backup og meta

Gamot Sa Kabag Ng Bata: Ano Nga Ba Ang Mabisa?

Gamot Sa Kabag Ng Bata: Ano Nga Ba Ang Mabisa?

Maraming posibleng dahilan kung bakit umiiyak ang isang sanggol. Ang unang maiisip ay maaaring gutom, o kaya naman ay kailangan ng palitang ang diaper na puno. Ngunit, bukod sa mga tipikal na dahilan na ito, posible rin ang pagdalas ng pag-iyak ng iyong anak ay dulot ng kabag. Ano ang kabag at paano ito nagagamot? Ilalahad ng artikulong ito ang mga posibleng gamot sa kabag ng bata. 

Pag-Unawa Sa Kung Ano Ang Kabag

Bilang magulang, maaaring nagkaroon na ng mga pagkakataon kung kailan hindi mo mawari kung ano ang dahilan ng pagkabalisa at patuloy na pag-iyak ng iyong anak. Kahit anong pag-aliw ang gawin mo, hindi ito nagdudulot ng anumang ginhawa. Alamin kung ito ay isang kabag na. 

Ang kabag, o colic sa Ingles, ay tumutukoy sa madalas, matagal at posibleng matinding pag-iyak ng isang malusog na bata. Ito ay pinakakaraniwan sa unang 6 na linggo ng isang sanggol. Gayunpaman, kusa naman itong nawawala sa pagdating ng 3 hanggang 4 na buwan.

Maaari mong matukoy na ito ay colic kung ang iyong anak ay umiiyak ng tatlo o higit pang oras sa isang araw. Kapag tumagal ito ng tatlong araw o higit pa, kumunsulta na sa iyong doktor para sa gamot sa kabag ng bata. 

Ilan sa mga kapansin-pansing features ng kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

  • Matinding pag-iyak na tila pasigaw o nagpapahayag ng pananakit.
  • Hindi malaman ang dahilan ng pag-iyak, hindi tulad ng pag-iyak tuwing gutom o tuwing kailangan ng palitan ang lampin.
  • Sobrang pagkabahala kahit na nabawasan ang pag-iyak.
  • Nakukuha ang timing kung kailan nangyayari ang pag-iyak, kadalasan sa gabi.
  • Pagdidilim ng mukha, gaya ng pamumula ng balat.
  • Body tension, tulad ng pulled up o paninigas ng mga binti, braso, nakakuyom na mga kamao, naka-arko na likod, o naninigas na tiyan.

Hindi maikakaila na ang mga naturang senyales ay maaaring maging mahirap at stressful para sa mga magulang. Ang mga sanggol na may colic ay madalas na maselan, mahangin ang pakiramdam, at hindi nakakatulog nang maayos. Ngunit, karamihan naman sa mga kaso ay lumalaki nang normal. Kung kaya, mainam na malaman ang posibleng gamot sa kabag ng bata. 

Mabisa Ba Ang Aceite De Manzanilla Bilang Gamot Sa Kabag Ng Bata?

Nakasanayang ng mga Pilipino na magpahid ng mga ointment o liniment anuman ang karamdamanan. Dahil dito, maaaring narekomenda na rin sa iyo ang Aceite de Manzanilla bilang gamot sa kabag ng bata. Ngunit, ano nga ba ang mayroon ito? Nakatutulong ba talaga ito?

Popular ang berdeng bote ng Aceite de Manzanilla. Ito ay diumano mayroong calming at soothing effects upang mapawi ang pananakit ng tiyan, hangin sa loob ng tiyan, at iba pang digestive problems. Ayon sa isang pag-aaral, nakatutulong daw ang chamomile na taglay nito upang mapakalma at patahanin ang bata. Dahil dito, kinikilala ang pagpahid ng chamomile oil bilang komplementaryong, ligtas, at cost-effective na paraan upang mapabuti at mabawasan ang mga sintomas ng infantile colic. Subalit, dapat tandaan na sensitibo ang balat nila, at  ang sobrang paggamit nito ay maaaring magdulot ng pagsunog ng balat dahil sa tapang nito. O kaya naman, makaapekto sa kanilang kalusugan.

Ano Ang Iba Pang Treatment At Gamot Sa Kabag Ng Bata?

Hangga’t maaari, ang pangunahing layunin ng treatment ay paginhawahin sa pamamagitan ng iba’t ibang mga interbensyon.

Kung ang iyong sanggol ay bottle-fed, maaaring makatulong na gumamit ng isang curved bottle. Makatutulong itong mahawakan ang iyong sanggol sa isang tuwid at maayos na posisyon. Ugaliin din ang pag-burp ng iyong sanggol upang mabawasan ang hangin sa loob ng tiyan.

Ilan pa sa maaari mong gawin ay ang mga sumusunod:

  • Siguraduhing hindi gutom ang bata.
  • Lumakad kasama ang sanggol.
  • Kantahan o kausapin ang iyong sanggol.
  • Gumamit ng pacifier.
  • Isakay ang sanggol sa kanyang stroller at ilakad siya.
  • Hawakan ang iyong sanggol nang malapit sa iyong katawan.
  • Paliguan ang sanggol.
  • Tapik-tapikin ang likod ng sanggol.

Malaki ang posibilidad na mabahala ka dahil hindi mo alam kung paano patatahanin ang iyong anak. Kung kaya, makatutulong ang suporta mula sa iyong pamilya at iba pang mga tao upang makayanan ito.

Key Takeaways

Normal sa mga sanggol ang umiyak ng ilang oras sa loob ng isang araw. Bagaman maraming iba’t ibang mga paraan upang mapatahan siya, malaki ang maitutulong ng pag-aaral at pag-unawa sa iyak ng iyong sanggol upang maayos ang pangangasiwa at paggamot ng kabag. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Colic, https://kidshealth.org/en/parents/colic.html, Accessed June 23, 2022

Colic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/colic/diagnosis-treatment/drc-20371081, Accessed June 23, 2022

Colic, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/colic#:~:text=Colic%20is%20when%20a%20healthy,newborn%20babies%20may%20have%20it, Accessed June 23, 2022

Colic Relief Tips for Parents, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/crying-colic/Pages/Colic.aspx, Accessed June 23, 2022

Effect of Topical Chamomile Oil (Matricaria chamomile L.) as a Supplementary Method on Colic Symptoms in Infants: A Randomized Placebo-controlled Clinical Trial – Hassan Salehipoor, Behzad Afzali, Rahim Akrami, Fereshteh Ghorat, Zahra Niktabe, Mohammad Sahebkar, https://www.researchgate.net/publication/333376465_Effect_of_Topical_Chamomile_Oil_Matricaria_chamomile_L_as_a_Supplementary_Method_on_Colic_Symptoms_in_Infants_A_Randomized_Placebo-controlled_Clinical_Trial, Accessed June 23, 2022

The Effectiveness of Topical Chamomile Oil in the Treatment of Infantile Colic Symptoms: A Case Report – Fereshteh Ghorat, Behzad Afzali, Hassan Salehipoor, http://www.ajcrtam.ir/article_27583.html, Accessed June 23, 2022

Chamomile: A herbal medicine of the past with bright future – Janmejai K Srivastava, Eswar Shankar, and Sanjay Gupta, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2995283/, Accessed June 23, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kabag Ng Baby, Epekto Ba Ito Ng Bottlefeeding? Alamin Dito Ang Kasagutan

Gamot sa Kabag, Anu-ano nga ba ang pwedeng gamitin? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement