backup og meta

Paano Paliguan Ang Baby? Alamin Dito Ang Bawat Step

Paano Paliguan Ang Baby? Alamin Dito Ang Bawat Step

Maaaring nakakakaba ang unang beses na pagpapaligo sa iyong unang anak. Ngunit huwag mag-alala. Ituloy lang ang pag-scroll para malaman kung paano paliguan ang baby.

Dapat bang maghintay bago paliguan ang isang baby pagtapos ipanganak?

Oo ang pinakamaikling sagot dito. Pagkatapos maisilang, inirerekomenda ng World Health Organization na maghintay ang mga magulang o tagapag-alaga ng hanggang 24 na oras bago unang beses na paliguan ang baby. Bakit? Maaaring magdulot ng hypothermia o iba pang mga komplikasyon ang masyadong maagang pagpapaligo sa baby. Isa pa, maaari nitong mabawasan ang early skin-to-skin contact at mother-child bonding. Panghuli, maaari ding maging sanhi ng pagkatuyo ng kanilang balat at mas madaling pagkakaroon ng mga pantal at pangangati ang masyadong maagang pagpapaligo sa baby.

Gaano kadalas dapat paliguan ang baby?

Hindi talaga nangangailangan ng maraming pagligo ang mga baby. Sobra na ang tatlo hanggang limang beses sa isang linggo upang mapanatiling malinis ang baby. Gayunpaman, ilang baby rin ang natutuwang maligo. Para sa mga ganitong baby, ayos lang na paliguan sila isang beses sa isang araw. Gayunpaman, maaari itong magsanhi ng pagkatuyo ng kanilang balat.

Paano paliguan ang baby?

Ngayon, pumunta na tayo sa pinakamahalagang bagay. Paano paliguan ang baby?

  1. Magsimula sa dahan-dahang pagpunas sa mga talukap ng kanilang mga mata gamit ang cotton na may maligamgam na tubig. Punasan ang kanilang mga mata simula sa inner eye hanggang sa outer eye. Pigain ang natirang tubig mula sa tela. Pagkatapos, dahan-dahang hugasan ang kanilang ulo at siguraduhin ding hindi malalagyan ng tubig ang kanilang ilong, tainga, o bibig.
  2. Sunod, simulan na tanggalin ang damit ng baby. Huling tanggalin ang diaper.
  3. Habang inaalalayan ang ulo at balikat ng baby gamit ang isang braso, gamit naman ang iyong kabilang braso, suportahan ang buong katawan nila
  4. Habang mahigpit at ligtas na kinakarga ang baby, dahan-dahang unang ibaba ang kanyang mga paa sa paliguan.
  5. Marahang ibababa ang iyong baby sa paliguan sa paraang nasa tubig ang likod ng kanilang ulo. Dahan-dahang magbuhos ng tubig sa kanilang ulo. Hindi kailangan gumamit ng shampoo.
  6. Patuloy na paliguan ang iba pang bahagi ng katawan nila simula taas pababa.
  7. Panghuli, linisin ang ari at puwit ng iyong baby. Siguraduhin ding tanggalin ang anumang madumi o dumi sa mga singit ng sanggol.
  8. Pagtapos paliguan ang iyong baby, patuyuin sila.

Pagkatapos Paliguan

  1. Katulad ng pagsuporta sa iyong baby kanina, alisin sila mula sa paliguan at pahigain sa malinis at malambot na tuwalya. Siguraduhin din na tuyo ang tuwalya.
  2. Balutin sa malambot na tuwalya ang iyong baby at marahan silang patuyuin. Tiyaking natutuyo rin ang mga kilikili, singit, parte sa ilalim ng baba, sa paligid ng leeg, sa likod ng mga tuhod, sa likod ng mga tainga, at iba pa.
  3. Tingnan kung dry ang balat ng baby. Kung oo, maglagay ng ointment o lotion na aprubado ng iyong doktor.
  4. Suriin kung may mga pantal na maaaring nagmula sa diaper. Kung mayroon man, lagyan ito ng ointment. Humingi rin ng tamang rekomendasyon mula sa iyong doktor.
  5. Kapag tuyo na ang iyong baby, bihisan sila ng komportable at preskong damit.
  6. Tanggalin ang ginamit na tubig pampaligo.

Tips

Narito ang ilang tips kung paano paliguan ang baby.

  • Bago magsimulang magpaligo, siguraduhing nakuha na ang lahat ng mga bagay na kakailanganin.
  • Subukang panatilihing mainit ang silid kung saan magpapaligo ng baby. Titiyakin nito na hindi giginawin ang iyong baby. Dahil mas sensitibo sa sipon ang mga baby.
  • Tiyaking nasa itaas lamang ng 100F ang temperatura ng tubig. Sinisiguro nito na angkop na pampaligo ang tubig sa iyong baby.
  • Likas na madulas ang mga sabon at paliguan. Ibig sabihin, kailangan laging mahigpit na hawakan ang iyong baby habang nagpapaligo.
  • Huwag kailanman iwanan ang iyong baby nang walang nagbabantay habang naliligo sila. Huwag kahit isang segundo. Mahina pa ang mga baby. Maaari silang makainom ng tubig na pampaligo na may sabon, o mahulog sa paliguan.

Sundin lang ang mga hakbang kung paano paliguan ang baby. Panoorin kung paano lumaking malusog ang iyong anak. Laging tandaan na mahina pa at sensitibo ang mga baby, kaya lubos na mag-ingat sa pag-aalaga sa kanila.

Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infant and Toddler Health, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/healthy-baby/art-20044438, Accessed on July 15, 2021

Bathing Your Baby, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/bathing-skin-care/Pages/Bathing-Your-Newborn.aspx, Accessed on July 15, 2021

Bathing a Newborn, https://raisingchildren.net.au/newborns/health-daily-care/hygiene-keeping-clean/bathing-a-newborn, Accessed on July 15, 2021

Bathing Your Baby, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/health-wellness-and-safety-resources/helping-hands/bathing-your-baby, Accessed on July 15, 2021

Washing and Bathing Your Baby, https://www.nhs.uk/conditions/baby/caring-for-a-newborn/washing-and-bathing-your-baby/, Accessed on July 15, 2021

Kasalukuyang Version

01/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement