Bilang mga magulang, hangad ng bawat isa na mapabuti ang kanilang mga anak. Ngunit, paano ito mangyayari kung nakikita nila ang pagtatalo ng kanilang mga magulang?
Sa katunayan, maraming sikolohikal na epekto para sa mga bata ang pagtatalo ng kanilang magulang; mga epektong maaaring makasama at makasira ng kanilang nadedevelop na pagkatao. Kung saan, ang pag-aaway ng magulang sa harap ng bata ay may malaking impact sa kanilang mga anak. Kasama na rito ang ng emotional implications at behavioural effects.
Kaya ang tanong, bilang magulang hahayaan mo bang mangyari ito?
Basahin ang artikulong ito para alamin ang mga impormasyong tungkol sa pag-aaway ng magulang sa harap ng bata.
Dahilan ng Pag-aaway ng Magulang sa Harap ng Bata
Minsan ang pagtatalo ng malusog na pakikipagrelasyon ay normal sa kanilang pagsasama. Nakatutulong ito para mas mapagtibay ang kanilang relasyon at koneksyon.
Subalit, kinakailangan pa rin na maiwasan ito – at higit sa lahat kung anuman ang problema ng mag-asawa ay dapat na pag-usapan.
Alamin ang dahilan ng pag-aaway ng magulang sa harap ng bata para maiwasan ito:
- Responsibilidad sa tahanan
- Pagdidisiplina at pagpapalaki sa bata
- Mga relasyon at ugnayan sa mga kabarkada o kaibigan
- Pag-inom ng alak at iba’t ibang bisyo
- Mga usapin tungkol sa pabahay
- Pagbibigay ng pera at kakulangan sa pinansyal
- Oras ng pag-uwi at pag-alis sa bahay
- Mga kamag-anak
- Pangakong hindi natutupad
- Pagkapagod
- Pang-aabuso (pisikal at sikolohikal)
Kung titingnang mabuti ang pag-aaway ng mag-asawa ay kadalasang nangyayari kapag hindi na nagtatagpo ang kanilang mga kanya-kanyang paniniwala at interes. Mainam na pag-usapan ang mga isyu ng magkapareha sa isa’t isa. Nang sagayon ay hindi maipon ang mga sama ng loob, at mabigyan ng matamang atensyon ang problema. Sapagkat maliit man o malaki dapat na pag-usapan ang suliranin na mayroon sa pagsasama, dahil sa oras na kinimkim ito, maaaring maging dahilan ito ng sama ng loob at mauwi sa mas matinding pagtatalo.
Epekto ng Pag-aaway ng Magulang sa Harap ng Bata: General Effects
Ang pagtatalo ng magkapareha ay maaari ring makita sa hindi pag-uusap ng mag-asawa sa harap ng bata. Ang pag-aaway ng magulang sa harap ng bata ay dahilan para makaramdam ng takot, pagkabahala at stress sa tahanan. Nagiging sanhi ito para maisip ng bata na walang seguridad sa kanilang bahay.
Narito ang pangkabuuang epekto ng pag-aaway ng magulang sa harap ng bata:
- Balisa sa pagtulog
- Paggamit ng droga
- Pananakit ng ulo at tiyan
- Mga sakit sa aspetong pagkain (anorexia at bulimia)
- Mababang self confidence at self esteem
- Kawalan ng gana mag-aral
- Hirap sa pagkakaroon ng pokus
External at Internal na Epekto
Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “Positive and Negative Effects of Parental Conflicts on Children’s Condition and Behaviour”, maraming destructive conflict behaviour ang nakita sa negatibong epekto ng pag-aaway ng magulang sa harap ng bata. Ang mga ito ay dahilan ng emotional implication. Kabilang rito ang mga mas matitinding negative emotional reactions at pagbaba ng emotional security.
Nagkakaroon din ng ito behavioural effects tulad ng pagiging less effective ang problem-solving strategies ng bata.
Dagdag pa ng mga eksperto, maaaring ma-externalize nila ang distress sa form sa:
- aggression
- hostility
- anti-social
- non-compliant behaviour
- delinquency
- vandalism
Maaari rin itong ma-internalize, sa form ito ng mga sumusunod:
Ayon pa kay Catherine Cuenca Gajudo, isang psychometrician, ang pag-aaway ng magulang sa harap ng bata ay magiging sanhi ng pag-iisip ng bata na “natural” lamang ito. Kaugnay nito, maaaring gayahin niya ito, at sa ganitong klaseng sitwasyon hindi malayo na makasanayan ng bata, at hindi sila makaramdam ng pagsisisi dahil ang alam niya ay tama lamang ang kanyang ginagawa.
Dagdag pa ni Mrs. Gajudo, maaaring maging dahilan ito ng pagiging hindi “expressive” o kaya’y pagiging “aggressive” ang bata. Dahil ang galit at saloobin na itinatago niya sa nakita niyang pag-aaway ng magulang ay maaaring gawin o ipasa niya sa iba.
Halimbawa si Juan ay lumaki sa tahanan na halos araw-araw ang pag-aaway ng magulang sa harap ng bata. Kaya naman sa paaralan si Juan ayaw niyang matanong ng kahit ano. Dahil pakiramdam niya na may kailangan siyang itago o ikahiya. Pwede rin naman na si Juan ay maging agresibo at gayahin ang nakikita sa bahay.
Epekto ng Pag-aaway ng Magulang sa Harap ng Bata Sa Hinaharap!
Ang batang nagmula sa high-conflict homes ay kadalasang may poor interpersonal skills, social competence at problem solving abilities. Ang mga epektong ito ay may impact pagdating sa kanilang romantic relationships sa adolescence and adulthood stage.
Narito ang mga sumusunod na problema na maaaring kaharapin ng bata sa hinaharap:
- pagiging negatibo sa sarili
- negatibong pagtingin sa mundo
- paglalarawan sa negatibong paraan ng mga relasyon at family relationships
Ang high-conflict relationship ng isang couple ay maaaring makapag-produce ng iba pang negative relationship sa next generation.
Key Takeaways
Madaling maging magulang, pero mahirap magpakamagulang. Ang magulang ay hindi lamang basta magulang na papakainin, bibihisan at pag-aaralin ang anak. Kinakailangan din nila maging modelo para sa kanilang mga anak. Ang pag-aaway ng magulang sa harap ng bata ay dapat iwasan, dahil sa mga negatibong epekto na maaari nilang maranasan. Sapagkat ang mga epektong ito ay maaaring sumira sa kalaunan ng pagkatao ng isang bata, at maging siklo lang sa bawat henerasyon ang konsepto ng pag-aaway ng magulang sa harap ng bata.
[embed-health-tool-vaccination-tool]