Ang pag-aalaga ng isang sanggol, lalo na para sa mga unang beses na magulang, ay mahirap. Kasama dito ang pagpapadede sa gabi, pagpapalit ng diaper, at syempre, ang pag-iyak ni baby. Sa kanilang tatlo, ang huli marahil ang pinakamahirap para sa mga magulang. Ito ay dahil hindi direktang masasabi sa kanila ng kanilang sanggol kung bakit sila umiiyak. Gayunpaman, ang mga eksperto ay nagmumungkahi na may mga paraan ngayon para bigyang-kahulugan ang mga iyak ng baby. Paano ito magagawa ng mga magulang?
Ano ang Aasahan sa Pag-iyak ng Bagong Silang
Bago natin talakayin ang iba’t ibang uri ng pag-iyak ng baby, pag-usapan muna natin kung ano ang maaari mong asahan sa pag-iyak ng bagong silang.
Una, iiyak ng husto ang mga sanggol. Tandaan: Ang pag-iyak ay ang kanilang pangunahing paraan ng komunikasyon, kaya asahan na sila ay iiyak o magulo sa buong araw.
Asahan ang mga pag-iyak na karaniwan na mangyayari sa loob ng 3 oras araw-araw. Sinasabi ng mga ulat na karamihan sa mga ito ay nangyayari sa hapon o gabi. Pero ang bawat araw ay maaaring magkakaiba. Gayundin, ang ilang mga sanggol ay maaaring umiyak nang higit sa 3 oras sa isang araw.
Ipalagay na magkakaroon ng matinding pag-iyak kapag sila ay 6 – 8 weeks old. Tinatawag ito ng ilan na “peak” ng pag-iyak. Bagama’t mahihirapan ang mga magulang at tagapag-alaga sa panahong ito, makampante dahil ito ay lilipas din.
Bakit Mahalagang Tumugon sa Iyak ng Iyong Sanggol?
Baka marinig mo na hindi magandang kargahin palagi ang sanggol sa tuwing umiiyak siya dahil baka “ma-spoil.” Ngunit tandaan na mahalaga na tumugon sa pag-iyak ng iyong sanggol.
Isipin ito sa ganitong paraan: ang iyong sanggol ay bago sa mundong ito. Tinutuklas pa rin nila kung ano ang kapaligiran. Kung umiyak sila at may humawak sa kanila at nagbibigay ng kailangan nila, malalaman nila na maaari silang makaramdam ng kaligtasan at comfort.
Bukod dito, sinasabi ng mga pag-aaral na kung mabilis kang tumugon sa pag-iyak ng iyong sanggol, maaaring mas hindi madalas ang iyak ng baby. Ito ay dahil sa pakiramdam na ligtas sila. Sa madaling salita, hindi mo talaga mai-spoil ang isang bagong silang dahil sa pag-asikaso sa lahat ng kanilang kailangan at discomfort.
Ang Iba’t ibang Uri ng Pag-iyak sa Mga Sanggol
Alamin natin kung paano ginagawa ang pagbibigay kahulugan sa iyak ng baby. Ang isang pamamaraan ay tinatawag na Dunstan Baby Language. Ang Dunstan Baby Language ay itinatag ng isang Australian opera singer, si Priscilla Dunstan. Sa kanyang mga account, naobserbahan ni Dunstan ang maraming sanggol. Dito nabanggit na gagawa sila ng ilang mga tunog bago sila umiyak o magwala. Ayon sa kanyang mga salaysay, naobserbahan ni Dunstan ang maraming sanggol at nabanggit na gagawa sila ng ilang partikular na tunog bago sila umiyak. Ang kanyang payo ay bigyang-kahulugan ang mga tunog na ito bago lumakas ang pag-iyak. Bukod pa rito, ginagamit din ng Dunstan Baby Language ang mga galaw ng sanggol, tulad ng pagkuyom ng kamao, pag-arko sa likod, at pag-ikot ng ulo.
Gayunpaman, ang Dunstan Baby Language ay hindi lamang ang pag-decode ng mga iyak ng iyong sanggol. Maraming eksperto sa sanggol ang nagbahagi ng kanilang mga insight kung paano bigyang kahulugan ang pagkabahala ng bagong silang.
Narito ang iba’t ibang uri ng pag-iyak ayon sa Dunstan Baby Language at iba pang payo ng eksperto:
Ang “Gutom Ako” na Iyak
Sa Dunstan Baby Language, kailangan mong hanapin ang pagkuyom ng kamao o makinig ng mabuti sa tunog ng “Neh” bago umiyak.
Kung hindi mo narinig ang tunog at siya ay nag-aalboroto na, mag-ingat sa paulit-ulit na pag-iyak, tulad ng “wah wah wah.” Gayundin, pansinin ang iba pang mga kilos, tulad ng mga galaw ng pagsuso o “pag-hahanap sa paligid” sa suso.
