backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Sex Parties, Nagaganap sa Roblox Children’s Game! Alamin Dito

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Sex Parties, Nagaganap sa Roblox Children’s Game! Alamin Dito

    Sa buong mundo, laganap ang sex parties, at lalo pang naging moderno ito sa digital na panahon. Hindi nakapagtataka  na maganap din ito sa mga online platforms gaya ng social media. Alamin dito kung paano nakapasok din sa online children’s game ang sex parties.

    Sex Parties: Sa Mundo ng Pambatang Laro!

    Popular sa mga batang nasa edad ng 9 hanggang 12 ang paglalaro sa gaming platforms.

    Ang Roblox ay isang children’s game na itinatag sa California noong 2004. Ito ay isang smash-hit online game na nilalaro ng halos 200 milyon na tao kada buwan. Ang Roblox Game ay nag-o-offer ng staggering level of creativity. Maaaring i-download ang software para makagawa ang bawat manlalaro ng sarili nilang laro at mundo sa Roblox. At ito ang nag-lead sa mga manlalaro na makabuo ng sex games kung saan maaari itong salihan ng mga bata.

    Ano Ang Nagaganap sa Sex Parties Condos ng Roblox

    Ang children’s gaming platform na Roblox ay nagagamit sa sex parties at nagfe-features ng strippers at mga nakahubad na avatars na nagsi-simulate ng sex. Ayon sa mga imbestigasyon, ipinapakita na ang Roblox ay naglalaman ng sexually explicit games na kinikilala bilang “condos”. Ang ilan sa mga room ay ginawa para sa explicit activity tulad ng group sex. Pinag-uusapan din nila sa loob ng room ang mga sexually explicit topic at nag-e-engage ng virtual sex.

    Ang mga avatar ay maaaring makipag-communicate gamit ang dialogue boxes ng laro. Ayon kay Dr. Liraz Margalit, isang digital psychologist na nag-aral tungkol sa behaviour online – ang users ay “anonymity”. Kung saan inilalagay nila sa chat boxes ang mga bagay na hindi nila masabi ng malakas.

    Roblox Sex Parties: Paano Ito Inaksyunan?

    Ayon sa spokesman ng Roblox, alam nila na may extremely small subset ng users na sadyang sumusubok na labagin ang mga patakaran. Gayunpaman, nagsagawa pa rin sila ng safety review sa bawat larawan, video at audio file na ina-upload sa Roblox. Ito ay sa pamamagitan ng human at machine detection.

    Noong 2021 nag-implement sila ng multiple new machine-learning-based systems. Napansing tumaas ang bilang ng human moderators reviewing para sa bad content ng Roblox. 

    Bilang resulta 84% ang naging pagbaba sa bilang ng mga user na exposed sa pag-violate ng kanilang polisiya.

    Sa ngayon, patuloy pa rin sila sa pag-improve ng kanilang proactive at reactive detection methods.

    Paano Nakakapasok Sa Sex Parties Condos Ang Mga Bata?

    Kung hindi ito sadyang hahanapin at ise-search, imposibleng makita ng mga bata ang room para sa explicit activity sa Roblox.

    Sa ngayon, sinisikap ng Roblox na pigilan ang tao sa pagbuo ng sex parties sa kanilang online platform. Pero dahil maraming tao ang nais pa rin itong gawin, nakabuo sila ng bagong trick para magawa ang sex parties. Dapat alam ng mga magulang ang new trick na ito. Mahalaga ito para mabantayan ang kanilang mga anak at maiwasan ang exposure sa sex parties.

    Narito ang mga sumusunod na hakbang:

    1. Para magsimula, mag-download o pumunta sa discord para mag-log in.
    2. Kapag nasa discord ka na, i-search ang salitang “Roblox Condo”.
    3. Maraming lalabas na condo servers para sa recommendation, maaaring pumili at sumali.
    4. Sa oras na matanggap ka, otomatiko na makikita mo ang links na magle-lead sayo sa sex parties sa Roblox.
    5. Pumunta at i-click ang URLs para direktang mapunta sa sex parties ng Roblox.
    6. Mula doon, i-click ang “Play” button para makapaglaro.

    Sino Ang Mga Nakakaalam ng Sex Parties sa Roblox?

    Karamihan ng mga bagong manlalaro sa Roblox ay walang alam sa sexually explicit games na nakatago sa platform. Para makita ang sex parties sa Roblox, karaniwang makakatanggap ng invitation mula sa isang hindi kakilalang tao na mag-e-encourage sa mga bata na sumali.

    Pagbibigay-diin rin ng spokesperson ng Roblox, hindi nila tino-tolorate ang sexual content o behaviour. Kaya gagawa sila agad ng aksyon sa oras na makakita sila ng mga nagbre-breach sa kanilang Community Standards.

    Mga Halimbawa ng Roblox Sex Games

    Ang paglalaro ng Roblox ay naging libangan nang marami. Narito ang ilan sa mga Roblox Sex Game na dapat mong malaman kung ikaw ay isang magulang:

    1. Shower Simulator

    Sa larong ito, ang mga manlalaro ay sabay-sabay na maliligo anuman ang iyong kasarian. Ang mga players ay papasok sa shower room at nakasuot ng swimsuit clothes. Ang mga kasuotan ay maaaring hindi pa angkop sa mga bata para tingnan o panoorin. Lalo na involve dito ang sexual content at erotic conversation sa pagitan ng mga manlalaro.

    2. Dance Club

    Ang mga manlalaro ay ipapakita ang kanilang dancing skils sa pamamagitan ng sexy moves. Dahil dito maaaring makakita ang mga bata ng romantic scenes.

    Mga Epekto ng Roblox Sex Parties

    1. Epekto sa Pag-aaral

    Maraming mga bata ang mas gustong maglaro online kaysa mag-aral. Apektado ang kanilang academic performance dahil unti-unting mawawala ang kanilang interes sa pag-aaral dahil addicted na sila sa paglalaro.

    2. Epekto sa Kalusugan

    Ang batang naglalaro ng Roblox ay maaaring magkaroon ng sleep deprivation dahil sa dalas ng exposure. Mahihirapan ang mga bata na makatulog sa tamang oras. Kapag kulang sa tulog ay maaari itong mag-lead sa psychological problems o problema sa pag-iisip.

    3. Epekto sa Pag-uugali

    Dahil sa paglalaro nito, maaaring mag-cultivate ang aggressive behavior ng mga bata. Sila ay maaaring mag-react ng wala sa lugar at mawalan ng pasensya agad. Ang default nature ng mga bata ay magiging invisible. At sa isang punto nagiging uncontrollable sila.

    Key Takeaways


    Anumang nakikita ng mga bata ay maaari nilang gayahin o tularan. Kaya nakababahala para sa mga bata na ma-expose sa sex parties. Kailangang subaybayan at gabayan ang mga bata sa wastong paggamit ng online platforms. Ang pagkaka-expose ng mga bata sa sex parties ay maaaring magresulta ng iba’t ibang problema sa kalusugan, pag-uugali at pag-iisip. Kaya dapat lamang na bilang mga nakatatanda ay protektahan sila mula sa exposure sa sex parties. Ito’y para magkaroon din ang mga bata ng sekswal na kaayusan habang sila ay lumalaki.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jezreel Esguerra, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement