backup og meta

Ano Ang Puberty? Heto Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Ano Ang Puberty? Heto Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Ano ang puberty? Mahalagang panahon sa buhay ng isang batang lalaki o babae ang puberty. Dito sumasailalim ang kanilang katawan sa mga pagbabago bilang paghahanda sa kanilang pagtanda. Karaniwang nagsisimula ang prosesong ito sa edad na 12 at 16 para sa mga lalaki, at sa pagitan ng edad na 10 at 14 para sa mga babae. Magkaiba ang mga pagbabagong nagaganap sa lalaki at babae.

Ano ang mga pagbabagong nagaganap tuwing puberty?

Mga babae

Pinakaunang senyales ng pagbabagong nangyayari sa puberty ng mga babae ang development ng kanilang suso. Maaari silang makaramdam ng paminsan-minsang pananakit sa ilalim ng nipples habang patuloy na lumalaki ang kanilang suso. Huwag mag-alala dahil normal ito. Kumukurba din ang katawan ng mga batang babae at tumataba rin ang kanilang mga balakang. Ang pagkakaroon ng unang regla ang isa sa mga pinakamalaking pagbabago na nararanasan ng isang nagdadalagang babae.

Mga lalaki

Kapag nasa puberty ang mga batang lalaki, karaniwang lumalaki ang kanilang mga testicle at penis. Lumalaki ang kanilang mga muscle, lumalapad ang kanilang mga balikat, at lumalalim ang kanilang mga boses. Tumutubo rin ang mga buhok nila sa mukha.

Maaari ding magsimulang magkaroon ng acne ang mga binatang lalaki at dalagang babae. Pwede rin nilang maranasan ang mabilis na pagtangkad sa susunod na 2 o 3 taon o hanggang sa kanilang pagtanda.

Karaniwan ding senyales ng puberty sa mga batang lalaki at babae ang pagtubo ng buhok. Madalas nilang makikita na tumutubo ang maliliit na buhok sa ilalim ng mga kilikili at paligid ng ari. Nagsisimulang tumubo ang buhok nang manipis at kalat-kalat. Habang dumaraan sila sa puberty, nagiging mas mahaba at mas makapal ito.

Anong nangyayari sa loob ng katawan tuwing puberty?

Kapag tumuntong na ang isang bata sa tiyak na edad, naglalabas ang kanilang utak ng special hormone na tinatawag na gonadotropin-releasing hormone o GnRH. Responsable ang hormone na ito sa paglabas ng dalawa pang puberty hormone sa daluyan ng dugo. Una rito ang luteinizing hormone, ang nagdudulot ng ovulation sa mga batang babae at nagpapasigla ng produksyon ng testosterone para sa mga batang lalaki. Pangalawa ang follicle-stimulating hormone, ang tumutulong sa pagmonitor ng growth at development ng mga reproductive process ng katawan ng mga binata at dalaga. Parehong may mga ganitong hormone ang mga batang lalaki at babae.

Para sa mga batang lalaki, responsable ang mga hormone na ito sa paggawa ng testosterone at sperm sa testes. Responsable ang testosterone sa karamihan ng mga pagbabago sa katawan ng isang lalaki tuwing puberty, kabilang dito ang itsura at paglaki.

Sa mga batang babae, tina-target ng mga hormone na ito ang mga ovary at nakatutulong sila sa paggawa ng isa pang hormone na tinatawag na estrogen. Responsable ang estrogen sa pag-monitor ng menstrual cycle at pagkontrol ng cholesterol level.

Mga pagbabago ng mood sa puberty

Mahirap na panahon para sa binata at dalaga ang puberty. Maraming pagbabago ang nangyayari sa kanilang katawan. Kailangan na nilang danasin ang acne at body odor, kaya nakararamdam sila ng pag-aalala sa sarili. Nakararanas ang mga bata ngayon ng mga bagong sitwasyon at damdamin na maaaring makaapekto sa kanilang sikolohikal at emosyonal na kalusugan.

Maaari ding isang nakalilitong panahon para sa mga binata at dalaga ang puberty. Hinaharap nila ang mga pagbabago ng kanilang katawan. Iyon ang dahilan kung bakit malaki ang posibilidad para sa mga bata na makaranas ng paiba-ibang emosyon tuwing puberty. Maaari silang magpakita ng biglaang mood swings o agresyon. Maaari din silang magkaroon ng mababang self-esteem o mga problema sa itsura ng kanilang katawan. Sa ilang pagkakataon, nagkakaroon sila ng depresyon. Sa mga panahong ito, mahalaga ang gabay at suporta mula sa mga magulang.

Sexual drive

Habang aktibo ang mga hormone, maaaring maging mas sexually aware ang iyong tinedyer at tuklasin ang kanilang katawan pati na rin ang kanilang mga damdamin para sa iba. Maging bukas sa iyong anak tungkol sa kung paano naaapektuhan ng puberty ang kanilang mga katawan upang malaman nila kung ano ang dapat asahan, at hindi sila matakot o mataranta sa alinmang emosyon at pisikal na pagbabago na kanilang nararanasan.

Sa oras na ito, maaaring magandang ideya din na kausapin sila tungkol sa sex. Tandaang mas mabuti ang pagbabahagi ng mabuti at tamang impormasyon kaysa sa pagkakalat ng takot at hindi pagkakaunawaan, dahil lubos na makakaapekto ito sa tingin nila sa kanilang mga sarili, pag-intindi sa sex at mga relasyon, permiso, at iba pa.

Key Takeaways

Kung isa kang magulang ng bata na dumaraan sa puberty, maaaring makaranas ka ng mga problema kasama ang iyong anak. Kaya naman mahalagang panatiliing bukas ang inyong komunikasyon. Mahalaga ring malinaw na pag-usapan ang mga tuntunin at mga inaasahan. Tandaan ding mahalaga sa bata sa panahong ito na magkaroon ng kalayaan ngunit kailangan din ang malinaw na pagbibigay at pakikipag-usap tungkol sa limitasyon.

Matuto pa tungkol sa Adolescents dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Puberty, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/puberty , Accessed September 9, 2021 

Puberty: Adolescent Male, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/puberty-adolescent-male, Accessed September 9, 2021 

Stages of puberty: what happens to boys and girls, https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/stages-of-puberty-what-happens-to-boys-and-girls/, Accessed September 9, 2021 

Everything You Wanted to Know About Puberty, https://kidshealth.org/en/teens/puberty.html, Accessed September 9, 2021 

Puberty, https://medlineplus.gov/puberty.html, Accessed September 9, 2021 

Genital HPV Infection – Fact sheet, https://www.cdc.gov/std/hpv/stdfact-hpv.htm, Accessed January 16, 2021

Kasalukuyang Version

01/19/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Problema sa Kalusugan ng Teenager: Heto ang Dapat Alamin ng Magulang

Anong pakiramdam ng may kambal sa buhay? Alamin dito!


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement