backup og meta

Mabuting Ugali ng Bata: Paano ito Naituturo?

Mabuting Ugali ng Bata: Paano ito Naituturo?

Ang pangarap ng isang magulang ay ang magkaroon ng anak na may maayos na pag-uugali. Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, nakakabasag ng mga gamit, hindi sumusunod sa salitang HINDI at minsan ay nagdudulot ng sakit sa ulo sa mga magulang. Bagaman ito ay, sa maraming dahilan ay normal, hindi laging ito dapat ang maging realidad. May mga paraan upang mahikayat ang mabuting ugali ng bata. Narito ang mga ilang sistema ng gantimpala para sa mga bata na maaari mong gawin.

Paano Mahihikayat ang Mabuting Pag-uugali sa mga Bata: Sistema ng Gantimpala

Tandaan na ang mga bata ay natural na humihingi ng atensyon mula sa kanilang mga magulang. Kung kaya’t maaaring ulitin nila ang masamang pag-uugali dahil ito ay ang nagtamo ng pinaka maraming reaksyon mula sa kanilang mga Nanay at Tatay. 

Ano ang nararapat ng gawin upang mahikayat ang mabuting ugali ng bata? 

Maging Mahigpit ngunit Nakapapanatag

Makatutulong kung ang mga magulang ay mahigpit sa pagsasagawa ng mga tuntunin at pagpapatupad nito. Kailangang malaman ng mga bata na kapag lumabag sila sa tuntunin, ang kanilang mga magulang ay kikilos. 

Ang mga bata ay kadalasang wala pang sapat na maturity para malaman kung ano ang mangyayari kapag lumabag sila sa tuntunin. Ang iba sa kanila ay iisipin na hihinto na sa pagmamahal sa kanila ang Nanay at Tatay nila. Ito ay hahantong sa walang saysay na takot na kahit kailan ay hindi magandang paraan upang hikayatin sila sa mabuting pag-uugali.

Kaya’t mahalaga na maging mahabagin, ngunit panindigan ang mga sinasabi. Siguraduhin na hindi gumamit ng walang kabuluhan na mga banta. Tulad nito ay ang pagsasabi na hindi mo na sila mamahalin o iiwan mo na sila kung hindi sila susunod.

Laging gumamit ng positive reinforcement sa pagdidisiplina upang mahikayat ang mabuting ugali ng bata. Sa lahat ng sistema ng gantimpala sa mga bata, ito ay napatunayan na mas epektibo kaysa sa iba.

Maging Isang Mabuting Halimbawa

Ang mga bata ay mahusay sa panggagaya. Sinusunod nila ang kanilang nakikita o naririnig, at dahil ang mga magulang ang lagi nilang nakikita, madalas na ginagaya nila ang ugali ng kanilang Nanay at Tatay. Kaya’t ang mga laging nagbabasa ay kadalasan ay nagpapalaki ng mga batang mahilig magbasa, o ang mga sporty na magulang ay nagkakaroon ng mga athletic na anak.

Kung nais mong malaman paano mo mahihikayat ang mabuting pag-uugali sa mga bata, ikaw bilang halimbawa ang pinaka mainam kaysa sa kahit na anong sermon. Kapag nais mo silang matulog nang maaga, kailangan mong matulog din nang maaga. Kung nais mo silang kumain ng mga gulay, kailangan mong ipakita sa kanila na ikaw ay kumakain din ng mga gulay.

“Gawin mo ang sinasabi ko, hindi sa kung anong ginagawa ko,” ay kadalasang hindi gumagana. Ang mga bata ay laging susundin kung ano ang iyong ginagawa, kaya’t mainam na siguraduhin na ikaw ay nagtatakda ng magandang halimbawa.

Gantimpalaan ang Magandang Pag-uugali

Mayroong iba’t ibang sistema sa gantimpala para sa mga bata na naaayon sa kanilang edad. Kung magagawa ang mga ito, ang paghikayat ng mabuting pag-uugali sa iyong mga anak ay magiging madali.

Para sa mga toddlers at preschoolers, maaari kang gumamit ng sticker method na mayroong smiley at sad na mga mukha. Kung nakakuha sila ng tiyak na bilang ng smileys o sad na mukha, makakukuha sila ng alinman sa gantimpala, o ipapaliwanag nila ano ang nangyari sa panahon na iyon.

Gagantimpalaan mo ang kanilang mabuting pag-uugali at sa halip na parusahan sila, malalaman mo ang dahilan bakit ganoon ang reaksyon nila sa partikular na sitwasyon. Makatutulong ito sa bonding ng mga magulang at ng kanilang anak. 

Ang naaakmang sistema ng gantimpala ay nagpapatibay ng mabuting pag-uugali nang hindi nagdudulot ng takot sa bata.

Magtakda ng Malinaw na Limitasyon

Kung ikaw ay nagtakda ng mga tuntunin, kailangan na malinaw ang mga ito. Ang mga tuntunin sa lugar ay kinakailangan ding akma sa edad. Halimbawa: ang mga sanggol at toddlers ay hindi pa kayang intindihin ang mga tuntunin. Alam ito ng mga batang nag-aaral, kaya’t maging malinaw sa alituntunin para sa kanila. Para sa mga sanggol at toddlers, ang pasensya at pagmamahal ay mas mahalaga na ibigay sa stage na ito.

Kung may sinabi ka, kailangan mong tuparin ang mga ito. Kung napagtanto ng mga bata na makapangyarihan ang iyong salita, matututuhan nilang sundin ka sa pamamagitan lamang ng mga salita.

Hayaan ang mga Bata na Makipag-ugnayan

Kung alam ng iyong anak na pakikinggan mo ang kanilang gustong sabihin, magsasabi pa sila sa iyo nang madalas. Ito ay makatutulong sa iyo na mahikayat ang mabuting pag-uugali sa iyong mga anak dahil pagkakatiwalaan nila ang iyong pagpapasiya.

Ang pagde-develop ng kanilang tiwala ay ang pinakamadaling paraan upang mahikayat ang mabuting ugali ng bata. It ay dahil alam nila na naroon ka para sa kanila at nirerespeto mo ang kanilang mga nasa isip at opinyon. 

Hindi ibig sabihin nito na hindi ka na magkakaroon ng mga tuntunin. Ibig sabihin lang na alam nila na ang mga tuntunin ay nasa lugar para sa kanilang pansariling kapakanan. 

Ipaliwanag huwag Iutos

Ang mga bata ay nag e-explore pa sa kanilang mundo. Gusto nilang sumubok ng bagong mga bagay, ngunit minsan, nagsasagawa sila ng mga bagay na peligroso sa kanilang mga kalusugan. Para sa kanilang kaligtasan, nararapat na magpataw ka ng mga tuntunin. Gayunpaman, hindi ito laging magiging maayos dahil ang mga bata ay madalas na gustong makadiskubre ng mga bagong bagay.

Kung maipaliwanag mo kung bakit hindi sila pinapayagan na gawin ang tiyak na bagay at kung ano ang kahihinatnan nito kung hindi nila sinunod ang tuntunin, may mataas na tsansa na susundin ka ng iyong anak. Gayunpaman, kung inutusan mo lang sila, ito ay halos may garantiya na hindi ka nila susundin.

Maaaring mapanghamon na magsagawa ng mga tuntunin upang disiplinahin ang iyong mga anak. Ngunit, kung pag-iisipan ang tungkol sa sistema ng gantimpala at sundin ang mga paraan na nakalista sa itaas, mas madali na mahikayat ang mabuting ugali ng bata. Mayroong mga pangyayari na hindi inaasahan, ngunit sa mahabagin na puso, bukas na komunikasyon, aktibong pakikinig, at mahabang pasensya, siguradong mahihikayat mo ang iyong anak na magkaroon ng mabuting pag-uugali.

Narito ang ilan pang kaalaman sa Pagiging Magulang

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Shape and Manage Your Young Child’s Behavior https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/communication-discipline/Pages/How-to-Shape-Manage-Young-Child-Behavior.aspx Accessed 13 May 2020

How to Encourage Good Behavior in Children https://www.education.gov.gy/web/index.php/parenting-tips/item/1050-how-to-encourage-good-behavior-in-children Accessed 13 May 2020

Encouraging Good Behaviour: 15 Steps https://raisingchildren.net.au/toddlers/behaviour/encouraging-good-behaviour/good-behaviour-tips Accessed 13 May 2020

How to Teach Good Behavior: Tips for Parents https://www.aafp.org/afp/2002/1015/p1463.html Accessed 13 May 2020

7 Tips on Encouraging Good Behaviour in Children http://www.littlezaks.com.au/7-tips-on-encouraging-good-behaviour-in-children/ Accessed 13 May 2020

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano Ang Kinakailangan Na Nutrisyon Ng Lumalaking Sanggol?

Pihikan Sa Pagkain Ang Iyong Preschooler? Heto Ang Dapat Gawin


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement