Para sa maraming ina, ang panganganak ay isang masayang karanasan. Oo naman, totoong masakit ang labor pains at panganganak, ngunit kapag nakita na ang sanggol, kadalasang nabubura ang lahat ng paghihirap. Kaya lang, kahit na ipinanganak na ang sanggol, kailangan pa ring gawin ng mga ina ang maraming bagay. Kailangan nilang bumawi physically. Gustong-gusto din niyang makipag-bonding sa kanilang bagong silang. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng maternity leave sa Pilipinas.
Ano ang Maternity Leave?
Ang maternity leave ay ang panahon na ibinibigay sa isang ina, pagkatapos manganak. Hindi muna nagtatrabaho at tatanggap pa rin ng bayad o sweldo. Nagbibigay ito sa kanya ng panahon para magpalakas mula sa hirap ng pagbubuntis, labor, at panganganak. Bukod pa rito, binibigyan din siya nito ng oras para lubos na alagaan ang kanyang bagong silang.
Dati, ang mga nanay ay maaari lamang magkaroon ng 60 araw na paid leave. Ngunit ngayon, maaari silang magkaroon ng 105 araw. Ang mas mahabang maternity leave sa Pilipinas ay nag-bibigay ng maraming benepisyong pangkalusugan sa ina at mga anak. Bukod dito, binibigyang-diin ng maraming doktor na ang pahinga sa loob ng 12 linggo ay mas mabuti dahil nagbibigay ito ng mas maraming oras para sa ina para gumaling.
Ang Expanded Maternity Law ng Pilipinas
Dati, ang mga ina ay maaari lamang mag-apply para sa 60-araw na bayad na maternity leave sa Pilipinas. Gayunpaman, noong Pebrero ng 2019, naaprubahan ang Republic Act No. 11210, na kilala rin bilang The Expanded Maternity Law of the Philippines.
Sa batas na ito, maaari nang mag-avail ng 105 araw na bayad na bakasyon ang mga kwalipikadong empleyado. Ngunit syempre, may ilang mga konsiderasyon. Halimbawa, ang mga sitwasyon tulad ng miscarriage at emergency termination of pregnancy ay kwalipikado para sa 60 araw ng bayad na maternity leave.
Basic Facts at Pagsasaalang-alang tungkol sa Pinalawak na Maternity Law
- Maaaring mag-avail ang mga ina ng hanggang 105 araw ng bayad na maternity leave sa Pilipinas. Ito ay anuman ang paraan ng panganganak (natural vaginal birth o cesarean delivery).
- Maaari rin nilang gamitin ito anuman ang kanilang katayuan sa sibil, sa trabaho, at pagiging lehitimo ng sanggol.
- Ang isang kondisyon, ay dapat may hindi bababa sa 3 buwanang kontribusyon sa SSS. Ito ay sa nakalipas na 12 buwan bago ang semestre ng kapanganakan.
- Para sa mga nanay na wala sa SSS, PhilHealth ang bahala sa kanilang maternity arrangement.
- Kung ang ina ay verified solo parent, maaaring may karagdagang 15 days paid leave bukod pa sa 105 araw.
- May option na magkaroon ng karagdagang 30 araw ng hindi bayad na maternity leave.
- Hindi maaaring “ipagpaliban” ng mga ina ang kanilang bakasyon. Ito ay dapat na isang “nag-iisang, walang patid na panahon sa oras ng kapanganakan ng bata.”
- Gayunpaman, ang leave ay maaaring kumbinasyon ng prenatal (bago manganak) at post-natal (pagkapanganak).
- Ang post-natal leave ay hindi maaaring mas mababa sa 60 araw.
Interesting note:
- Ang mga ina ay maaaring “maglipat” hanggang 7 araw ng kanilang maternity leave sa Pilipinas sa ama ng sanggol. Okay lang basta may proper arrangements sa pagitan ng mga employers.
- Ang maternity leave sa Pilipinas ay angkop sa bawat pagkakataon ng pagbubuntis, miscarriage, o termination of pregnancy anuman ang dalas.
- Hindi maaaring isailalim ng mga employers sa diskriminasyon ang mga babaeng nag-a-apply para sa maternity leave, tulad ng pagtanggal sa trabaho o demotion.
- Bagaman, ang mga employers ay maaaring mag-reassign sa kanila sa isang “kapareho” na posisyon o sa ibang departamento.
Huwag kalimutan na ang mga ina ay may karapatan sa kanilang buong suweldo sa loob ng kanilang maternity leave. Ayon sa batas, dapat nilang matanggap ang kanilang buong bayad 30 araw pagkatapos matanggap ng kanilang mga employer ang aplikasyon sa leave.
