Care of a Baby at Home After Birth: What Families Need to Do

https://www.healthynewbornnetwork.org/hnn-content/uploads/CORE-ENC-11-08-2011.pdf

Accessed March 23, 2021

Washing hands to save newborn lives

https://www.healthynewbornnetwork.org/blog/washing-hands-to-save-newborn-lives/

Accessed March 23, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement