Lagi nating naririnig na ang breastfeeding ang pinaka mabuti para sa mga sanggol, ngunit ito rin ay may benepisyo sa mga mommy. Maraming mga pag-aaral na nagpakita ng benepisyo ng breastfeeding sa parehong pisikal at emosyonal na aspekto ng mommy. Ano ang mga benepisyo ng breastfeeding? Alamin natin dito.
Ang Pisikal na Benepisyo ng Breastfeeding
Habang ang breastmilk ay nagpoprotekta sa baby mula sa iba’t ibang sakit, ang pagbibigay ng breastfeeding ay nagbibigay ng mga sumusunod na benepisyo sa nanay:
Nagsusulong ng Mabilis na Recovery
Kung pinasuso ng nanay ang sanggol, ang kanyang katawan ay naglalabas ng hormone na oxytocin. Ang oxytocin ay malaki ang benepisyo dahil nakatutulong ito sa uterus na bumalik sa nakaraang estado nito bago magbuntis at nakaiiwas sa postpartum bleeding.
Ibig sabihin nito na ang breastfeeding ay nakatutulong na mapabilis ang paggaling.
Nagsusulong ng Pagbawas ng Timbang
Kung ang isang babae ay buntis, natural lamang sa kanya na magdagdag ng timbang. Ngayon, matapos manganak, maraming mga mommy ang nahihirapan na alisin ang sobrang timbang habang nasa sinapupunan pa lamang ang kanilang sanggol.
Sinasabi ng mga doktor na isa sa mga benepisyo ng breastfeeding ay ang mabilis na pagbawas ng timbang. Ito ay nangyayari sa kadahilanan na upang magkaroon at manatili ang supply ng gatas para sa mga bagong silang, ang katawan ay nagbu-burn ng 500 extra calories.
Maaaring Makaiwas sa mga Sakit
Nabanggit ng ilang mga pag-aaral na ang lactation ay maaaring makaapekto sa metabolism ng glucose at lipids o fats. Bagaman hindi pa nababanggit ng mga mananaliksik ang pangmatagalang epekto, ang implikasyon nito ay sa pamamagitan ng breastfeeding, posible na makaiwas sa diabetes at sakit sa puso.
Marami ring mga pag-aaral na nagsasabi na ang “extended lactation,” ay nakapagbabawas ng banta ng pagkakaroon ng premenopausal endometrial, ovarian, at breast cancer.
At syempre, nabanggit ng mga eksperto na ang breastfeeding ay nagreresulta sa kaunting pangyayari na maaaring magresulta sa urinary tract infections (UTIs) at mas kaunting banta na magkaroon ng anemia.
Ito ay Nagsisilbing Natural Birth Control na Pamamaraan
Sa huli, isa sa pinakamainam na benepisyo ng breastfeeding para sa parehong nanay at sanggol ay nagsisilbi itong natural birth control method.
Ang mga nanay na nagpapasuso ay nakararanas ng delayed ovulation at pagbawas ng fertility dahil sa “lactational amenorrhea.” Nangyayari ang lactational amenorrhea kung ang babae ay hindi nagkakaregla dahil siya ay nagpapasuso.
Ang amenorrhea ay nagpapadagdag ng oras sa pagitan ng pagbubuntis, at nagbibigay sa mga nanay ng sapat na oras sa upang mag-recover at magpokus sa bagong silang na sanggol.
Ngunit mahalaga na tandaan na maaari ka pa ring mabuntis bago ka magkaroon ng unang post-pregnancy menstruation.
Emosyonal na Benepisyo ng Breastfeeding
Matapos talakayin ang pisikal na benepisyo ng lactation, talakayin natin ang emosyonal na benepisyo para sa mga nanay.
Nagbibigay ng Relaxing na Pakiramdam
Habang nagpapasuso, ang katawan ay nagpo-produce ng hormone na prolactin. Ang prolactin ay nagbibigay ng kapayapaan at relaxation sa nanay. Karagdagan, ito rin ay nakapagbibigay ng nurturing sensation na nagsusulong sa mga mommy na magpokus sa pag-aalaga sa kanilang babies.
Nagsusulong ng Bonding
Isa sa mga emosyonal na benepisyo ng breastfeeding ay ang pagsusulong ng bonding sa pagitan ng nanay at sanggol. Habang nakapag-aambang ang prolactin sa benepisyo nito, ang hormone na oxytocin ay may malaking tungkulin. Dahil ang oxytocin ay nagsusulong ng “love at attachment.”
Maliban sa mga epekto ng hormones, ang pagpapasuso lamang ay nagsusulong ng bonding. Kung ang nanay ay nagpasuso sa kanyang baby, ang skin-to-skin contact, kasama ng paghawak ay nagbibigay ng mas malalim na pakiramdam ng affection.
Ito ay Nakapagpapataas ng Self-esteem at Confidence
Ang breastmilk ay pinakamainam sa baby dahil sa maraming mga rason. Ito ay mayroong antibodies na nakatutulong na labanan ang viral at bacterial infections. Karagdagan, ang mga sanggol na pinapasuso ay mas may mababang banta na magkaroon ng tiyak na kondisyon tulad ng allergies at asthma.
Para sa maraming mga nanay, ang pag-alam na siya ay nakapagbibigay ng lahat ng benepisyo para sa kanyang baby ay nakapagpapalakas ng kanyang self-esteem at confidence.
Isa pang bagay na nakapagpapaan ng loob ng nanay ay ang katotohanan na sa pamamagitan ng breastfeeding, paunti-unting nakikilala niya ang kanyang bagong silang na sanggol. Natututuhan niya ang cues – anong bagay ang magpapakuntento sa kanya at ano ang kaiinisan niya.
Praktikal na Benepisyo ng Breastfeeding
Maliban sa pisikal at emosyonal na benepisyo ng breastfeeding, mayroon din tayong mga sumusunod na bonus na pakinabang:
Mas Simple at Hindi Mahal
Walang duda na ang breastfeeding ay mas simple at hindi mahal. Gaya ng nabanggit kanina, ang mga nanay ay kailangan lang na gumamit ng nasa 500 calories upang magkaroon at magpanatili ng sapat na supply ng gatas para sa kanyang baby. Ngunit kung napili ng nanay ang milk formula, kailangan niyang:
- Magdesisyon sa pinaka mainam na milk formula dahil maraming mga brand na pagpipilian.
- Kausapin ang pediatrician kung nagdududa sa pinili.
- Gumastos ng pera depende sa brand na napili at gaano karami ang nakokonsumo ng kanyang baby.
Napadadali ng breastfeeding ang proseso ng mga nanay sa pagpili. Ang breastmilk ay ang eksaktong kailangan ng kanyang baby.
Kaunting Konsumo ng Oras
Dahil hindi na kailangan na sukatin ng mga nanay ang dami ng milk formula o i-test ang temperatura ng tubig, ang breastfeeding ay talagang hindi kakain ng oras. Convenient ang breastfeeding at accessible para sa baby.
Bagaman mukhang ito ay maliit na benepisyo lamang, isipin ang pagpapakain sa kanya tuwing gabi. Hindi ba mas madali na simpleng dalhin lang ang baby sa suso ng nanay kaysa gumising at maghanda ng formula?
Karagdagan, kung aalis, ang breastfeeding ay mas praktikal dahil hindi na kailangan magbitbit ng mga magulang ng bag na puno ng feeding equipment.
Mayroong Sense ng Maternal Fulfillment
Sa huli, ang isang bagay na hihigit sa pisikal, emosyonal, at praktikal na benepisyo ng breastfeeding ay ang sense of maternal fulfillment.
Maraming mga nanay ay nagsasabing ito ang una sa mga benepisyo ng lactation. Para sa kanila, ang breastfeeding ay hindi lang proseso ng pagbibigay ng pagkain sa bagong silang; ito rin ay emosyonal na karanasan. Ito ay pag-uugali ng magulang na nanay lang ang makagagawa.
Mahalagang Tandaan
Maraming mga nanay ay ipinagmamalaki ang breastfeeding dahil alam nila ang sandamakmak na benepisyo na maibibigay nito sa mga baby. Magiging masaya rin sila na malaman na may pakinabang din ito sa kanila.
Ang benepisyo ng breastfeeding ay hindi lang nagpapabuti ng pisikal at emosyonal na kalusugan ng nanay ngunit ito rin ay nagsusulong ng bond sa pagitan ng magulang at sanggol.
Matuto pa tungkol sa Breastfeeding dito.