Ang Mga Benepisyo sa Kalusugan ng Pag-avail ng Maternity Leave
Sa isang pag-aaral, natuklasan na ang mga nanay na nag-avail ng Paid Parental Leave ay may mas mabuting pisikal at mental health. Sa isa pang pananaliksik, kinilala ng mga may-akda na ang mga benepisyo ay pinalawak din sa mga bata.
Matapos suriin ang 26 na experimental and quasi-experimental naisip ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na benepisyo sa kalusugan ng pag-avail ng bayad na maternity leave:
Nakakatulong Ito sa Pagpapabuti ng Mental Health ng Ina
Sa kanilang pagsusuri, nalaman na ang pag-avail ng benepisyo sa maternity leave ay nauugnay sa pagbaba ng insidente ng postpartum depression. Ito ay isang mahalagang pagtuklas dahil ang postpartum depression ay maaaring makapinsala hindi lamang sa ina kundi sa buong pamilya din.
Bukod dito, ang sulitin ang bayad na maternity leave ay maaaring magresulta sa pagbawas ng psychological distress at mas magandang mood.
Ito ay Positibong Nakakaapekto sa Kalusugan ng Bata
Dahil ang mga ina ay hindi kailangang magtrabaho pansamantala, maaari silang makahanap ng mga paraan para makipag-bonding sa kanilang sanggol. Ito ay maaaring may mga positibong epekto sa attachment ng sanggol – ang emosyonal na ugnayan ng sanggol at ng kanilang tagapag-alaga.
Sa pagtagal, ang bonding moments na ito ay maaari ding magkaroon ng papel sa empathy ng bata, at sa kanilang academic performance. Ilang pag-aaral ang nagsabi na ang mga bata na ang ina ay nag paid maternity leave ay may “mas malaking academic achievements .”
Nakakatulong Ito sa Pagsusulong ng Breastfeeding
Isa sa mga pinakamagandang dahilan kung bakit mahalaga ang maternity leave ay dahil hinihikayat nito ang pagpapasuso. Kung iisipin, ang mga ina na kailangang bumalik kaagad sa trabaho pagkatapos manganak ay kailangang umasa sa formula milk. Ang pagpapasuso, ay maaaring mahirap kung kailangan nilang iwan ang kanilang bagong panganak araw-araw.
Sa maternity leave, maaari silang maglaan ng oras para matutunan kung paano ang tamang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.
Pinakamainam na Kalusugan Para sa Mga Ina at Sanggol
Siyempre, sa oras na pahinga, ang mga ina ay makakabawi nang walang karagdagang pisikal at mental na stress mula sa trabaho.
Nakasaad din sa pagsusuri na ang maternity leave ay may “direktang ugnayan sa pagbaba ng rate ng pagkamatay ng bata at sanggol.” Maaaring ito rin ay nagbibigay ng oras sa mga ina na pumunta sa doktor para sa check-up at bakuna.
Mga Disadvantage ng Pagbabalik Kaagad sa Trabaho Pagkatapos Manganak
Pagkatapos ng mga benepisyo ng maternity leave, pag-usapan natin ang panganib na bumalik sa trabaho kaagad pagkatapos manganak.
Nangungunang alalahanin ay ang kalusugan ng ina. Pagkatapos ng panganganak, ang ina ay nakakaranas pa rin ng sakit at ang risk ng pagdurugo ay naroroon pa rin. Bukod pa rito, ang mga ina ay madalas na pagod. Dahil ito sa kawalan ng tulog sa pag-aalaga ng bagong silang na kailangan ng madalas na pagpapakain.
Ang pagbabalik agad sa trabaho pagkatapos ng panganganak ay maaaring magpataas ang panganib ng pagdurugo, impeksyon, at muling pag-ospital. Madalas na hinihiling ng mga doktor na magpahinga ang mga ina ng 6 na linggo bago magtrabaho muli. Siyempre, kung ang mga ina ay nakaranas ng mga komplikasyon, ang 6 na linggong ito ay dapat na pahabain.
Ang isa pang disadvantage ng pagbabalik agad sa trabaho ay ang posibleng pagkakaroon ng ina ng guilt feeling. Pakiramdam nila ay hindi sapat ang kanilang ginagawa para sa kanilang sanggol o kasalanan nila na wala silang sapat na oras sa sanggol. Maaaring mas lumala ang guilt feeling kung hindi sigurado ang mga ina sa kalidad ng pag-aalaga sa sanggol habang wala sila.
Key Takeaways
Ang maternity leave sa Pilipinas ay napatunayang mahalagang bahagi na siguruhin ang pisikal at mental health ng ina at anak. Sa panahon na ang mga ina ay walang trabaho, maaari silang maglaan ng kanilang oras para magpagaling at makipag-bonding sa kanilang mga bagong silang.