backup og meta

Masustansyang pagkain ng bata: Heto ang mga dapat mong malaman

Masustansyang pagkain ng bata: Heto ang mga dapat mong malaman

Sa Pilipinas, talamak ang matinding malnutrisyon. Sa ulat ng Save the Children noong 2018, ang Pilipinas ay nasa ika-104 sa 175 na bansa para lumaki ang mga bata. Ang malnutrisyon sa mga bata ay isa sa mga ugat na dahilan sa pagbaba sa pandaigdigang ranggo ng bansa. Mahalaga ito para sa gobyerno at mga magulang na magtrabaho tungo sa pagbibigay ng masustansyang pagkain ng bata.

Balanseng diet para sa mga bata

Ang balanseng diet para sa mga bata ay mahalaga para sa pisikal at mental development. Nakakatulong ito sa pag-iwas sa iba’t ibang kondisyon sa kalusugan. Ang isang malusog na balanseng diet para sa mga bata ay nagbibigay ng maraming benepisyo, kabilang ang:

  • Mapatatag ang enerhiya 
  • Mapabuti ang kanilang pag-iisip 
  • Balansehin ang kanilang mga mood 
  • Panatilihin ang malusog na timbang 
  • Pag-iwas sa mga mental health condition tulad ng depresyon at pagkabalisa

Ang masustansyang pagkain ng bata ay nagpakita din na maiwasan ang mga sakit na ito: 

  • Mataas na presyon ng dugo 
  • Sakit sa puso 
  • Kanser
  • Type 2 diabetes
  • Kakulangan sa iron
  • Osteoporosis
  • Dental cavities

Mas malamang na manatili ang good eating habits sa isang tao kung ito ay ginagawa mula pa sa pagkabata. Kaya mahalagang masanay sa masustansyang pagkain at panatilihin ang balanced diet hanggat maaga.

Ang nutritional needs ng isang bata ay dapat sumunod sa parehong mga prinsipyo tulad ng sa isang adult. Nangangailangan ng parehong nutrients ang bawat indibidwal para bumuo at mapanatili ang katawan at isip. Ang balanseng diet para sa mga bata ay naiiba lamang sa dietary needs ng teens at adults sa kinakailangang dami ng sustansya.

Narito ang ilang mga opsyon sa diet na dapat isaalang-alang upang magbigay ng balanseng diet para sa mga bata:

Protina

Pumili ng mga pagkain tulad ng seafood, karne na walang taba, manok, itlog, beans, peas, soy, nuts, and seeds, para sa malusog na dami ng protina.

Prutas

Mahalaga para sa masustansyang pagkain ng bata ang mga prutas. 

Ang mga katas ng prutas ay hindi eksaktong katumbas ng prutas mismo. Bilang karagdagan, ang katas ng prutas ay karaniwang may unwanted sugars at preservatives. Nagdaragdag sa calories ang mga ito at may hindi malusog na sangkap sa bata. Ang paminsan-minsang katas ng prutas ay mainam hangga’t ito ay 100% pure, at walang mga sweetener na idinagdag.

Ang canned fruits ay ay madaling ihanda at ihain para balanseng diet ng bata. Gayunpaman, mag-ingat na ang ilan sa mga de-latang delicacy na ito. Maaaring may mga asukal at preservative ang mga ito na hindi malusog para sa mga bata. Maghanap ng mga de-latang prutas na lightly packed sa sarili nitong juice. Dahil ito ay mas mababa ang asukal kumpara sa iba pang mga de-lata. Gayundin, tandaan na ang dried fruit ay may mas maraming calorie kaysa sa mga sariwang prutas.

Ang pagkain ng labis na dami ng dried fruits ay maaaring makadagdag sa mga hindi kailangang calorie.  

