Habang lumalaki at tumatanda ang ating mga anak, ang mga parenting strategies natin ay nade-develop din. Totoo naman na ang guidance na kailangan ng grade-schoolers ay iba para sa isang nagdadalaga o nagbibinata. Sa buong “edad at yugto” ng isang bata, kakailanganin nila ang iyong suporta at pangangalaga. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa pag-aalaga mula baby hanggang teenager.
Ang Mga Yugto Ng Pag-Unlad Ng Bata
Ang “mga edad at yugto” na alam ng maraming tao ay tumutukoy sa sumusunod:
- Infancy ( Kapanganakan hanggang 1 taong gulang)
- Toddlerhood at Preschool ( 1 – 5 taong gulang)
- School-age (5-12 taong gulang)
- Adolescence (12 – 18 taong gulang)
Sa bawat stage, iba’t-ibang milestones ang nakikita ng mga magulang. Ito ang mga partikular na gawain na maaaring makamit ng karamihan sa mga bata sa parehong edad. Ang milestones ay maaaring hatiin sa ilang aspeto: motor o pisikal, socio-emotional, cognitive, at wika at komunikasyon.
Dahil magkakaiba ang milestones sa bawat yugto, kailangang ayusin ng mga magulang ang kanilang parenting strategies o pag-aalaga mula baby hanggang teenager.
Tandaan na ang mga bata ay may mga natatanging katangian. Kung ano ang naging mahusay para sa iyong panganay ay maaaring hindi epektibo para sa iyong iba pang mga anak.
Pagiging Magulang Sa Sanggol
Ang unang taon ng iyong sanggol ay literal na puno ng mga una.
Masasaksihan mo ang kanilang unang pagtatangka sa pag-upo at pagsasalita. Ang madalas na pakiramdam ng mga magulang ay lumalaki ang kanilang anak nang napakabilis sa panahon ng infancy: kailan lang ay hindi nila maiangat ang kanilang ulo, ang kasunod ay nakakadapa na sila.
Ang ilan sa mga alalahanin sa yugtong ito ay:
- Pagbabakuna
- Shaken baby syndrome
- Sudden Infant Death Syndrome
- Pagpapasuso at pagpapakain ng mga solid food
- Kahirapang matulog (ilang mga sanggol ay hindi makatulog!)
- Diaper rash
Pagiging Magulang Sa Toddler
Sa sandaling umabot sila sa pagkabata, ang kanilang pisikal na paglaki ay kadalasang bumabagal, pero ang kanilang cognitive development ay hindi.
Sa toddlerhood madalas nangyayari ang unang paghakbang ng sanggol. Kasunod nito ay pagala-gala na sila sa bahay na parang maliit na explorer. Ang kanilang bokabularyo ay lumalawak din nang husto, at sila ay nakakuha ng mas mahusay na kontrol sa kanilang katawan.
Huwag magtaka kung ang iyong paslit ay tila medyo lumalaban. Ayon sa mga eksperto, ito ang kanilang paraan ng independence dahil mas alam na nila ang kanilang sarili. Kailangan ng pag-aalaga mula baby hanggang sa edad na ito.
Ilan sa mga concerns sa panahon ng toddlerhood ay:
- Kaligtasan sa tahanan
- Toddler tantrums
- Potty training
- Language o speech delay
- Hindi pa nakakalakad
Pagiging Magulang Sa Preschooler
Sa panahon ng preschool, ang physical development ng iyong anak ay mabagal pa rin, pero sila ay patuloy na tumatangkad at bumibigat.
Bukod dito, patuloy ang development nila socially, emotionally, at intellectually. Kapansin-pansin ito mula baby hanggang umabot sa pagiging teenager.
Ilan sa mga concerns sa panahong ito ay:
- Mapili sa Pagkain
- Hindi tumatangkad gaya ng inaasahan
- Preschooler tantrums
- Bangungot at night terrors
Pagiging Magulang Sa School-Age Na Bata
Ang mga batang pumapasok na sa paaralan ay mas lumalakas ang pangangatawan at mas coordinated at maaari na silang pagkatiwalaan ng mas komplikadong mga gawain. Nasa proseso din sila na matutunan ang mga emosyon at diwa ng pagkakaibigan.
Ang mga karaniwang alalahanin sa school-age na bata ay:
- Pagtatakda ng mga limitasyon at disiplina
- Diet at Nutrisyon
- Posibilidad ng isang disorder sa pag-uugali
Pagiging Magulang Sa Teenager
Ang mga teenager ay nasa isang transisyonal na panahon: sila ay mga bata pa, pero dahan-dahang papunta na sa pagiging adults. Natututo silang maging kung sino sila na may sariling mga kaibigan, na may mga layunin at adhikain na nais nilang makamit.
Dahil madalas nilang “subukan” ang kanilang mga limitasyon, kung minsan ang tingin ng mga magulang ang mga taong ito ay rebellious stage. Pero sa wastong paggabay at pagtitiyaga, maaari mo silang hubugin na maging maayos at magalang na mga adults.
- Unang regla
- Pagpapatuli
- Mental health issues
- Bullying
- Health risks gaya ng violence at pag-inom ng alak
Mga Karaniwang Isyu Sa Kalusugan Ng Bata
Ang pagiging magulang at pag-aalaga mula baby hanggang teenager ay nangangahulugan na kailangang maghanda para sa mga bagay na kakailanganin nila anuman ang kanilang edad.
Halimbawa, habang karamihan sa mga bakuna ay ibinibigay bago ang unang kaarawan ng isang bata, ang ilang mga bakuna ay maaaring ibigay sa school-age years.
At syempre, andyan din ang mga nakakahawang sakit at mga problema sa kalusugan sa pagitan ng mga stages. Dahil dito, kailangan mong malaman ang tungkol sa mga sintomas ng isang may sakit na bata.
Mga Paalala Sa Pag-Aalaga Mula Baby Hanggang Teenager
Sa panahon ngayon, ang maging magulang mula sa sanggol hanggang sa mga taon ng teenager ay totoong mahirap. Lalo na kung kailangan suportahan at gabayan ang higit sa isang bata sa tahanan, sa iba’t ibang yugto. Gaya ng nabanggit kanina, ang mga diskarte sa pagiging magulang na epektibo para sa isang bata ay maaaring hindi maganda sa iba.
Kung napansin mong nahihirapan ang iyong anak sa anumang aspeto ng kanilang buhay – pisikal, mental, sosyal, o emosyonal, kumunsulta sa isang healthcare professional para maiayos ang mga isyung ito.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]