backup og meta

Sakang Na Paa, Ano Ang Epekto Nito Sa Mga Bata? Alamin Dito

Sakang Na Paa, Ano Ang Epekto Nito Sa Mga Bata? Alamin Dito

Masaya at unbothered pa rin si Kathryn Bernardo sa kabila ng pagkakaroon ng sakang na paa. Ayon sa dalaga tanggap niya ang pagkakaroon niya nito. 

“Over the years, natutunan ko tanggapin ’yong legs ko. Yes, it’s not straight. […] Parang parenthesis, ’yon ’yong sinasabi nila, but wala, eh. Parte siya ng pagkatao ko.” –Kathryn Bernardo.

Sakang ang tawag sa mga binti na kapag pinatayo ng tuwid ay makikita na magkalayo ang mga tuhod kahit na sila ay pagdikitin pa. Ang tawag sa Ingles ng sakang ay “bow legs” dahil sa hugis-pana ang hitsura ng mga binti kapag tiningnan sa malayo.

Tulad ni Kathryn Bernardo, maraming mga tao ang nakararanas ng pagkakaroon ng sakang na paa. Isa ito sa mga alalahanin na mayroon ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Ngunit paano nga ba ito haharapin ng mga bata? Ano ba ang mga dahilan kung bakit nagiging sakang ang isang tao? May mga gamot at tritment ba ito? Paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na may sakang na paa.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga kasagutan sa katanungan.

Paano nagkakaroon ng sakang na paa?

Ang bow legs ay ang nakakurbang mga binti palabas habang ang paa at bukong-bukong ay magkadikit. Madalas ang mga baby o malilit na bata ang may sakang na paa. Minsan, makikita rin ito sa adult.

Hindi naman ito madalas na seryoso at kadalasan na naitatama ito kahit walang tritment. May pagkakataong naaayos ito kapag ang bata ay nasa 3-4 taong gulang. Kadalasan din ay nagiging tuwid na ang mga binti kapag ang bata ay nasa edad na 7 o 8.

Nagkakaroon ng sakang na paa ang isang bata dahil may pagkakataon na “inborn” na sa kanila ito. Ibig sabihin ipinanganak sila na mayroon na nito. Ang isa sa tinitingnan na anggulo kung bakit nangyayari ito. Sa kadahilanang para magkasya ang baby sa small space ng sinapupunan ng ina. Ang kanilang mga binti ay nakatiklop o tinitiklop para magkasya. Ito ay tinatawag na physiologic bow legs. Kung saan sinasabi ng mga doktor na normal lamang ito sa child’s growth at debelopment nila.

Subalit ang sakang na paa ay maaaring sanhi din ng mas seryosong medikal nal kondisyon tulad ng:

  • Knee injury o impeksyon
  • Blount disease (isang sakit sa paglaki na nakaaapekto sa legs condition)
  • Rickets (problema sa paglaki ng buto dahil sa kakulangang ng bitamina D o calcium)

Tandaan: Minsan ang rickets ay nasa genes ng pamilya. Ito ay isang genetic problems na nakaaapekto sa kung paano ginagamit ng katawan ang bitamina D.

Epekto ng sakang na paa

sakang na paa

Kagaya ng mga sinabi, hindi seryosong alalahanin ang bow legs. Dahil hindi nito maaapektuhan ang abilidad ng bata sa paglalakad, paggapang at pagtakbo. Subalit hindi maiiwasan na mag-alala ng mga magulang sa anak. Dahil sa itsura nito at awkward walking pattern. Minsan dahil sa pagkakaroon ng sakang na paa. Maaaring ginagamit nila ang “walk with the toes pointed inward” o tinatawag na (intoeing o pigeon-toes) sa paglalakad. Kaugnay nito maaari silang madapa at maging clumsy. At sa teenage years naman, maaaring maging dahilan ito ng discomfort ng kanilang ankles, knees at hips.

Sino ang madalas na mayroong sakang na paa?

  • Mga taong sobra sa timbang
  • Batang mga maagang natutong maglakad
  • Pagkakaroon ng family member na may ganitong kondisyon

[embed-health-tool-bmi]

Paano nada-diagnose ang sakang na paa?

Kapag pinatsek ninyo ang bata sa health care provider. Sila ay magsasagawa ng exam at hihingin sa inyo ang medical history. Subalit hindi tinetest ang batang mas mababa sa 2 taon. Sa halip imomonitor nila ang bata para ma-make sure na maayos ito sa paglaki ng bata.

Ngunit ang ibang bata ay kinakailangan matsek ng orthopedic doktor kung sila ay:

  • May sintomas ng pananakit, pagkamahina, problema sa pagtakbo at pipilay-pilay
  • Ang binti ay hindi na-straight sa sariling paraan habang lumalaki
  • Mapapansin na ang bowing ay asymmetric (ang binti ay bowed sa magkaibang digri)

Kadalasan din na kinakailangan ng X-ray para makita kung may Blount disease ba o rickets. Kung suspected na may rickets, malamang na kailanganin ang blood test. Para mas maging accurate ang diagnosis.

Paano ginagamot ito?

Hindi kinakailangan ng tritment ang sakang na paa, dahil kadalasan nako-correct ito habang lumalaki ang bata. Subalit kung ang bata ay mas malalang kadahilanan kung bakit naging sakang. Narito ang mga maaaring irekomenda na paggamot ng mga doktor:

  • Kung lalabas sa diagnosis na may Rickets ang bata. Ginagamot ito sa pamamagitan ng pag-take ng vitamin D at calcium. Dagdag pa rito, dahil ang Rickets ay sanhi ng genetic condition. Maaaring mangailangan ng specialized treatment ng isang endocrinologist ang bata. 
  • Kapag ang bata ay natuklasan na may Blount disease at ito ang pangunahing dahilan kung bakit naging sakang ang bata. Maaaring irekomenda ng doktor ang pagsasagawa ng surgery o pagkakaroon ng brace para sa anak.

Ano ang tulong ang maaaring gawin ng mga magulang?

Ang pagkakaroon ng sakang na paa ng isang bata ay maaaring magdulot sa kanila ng stress at mababang self-confidence. Kaya bilang magulang, bukod sa maaari nating ibigay na medikal na atensyon sa mga anak. Kinakailangan din na mabigyan ng suporta at pagtanggap ng magulang ang kalagayan ng binti at paa ng bata. Narito ang ilang tips para masuportahan ng magulang ang anak sa emosyonal na aspeto:

  • Iparamdam sa anak na hindi kawalan o walang masama sa pagiging sakang.
  • Tratuhing normal ang pagkakaroon ng sakang na paa.
  • Maging confident para sa anak, nang sagayon ay maisip ng bata na walang mali sa kanya at tumaas ang self-esteem.
  • Ipaliwanag sa anak na hindi dapat husgahan ang abilidad ng isang tao sa pagiging sakang. Dahil may kakayahan pa rin ito na gawin ang mga bagay na nagagawa ng mga batang may tuwid na binti.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng sakang na paa ay hindi hadlang para lumaking masaya at malusog ang isang bata. Maaari pa rin gawin ng anak ang mga bagay na ginagawa ng mga taong hindi sakang. Laging tandaan na ang sakang na paa ay naaayos habang lumalaki ang bata. Subalit kung may mas malala pang sintomas at epekto ang makikita dahil sa bow legs. Magpakonsulta agad sa doktor para sa agarang medikal na atensyon.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Self-Acceptance: The Foundation of Mental Health and Wellbeing https://www.youcandoiteducation.com.au/2019/11/15/self-acceptance-the-foundation-of-mental-health-and-wellbeing/ Accessed March 17, 2022

Greater self-acceptance improves emotional well-being https://www.health.harvard.edu/blog/greater-self-acceptance-improves-emotional-well-201605169546#:~:text=Self%2Dacceptance%20is%20defined%20as,people%20have%20low%20self%2Dacceptance. Accessed March 17, 2022

Kathryn Bernardo to haters calling her “sakang”: “I love my legs! Si DJ love din ang legs ko! https://www.pep.ph/news/local/151478/kathryn-bernardo-haters-sakang-a716-20200517 Accessed March 17, 2022

Bow Legs (Genu Varum https://kidshealth.org/en/parents/bow-legs.html Accessed March 17, 2022

Bow Legged https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22049-bow-legged Accessed March 17, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement