Ang macrosomia ay termino na naglalarawan sa bagong silang na sanggol na mas malaki kaysa sa average na baby. Ang bigat ng normal na bagong silang na sanggol ay nasa 7.5 pounds. Ang sanggol na nakararanas ng ganitong kondisyon ay may bigat na higit 8 pounds, ano man ang gestational age niya. Ang kondisyon ay kilala rin sa tawag na fetal macrosomia. Pero ano ang macrosomia, at bakit ito nangyayari?
Ipinakita ng pag-aaral na 8% ng mga bagong silang sa buong mundo ay apektado ng ganitong kondisyon. Karamihan ng mga sanggol ay malusog, nang walang kahit na anong karagdagang komplikasyon. Ngunit ang ilan na ang bigat ay lampas, halimbawa higit sa 9 na pounds, ay maaaring humarap sa mga isyung pangkalusugan.
Ano ang Macrosomia? At Mayroon Ba Nito ang Sanggol Ko?
Mahirap malaman kung ang iyong sanggol ay may macrosomia habang sila ay nasa loob pa ng sinapupunan. Tipikal na malalaman mo lang ito kung pinanganak mo na ang iyong sanggol.
Bagaman makapagsasabi kung ano ang laki ng iyong sanggol sa isang ultrasound scan, hindi ito tiyak, lalo na kung ang pagbubuntis ay nasa full term na. Ang pagkakaiba ay nasa 10%.
Kung naipakita ng ultrasound na ang iyong sanggol ay malaki para sa kasalukuyang period, hihingan ka ng pahintulot na magkaroon ng blood test para sa iyong lebel ng blood sugar. Ang mga babaeng may gestational diabetes ay mas maaaring magsilang ng mga sanggol na may macrosomia.
Ano ang Macrosomia: Senyales at Sintomas ng Macrosomia
Mga senyales na magsasabi sa kondisyon na ito ay kabilang ang:
Fundal Height
Ito ang taas sa pagitan ng taas ng uterus at ng pubic bone. Ang mas malaki kaysa sa normal na taas ay senyales na ang iyong sanggol ay may macrosomia.
Pakiramdaman ang Iyong Tiyan
Ang manual na pagdama sa iyong tiyan ay makakapagsabi kung ang laki ng iyong sanggol ay mas malaki kaysa sa average na laki. Hindi nasasaktan ang sanggol dito kaya wala kang dapat na ipag-alala.
Amniotic Fluid
Ang amniotic fluid ay fluid na nagtatakip at naggwa-gwardiya sa sanggol habang buntis. Ang sobrang dami ng amniotic fluid — ay kondisyon na tinatawag na polyhydramnios, na kaugnay ng macrosomia. Ang amniotic fluid ay napoporma sa pamamagitan ng ihi ng sanggol. Ang mas malaking sanggol ay nagpro-produce ng mas maraming ihi, kaya’t nagiging dahilan ng labis na dami ng amniotic na ihi.
Mga Sanhi ng Fetal Macrosomia
Ngayong alam na natin kung ano ang macrosomia, pag-usapan natin ang mga sanhi nito.
Ang pinaka sanhi ng macrosomia ay gestational diabetes. Ang iba pang salik na humahantong sa ganitong kondisyon ay kabilang ang mga sumusunod ngunit hindi lamang limitado rito:
- Pagkakaroon ng mataas na body mass index (BMI) habang nasa maagang pagbubuntis
- Sobrang bigat na timbang habang nagbubuntis at sa pagitan ng mga pagbubuntis
- Walang binabang timbang mula sa nakalipas na pagbubuntis
- Ang sanggol ay overdue (ng dalawang linggo o higit pa)
Ang bigat ng isang sanggol ay nakadepende sa etnisidad at kasarian. Ang mga lalaking sanggol ay mas mabigat kaysa sa mga babae. Ang tsansa ng macrosomia ay mas mataas kung ang iyong unang anak ay nagkaroon ng fetal macrosomia.
Komplikasyon sa Fetal Macrosomia
Bagaman mahirap na magsilang ng malaking sanggol, posible pa rin ito sa pamamagitan ng birth vaginal. Two-thirds ng mga malaking sanggol ay isinisilang sa pamamagitan ng vaginal delivery.
Ang iyong oras sa pagla-labor ay mas mahaba kung ang iyong sanggol ay may ganitong kondisyon. Isa sa limang mga kaso ng macrosomia ay kinakailangan ng tulong sa panganganak. Kabilang sa mga komplikasyon ang sobrang pagdurugo at seryosong perineal tearing. Ang panganganak ay mas madali para sa mga nakaranas ng normal delivery, nang walang kahit na anong komplikasyon.
Ang posibilidad na magkaroon ng shoulder dystocia habang nanganganak ay nasa 1 sa 13. Ang tsansa ay halos dumodoble kung ang sanggol ay higit sa 11 na pounds. Ang shoulder dystocia ay kondisyon kung saan ang balikat ng sanggol ay na-stuck sa kanilang ulo. Ang mga malalang kaso ay kinakailangan ng agarang medikal na interbensyon. Maaari kang manghingi ng gabay at panuto sa mga medikal na eksperto sa pag-ire, kailan titigil, at kung anong posisyon dapat mag-adjust, upang matagumpay na mailabas nang maayos ang balikat ng sanggol.
Kung ikaw ay overdue, maaaring isagawa ang induction. Gayunpaman, ang inducing ay hindi laging nakatutulong. Ang mga nanay na may diabetes ay kinakailangan ng induction sa ika-38 na linggo. Ang elective caesarean ay maganda ring option upang maiwasan ang komplikasyon habang nanganganak.
Banta ng Fetal Macrosomia sa Bata at Bagong Silang na Sanggol
Maliban sa komplikasyon habang nanganganak, mayroong ibang mga komplikasyon sa kalusugan na kaugnay ng macrosomia na maaaring kaharapin ng iyong sanggol:
Mababang Lebel ng Blood Sugar
Kung ang sanggol ay ipinanganak na may macrosomia, maaaring ma-diagnose rin sila ng mababang lebel ng blood sugar kaysa sa normal.
Labis na Katabaan
Ipinakita ng pag-aaral na ang mga sanggol na may macrosomia ay mas maaaring magkaroon ng childhood obesity sa pagbigat ng timbang nila.
Metabolic Syndrome
Kung ang iyong sanggol ay isinilang na may fetal macrosomia, malaki ang banta nilang magkaroon ng metabolic syndrome sa kanilang pagkabata.
Pagpigil sa Fetal Macrosomia
Hindi mo maaaring ganap na mapigilan o magkaroon ng ganap na kontrol sa macrosomia. Ngunit may mga tiyak na pag-iingat na makatutulong sa iyo na magkaroon ng malusog na sanggol at pagbubuntis.
Bantayan ang Iyong Timbang
Kung ikaw ay obese o nagdaragdag ng labis na timbang habang nagbubuntis, mag-book ng appointment sa iyong doktor at ibalik ang malusog na pangangatawan mo. Ang nasa normal at malusog na timbang ay nasa 25-30 pounds na dagdag.
Pagkontrol ng Diabetes
Kung nagkaroon ka ng diabetes o mayroon na bago magbuntis, kumonsulta sa iyong doktor upang makontrol ang diabetes. Makatutulong ito upang mapaliit ang posibleng komplikasyon, kabilang ang macrosomia.
Ilang Pisikal na Gawain Araw-araw
Matapos komunsulta sa iyong doktor, magkaroon ng ehersisyo o mga gawain na akma sa iyo at sa iyong kasalukuyang estado ng kalusugan.
Fetal Macrosomia at Kabuuang Kalusugan ng Sanggol
Karamihan ng mga sanggol na may macrosomia ay malusog. Gayunpaman, ang mga sanggol na nakararanas ng shoulder dystocia ay maaaring humarap ng mga problema sa kanilang mga nerve sa balikat at sa braso.
Ang tsansa ng pinsala sa nerve ay nasa 2% hanggang 16%. Magreresulta ito mula sa hindi maayos na medikal na tulong o pressure ng contractions habang nanganganak. Sa kabutihang palad, posible ang lunas sa pinsala sa nerve.
Mahalagang Tandaan
Ang macrosomia ay tumutukoy sa mga bagong silang na sanggol na may bigat na higit sa average, na nasa 8 pounds o higit pa. Bagaman karamihan ng mga sanggol na may macrosmia ay malusog, ang kondisyon ay maaaring humantong sa ilang komplikasyon sa kalusugan. Kumonsulta sa iyong doktor kung paano mapabababa ang tsansa na magkaroon ng macrosomia sa pamamagitan ng pag-manage ng posibilidad na magkaroon ng gestational diabetes.
Matuto tungkol sa Unang Taon ng Sanggol dito.