Tandaan na ang pag-iyak ay ang huling indikasyon ng gutom. Sa gayon, ang mga sanggol ay maaaring masyadong magalit para dumede. Dahil dito, pakalmahin muna sila bago subukang magpasuso o mag bottle-feed.
Ang Iyak na “Pagod Na Ako”
Kung maririnig mo ang maingay, maliit na tunog ng “owh” o “oah”, maaaring ang iyong sanggol ay pagod at gusto niyang matulog. Kadalasan ang mga tunog na ito ay may kasamang pag-ikot ng ulo, paghikab, at ilang pagkuskos ng mata.
Tumugon sa pamamagitan ng pagpapahiga sa iyong anak para matulog. Ang matagal na pagtugon ay maaaring humantong sa malakas na iyak ng baby. At kung mangyari iyon, baka masyado na silang balisa para matulog.
Ang “Nasasaktan Ako” na Pag-iyak
Sa mga iba’t ibang uri ng pag-iyak sa mga sanggol, maaaring ito ang pinakamahirap para sa mga magulang. Una, ang sakit ay maaaring magmula sa maraming bagay. Sinasabi ng Dunstan Baby Language na kung ang tunog bago ang pag-iyak ay parang “eairh” o “earggghh,” maaaring ang sanggol ay gassy o kailangang dumumi. Ipinahihiwatig din ng ilan na ang kabag ay kadalasang nagpapakunot ng ilong at humihila ng mga binti pataas.
Kung ang sanggol ay may sakit, ang kanilang mga pag-iyak ay maaaring medyo mahina sa lakas ng tunog at pitch, halos parang wala silang kakayahang umiyak, ngunit kailangan nila. Gayundin, ang mga maysakit na pag-iyak ay may posibilidad na parang nahihirapan.
Isa pang bagay: Bago umiyak ang sanggol, pakinggang mabuti ang mga tunog ng “heh”. Ayon sa Dunstan Baby Language, maaari itong magpahiwatig ng pisikal na discomfort dahil sa basa, sobrang init, o sobrang lamig.
At panghuli, may tunog na “eh” bago umiyak. Nangangahulugan ito na ang sanggol ay gustong dumighay. Ito ay maaaring resulta ng pagtatangka ng sanggol na palabasin ang air bubbles na nakulong sa kanilang dibdib.
Ang “May Colic Ako” na Iyak ng Baby
Ang pag-iyak dahil sa colic ay matindi na madalas mag-panic ang mga magulang. Karaniwan, mayroon tayong tatlong panuntunan para sa colic. Nangangahulugan ito na ang pag-iyak ay tumatagal ng 3 oras, nangyayari ito ng 3 o higit pang beses sa isang linggo, at tumatagal ng hindi bababa sa 3 linggo.
Tumugon sa iyong sanggol sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang white noise, o pagbibigay sa kanila ng mainit at nakakarelaks na paliligo. Sa ilang pagkakataon, maaaring gumana ang “colic carry”. Upang gawin ito, hawakan ang ulo ng sanggol sa iyong kamay at hayaan ang kanyang katawan na naka-rest (nakababa ang tiyan) sa iyong bisig.
Ang “Gusto Ko Lang Ilabas” na Iyak
Ang “Gusto ko lang ilabas” na iyak ng baby ay kadalasang nagpapahirap sa pag-interpret ng pag-iyak ng sanggol para sa mga magulang. Ito ay dahil ang pag-iyak na ito ay walang anumang dahilan, maliban sa marahil ang sanggol na gustong magkaroon ng isang mahusay na pag-iyak. Ipinaliwanag ng mga eksperto na kung minsan, ang mga sanggol ay parang adults na bumubuti ang pakiramdam pagkatapos “ilabas ang lahat.”
Ano ang Magagawa Mo Kapag Nagsimulang Umiyak ang Iyong Baby
- Tingnan kung sila ay may sakit sa pamamagitan ng pagsuri sa kanilang temperatura.
- Tingnan kung sila ay gutom o kung sila ay may basang lampin.
- Aliwin ang sanggol sa pamamagitan ng pakikipag-usap o pagkanta sa kanila.
- Subukang aliwin sila sa pamamagitan ng paglapit sa kanila sa iyong katawan habang humihinga ka nang mabagal.
- Dahan-dahang kuskusin o tapikin ang likod ng sanggol.
- Magpatugtog ng musika.
- Dahan-dahang mag-rock o lumakad kasama ang sanggol. Maaari mo ring dalhin ang sanggol sa isang stroller o ilagay sa isang swing.
- Bigyan sila ng warm bath.
Key Takeaways
Ang pagbibigay-kahulugan sa iyak ng baby ay nangangailangan ng oras, pasensya, at, siyempre, personal na koneksyon. Kung mayroong sinumang pinakamahusay na makakapag-decode ng kahulugan sa likod ng pagkabahala ng iyong sanggol, ito ay ikaw at ang mga laging nag-aalaga sa kanila.