Kung ang baby ay nagkaroon ng sipon o flu, natural sa mga magulang na mangamba. Hindi lang sila nagiging abala sa malikot na baby, ngunit ang isyu tungkol sa pagpili ng gamot ay inaalala rin. Dahil ang mga baby ay pwedeng madapuan ng flu na walo hanggang sampung beses sa unang dalawang taon ng kanilang buhay, mahalaga na malaman anong gamot sa sipon ng bata ang ligtas.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Mga Gamot para sa Sipon ng Bata
Ang sipon sa mga bata ay nangyayari kung ang rhinovirus ay umaatake sa upper respiratory tract. Kung saan ang mga baby at bata ay mas tinatamaan ng sipon dahil dine-develop pa ang kanilang immune system.
Kadalasan na hindi nakararanas ng sintomas ang mga bata na may sipon sa ikalawa hanggang ikatlong araw. Simula nang mangyari ang sintomas tatagal ito hanggang 10-14 na mga araw.
Kung naghahanap ka ng gamot sa sipon para sa mga baby, ikonsidera ang mga sumusunod:
1. Saline Liquid o Nasal Spray
Ang saline solution ay isang salt water solution na nagmo-moisten sa respiratory tract at nagpapalambot ng mucus (sipon). Inirerekomenda ito ng mga doktor dahil ito ay nagpapadali sa pagtanggal ng mucus dahil pinalalambot niya ito, lalo na kung sa pamamagitan ng suction bulb o device.
Kung gagamitin nang maayos, ang nasal spray ay kadalasan na ligtas at epektibong paggamot. Basahin nang mabuti ang panuto. Kung nagdududa, kunsultahin ang doktor.
2. Paracetamol
Kahit na hindi gamot para sa sipon, ang paracetamol syrup ay maaaring gumamot ng lagnat at sakit sa ulo na kasama ng sipon.
Ang isang dose ay kadalasan na 10-15 mg kada kg ng bigat ng katawan. Magbigay ng isang dose kada 4-6 na oras kung kinakailangan. Huwag sumobra ng 5 doses sa loob ng 24 na oras.
Kung isasagawa nang maayos, ang paracetamol ay bihirang nagbibigay ng side effects. Ang sobrang paracetamol, gayunpaman ay nagiging sanhi ng problema sa atay. Maaari din itong mag-react sa ibang gamot.
Ang paracetamol ay nabibili bilang over-the-counter, ngunit hindi ibibigay sa mga bata na:
- Mas bata sa dalawang buwang gulang
- Mayroong problema sa bato
- Gumagamit ng gamot sa epilepsy
- Umiinom ng gamot sa TB
Palaging mainam na komunsulta muna sa doktor bago ito ibigay sa iyong baby.
3. Ibuprofen
Kadalasan ng mga magulang ay hindi ginagamit ang ibuprofen bilang gamot sa sipon para sa mga baby dahil ito ay matapang (kumpara sa paracetamol). Ngunit, kung gagamitin nang wasto, lalo na kung may patnubay ng doktor, makatutulong ito sa paggamot ng lagnat, sakit sa ulo, at sakit sa katawan.
Karaniwan na nirereseta ng doktor ang dose na ayon sa edad at timbang ng bata. Magbigay ng isang dose kada 6 hanggang 8 oras kung kinakailangan.
Tandaan na ang mga baby na mas bata pa sa 6 na buwang gulang ay hindi dapat bigyan ng ibuprofen.
Maaaring maging sanhi ang ibuprofen ng mild side effects, tulad ng sakit sa tiyan, hindi matunawan, at heartburn. Kadalasan, ang epekto ng ibuprofen ay makikita sa loob ng 20 hanggang 30 minuto matapos ikonsumo ito.
Hindi dapat ibigay ng mga magulang ang gamot na ito kung ang baby ay:
- May allergy sa ibuprofen
- May history ng asthma
- Mayroong problema sa atay at bato
- May inflammatory bowel disease, tulad ng Crohn’s disease o ulcerative colitis
Maging Maingat sa mga Gamot sa Sipon para sa mga Baby
Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), ang mga bata ay maaaring magkaroon ng sipon 6-8 beses kada taon sa unang dalawang taon ng kanilang buhay.
Ang mga gamot sa sipon ayon sa US Food and Drug Administration ay hindi ibinibigay sa mga baby na mas bata pa sa 2 buwan.
Narito ang ilang mga tuntunin para sa pagbibigay ng gamot sa sipon sa mga baby at bata.
- Huwag magbigay ng over-the-counter na gamot sa mga bata na mas bata sa dalawang taon.
- Iwasan na gumamit ng mga gamot sa sipon na naglalaman ng kombinasyon ng substance. Mas maraming substance sa gamot, mas mataas ang banta nito. Gayundin, may tiyak na sangkap na hindi angkop sa mga bata. Karagdagan, ang iba’t ibang baryasyon ng substances sa isang dose ay nagpapataas ng banta ng side effects at overdose.
- Ang mga gamot sa sipon para sa mga bata ay iba sa mga matatanda. Pumili ng gamot sa sipon na ginawa para lamang sa mga bata.
- Laging gumamit ng medicine spoon na nasa loob ng medicine package. Ang kutsara mula sa kusina ay maaaring iba sa standard na pagsukat sa gamot gamit ang kutsara.
- Agad na komunsulta sa doktor kung ang kondisyon ng iyong anak ay hindi naging mabuti o lalong lumala kahit na may gamot.
Ang mga gamot sa sipon para sa mga bata na naglalaman ng codeine o hydrocodone ay hindi dapat na ibigay sa mga bata na na mas bata sa 18 taong gulang. Ang codeine at hydrocodone ay opioid na gamot na maaaring magkaroon ng seryosong side effects sa mga bata.
Lunas sa Bahay kung Nagkaroon ng Sipon ang Baby
Maliban sa mga gamot sa sipon para sa mga baby, may ilang mga lunas sa bahay na maaaring makatulong na gumaling nang mas mabilis. Ikonsidera ang mga sumusunod:
1. Ipagpatuloy ang Pagpapasuso
Ang gatas ng ina ang pinaka mainam na gamot sa sipon ng bata. Naglalaman ito ng antibodies at iba pang nutrisyon na nakapagpapalakas ng immune system laban sa iba pang viruses.
Ang sapat na dami ng gatas na makokonsumo ay nakatutulong na makuha ang mga kinakailangang nutrisyon ng mga baby, na mahalaga sa kanilang paggaling.
Kung ang baby ay hindi nais na sumuso dahil iritable, huminto saglit at subukan muli maya-maya. Kung nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, dalhin ang iyong anak sa doktor.
2. Gumamit ng humidifier
Nakatutulong ang humidifier upang manatiling moist ang hangin. Mas madali para sa ilong at lalamunan kung ang hangin ay moist, nakatutulong ito sa iyong baby na huminga nang mas maayos.
Kung ang iyong anak ay may sakit, subukan na huwag buksan ang air conditioner sa kanyang kwarto hanggang siya ay bumuti. Ang lamig ng air-conditioned na kwarto ay mas magpapalala ng kanyang sintomas dahil ang AC ay nagpapatuyo ng hangin.
3. Bigyan sila ng mga Prutas at Gulay
Ang sapat na nutrisyon ay mainam bilang gamot sa sipon para sa mga baby na edad 6 na buwan at mas matanda. Kung ang iyong baby ay nagsisimula pa lamang kumain ng solid foods, ikonsidera ang pagmasa ng ilang mga prutas at iba pang gulay para sa puree.
Naglalaman ang mga prutas at gulay ng maraming bitamina at mineral na nakapagpapabilis ng paggaling at nagproprotekta sa kanila mula sa iba pang sakit.
4. Bigyan sila ng Honey
Ang pag-inom ng honey ay makatutulong sa ubo at sakit sa lalamunan. Maaari kang magbigay ng isang kutsarang honey para sa mga baby upang inumin, o tunawin ang honey sa tsaa o mainit na tubig.
Gayunpaman, huwag magbigay ng honey sa mga baby na mas bata sa isang taong gulang dahil nagpapataas ito ng banta sa infant botulism.
5. Magbigay ng Mainit na Tubig
Kung ang baby ay 6 na buwang gulang pataas, maaari kang magbigay ng mainit na tubig upang guminhawa ang kanilang lalamunan.
Ang natural na gamot sa sipon para sa mga baby ay nakatutulong na matanggal ang mucus at umiwas sa dehydration.
Kung ang iyong anak ay hindi nais na uminom ng tubig, maaari kang magbigay ng mainit na tsaa, lemon water, o soup. Gayunpaman, huwag magbigay ng matatamis na inumin.
6. Hagurin ang kanilang Likod
Ang marahan na paghipo sa likod ng iyong baby ay makatutulong sa chest congestion.
Idapa ang iyong baby sa iyong hita. Matapos iyon, marahan na hipuin ang likod gamit ang cupped hand. Kung ang iyong baby ay mas matanda sa isang taong gulang, maaari mo siyang i-pat sa likod habang nakaupo sa iyong hita.
7. Linisin ang Kanilang Ilong
Ang mucus ay natutuyo at tumitigas sa loob ng ilong ng baby. Nakaiirita ito para sa baby.
Upang maging komportable, linisin ang crust sa paligid ng ilong ng baby gamit ang cotton bud o cotton na binasa gamit ang mainit na tubig,
8. Paliguan sila Gamit ang Mainit na Tubig
Paliguan ang iyong baby gamit ang maligamgam na tubig. Karagdagan upang mabawasan ang lagnat, ang mga baby ay maaari ding suminghot ng mainit na steam, na nakatutulong na matanggal ang mucus sa kanilang lalamunan at ilong.
Kailan ka Pupunta sa Doktor?
Kadalasan ang sintomas ng sipon ay nawawala nang kusa sa loob ng 10 hanggang 14 na araw. Kahit na ganun, dalhin sila sa doktor kung:
- Nahihirapan huminga, na may katangian na bluish na labi
- Mas bata pa sa 2 o 3 buwang gulang. Dahil ang mga bagong panganak ay may mataas na banta ng komplikasyon mula sa sipon.
- Kaunti lang ang pag-ihi kaysa pangkaraniwan
- May lagnat na mas mataas pa sa 38 degrees Celsius
- Laging malikot o iritable
- Nagrereklamo sa sakit sa tenga
- May mapulang mata o may eye discharge
- Patuloy ang pag-ubo
- May makapal na berdeng mucus ng ilang mga araw o may dugo sa plema
- Ayaw sumuso ng gatas o bottle milk.
Sa pangkalahatan, kung hindi sila gumaling kahit na umiinom ng gamot o nagsagawa ng lunas sa bahay, dalhin sila sa doktor.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.
[embed-health-tool-bmr]