Gulay

Tulad din ng mga prutas, ang mga gulay ay mahalaga sa masustansyang pagkain ng bata. Bigyan ang mga bata ang iba’t ibang de-lata, frozen, sariwa o dried vegetables. Gayunpaman, ang mga de-lata, frozen, at pinatuyong gulay ay maaaring maglaman ng unwanted ingredients. Maghanap ng mga mababa ang sodium para mapanatili ang malusog na pagkain. Kapag sariwa, subukang magbigay ng iba’t ibang uri ng gulay.

Mga Butil

Pagdating sa mga butil, ang pagiging mapili ay maganda. Ang grains tulad ng white bread, pasta, o white rice ay hindi perpekto para sa paglaki ng bata. Sa halip, pumili ng whole grains kapag nagpapakain ng mga bata. Ang oatmeal, popcorn, quinoa, o brown o wild rice ay magandang opsyon para sa masustansyang pagkain ng bata.

Dairy

Ang dairy ay bahagi rin ng balanseng diet para sa mga bata. Gayunpaman, hindi lahat ng dairy ay balanse ang pagkakagawa. Kapag naghahanap ng mga dairy para sa mga bata, pumili ng mga item na mababa o walang fat. Yogurt, gatas, keso, at soy ay kabilang sa mga mahusay na pagpipilian.  

Mga hindi dapat kainin

Dapat alalahanin ng mga magulang ang paglilimita sa dami ng ilang sangkap na iniinom at kinakain ng kanilang mga anak.

Ang asukal ay nagdaragdag ng mga calorie sa isang pagkain. Ang added sugar tulad ng white sugar, corn sweetener, syrup, at honey ay dapat maingat na subaybayan para sa diet ng bata. Dapat na tingnan at bawasan ang sources ng saturated fats tulad ng red meat at dairy products na puno ng taba. Kailangan ding  palitan ng mga magulang ang mga ito ng healthier food tulad ng mga vegetable nuts and oils. 

Panghuli, limitahan ang pagkain sa mga fast food restaurant at pagkonsumo ng junk foods.

Paano suportahan ang balanseng diet para sa mga bata

Narito ang ilang posibleng paraan para suportahan ang balanseng diet para sa mga bata. 

Mahalaga ang almusal

Ang balanseng almusal ay mahusay na paraan na mapunan ang mga sustansya na ginamit sa pagtulog ng isang bata. Isa rin itong magandang paraan para simulan nila ang araw na puno ng energy.  

Unahin ang oras ng pagkain

Mahalagang itanim ang good healthy eating habits sa mga bata. Nagbibigay din ito ng pagkakataon sa mga magulang na magkaroon ng oras at makipag-bonding sa kanilang mga anak.

Isali ang mga bata sa pagpili ng pagkain

Hayaan ang mga bata na pumili ng gusto nilang pagkain. Ito rin ang naghihikayat sa kanila na kumain.  

Lumipat sa masustansyang pagkain ng bata

Maging mabuting halimbawa. Bagama’t ang isang complete makeover ng refrigerator ay maaaring masyadong mabigat, ang pagpili ng mas masustansyang pagkain ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pamilya at mga anak. 

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://familydoctor.org/nutrition-tips-for-kids/ date accessed 4/25/2020

https://news.abs-cbn.com/news/05/31/18/ph-ranks-104th-among-best-worst-countries-for-children  date accessed 4/25/2020

https://www.cdc.gov/healthyschools/nutrition/facts.htm  date accessed 4/25/2020

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/nutrition-for-kids/art-20049335  date accessed 4/25/2020

https://www.healthychildren.org/English/healthy-living/nutrition/Pages/Childhood-Nutrition.aspx  date accessed 4/25/2020

https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/programs-and-projects/news-and  date accessed 4/25/2020

-announcement/766-what-is-the-latest-in-the-nutrition-situation-of-the-philippines-find-out  date accessed 4/25/2020

https://newsinfo.inquirer.net/1198944/poor-nutrition-blamed-for-dismal-ph-rank  date accessed 4/25/2020

Dietary Recommendations for Children and Adolescents: A Guide for Practitioners, https://pediatrics.aappublications.org/content/117/2/544#sec-1, Accessed May 24, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement