backup og meta

Underweight Na Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Underweight Na Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Kailangang kumain ng mga bata ng masustansya at balanseng pagkain upang lumaki silang malakas. Gayunpaman, sa kabila ng ilang ulit na pagsisikap ng mga magulang, napakalaking bilang pa rin ng mga bata sa mundo ang underweight. Maaaring maitanong mo sa sarili ang “Underweight ba ang anak ko?”

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa underweight na bata.

Ang Mga Panganib sa Kalusugan Ng Pagiging Underweight

Ang karamihan sa medical research sa weight at paano nito naaapektuhan ang kalusugan ay nakatuon sa mga panganib na dulot ng obesity. Gayunpaman, ang pagiging underweight ay nagbibigay rin ng panganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata.

Malnutrition

Isang pangunahing halimbawa ng mga panganib ng pagiging underweight ay ang malnutrisyon. Kayang pigilan ng malnutrisyon ang development at paglaki ng bata. Bukod pa sa malnutrisyon, maaari ding magkaroon ng anemia ang isang bata na sanhi ng maraming iba pang problema sa kalusugan.

Lumalabas sa isang pag-aaral na ang mga malnourished na bata ay mas mababa ang IQs at mababa ang performance sa mga test tungkol sa memory, learning, at attention.

Kakulangan Sa Bitamina

Maaaring may kakulangan sa bitamina ang isang underweight na bata na pwedeng magdulot ng iba pang problema. Halimbawa, dahil sa kakulangan sa calcium at vitamin D, maaaring magkaroon ng osteoporosis ang isang bata, na may malaking epekto sa kanyang development.

Huminang Immune System

Dagdag pa, ang kakulangan sa nutrisyon ay nagpapahina sa immune system. Mas madaling kapitan ng sakit at impeksyon ang mga batang may mahinang immune system na lalong pipigil sa kanilang paglaki at pag-unlad.

Stunting

Pinipigilan ng malnutrisyon ang mga bata na maabot ang kanilang optimum height at size. Gayunpaman, hindi lamang ang katawan ang apektado nito.

Underweight Ba Ang Anak Ko? Mga Senyales Na Dapat Tingnan

Minsan, mahirap sabihin kung underweight ang isang bata. Ang pinakamainam na paraan upang malaman kung underweight ang isang bata ay sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya sa doktor.

Kayang matukoy ng medical professionals kung nakukuha ng isang bata ang kanyang kailangan para sa kanyang development. Pwede silang gumamit ng mga kagamitan gaya ng BMI o Body Mass Index, at iba pang tests upang matukoy kung underweight ang bata.

[embed-health-tool-bmi]

Kahit ikaw mismo, may ilang mga paraan kung paano mo malalaman kung ang iyong anak ay payat lang talaga o underweight na.

Halimbawa, kung may “lean genes” ang isang bata dahil payat ang kanilang pamilya, malaki ang tsansa na natural sa kanila ang pagkakaroon ng payat na pangangatawan. Ang isang bata ay pwede ring magkaroon ng payat na hubog, na dahilan kung bakit mas magaan sila kumpara sa ibang bata sa ganoong edad at laki.

Bantayan ang ilang mga senyales na maaaring magsabi na ang iyong anak ay underweight. Halimbawa, madalas magkasakit ang isang underweight na bata dahil sa mahinang immune system, at mas matagal bago gumaling mula sa sakit.

Gaya ng nabanggit kanina, karaniwan na ang kakulangan sa vitamins sa mga underweight na bata. Ang ilan sa vitamin deficiencies na nagdudulot ng mabilis na pagkapagod sa mga bata ay ang iron deficiency o ang vitamin B12 deficiency.

Pwede ring bantayan ng mga magulang ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagtatala ng kanilang timbang. Kung hindi nagbago o bumaba ang timbang ng kanilang anak, makabubuti kung bumisita na sa pediatrician. Kailangan na ring magpunta ng magulang at bata sa pediatrician kung napansin nilang hindi kinalalakihan ng kanilang anak ang mga dami nito makalipas ang ilang buwan. Bukod dyan, isang magandang senyales na underweight ang bata ay kapag halatang-halata na ang kanyang tadyang (ribs).

Bakit Nagiging Underweight Ang Bata?

Ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit underweight ang bata ay dahil sa kanyang kinakain. Kung kumakain ng sobrang daming unhealthy snacks ang bata at nilalagpasan ang nakatakdang dapat kainin, maaari siyang magkaroon ng malnutrisyon.

Bukod pa rito, maaaring mali ang klase ng meal plan ng bata. Karamihan sa mga bata ay may maliliit pang tiyan, kaya naman hindi madali para sa kanilang ipasok ang kinakailangang calorie intake sa tatlong meal bawat araw.

Kaya naman, kailangan nila ng healthy snacks sa buong araw upang matulungan silang makuha ang tamang dami ng calories.

May ilang mga disorders o sakit na pumipigil sa bata na madagdagan ang timbang. Halimbawa, nagdudulot ng pagbaba ng timbang ang hyperthyroidism. Ang pagkonsulta sa doktor ang tanging paraan upang tunay na malaman kung may kondisyon ang isang bata.

Ang eating disorders ay isa pang pwedeng dahilan ng pagiging underweight ng bata. Mas madalas itong mangyari sa adolescents at teenagers dahil sa bullying o sa social media concerns.

Isang halimbawa ng eating disorder na nagdudulot ng pagbaba ng timbang ay ang bulimia. Sa eating disorder na ito, ang isang tao ay sobra kung kumain (binge eating) saka pilit tatanggalin sa katawan ang kinain (purging) sa pamamagitan ng pagsusuka at iba pa. Isa pang disorder ang anorexia nervosa. Kung sa palagay mo ay may eating disorder ang iyong anak, kailangan mong humingi agad ng professional help. Ang eating disorder ay maituturing na mental at physical issue.

Paano Matutulungan Ang Bata Na Madagdagan Ang Timbang

Maaaring tumulong ang doktor sa pagbuo ng meal plan upang madagdagan ang timbang ng isang bata. Makatutulong ang pagdaragdag ng mas maraming healthy snacks at maliliit na meals sa pagkain ng bata. Ang mga ito ay makatutulong upang tumaas ang kanyang kinokonsumong calorie at mapalalakas ang kanyang kalusugan.

Pinakamainam kung iiwasang bigyan ng maraming unhealthy, fatty foods ang iyong mga anak. Bagaman ang mga pagkaing ito ay maraming calories, pwede pa rin itong magdulot ng pagiging underweight.

Makatutulong ang pagdadala ng iyong anak sa doktor upang mapalaki sila nang may healthy eating habits.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition, Survival, and Development, https://www.unicef.org/progressforchildren/2006n4/index_howmany.html, Accessed July 4, 2020

Stunting in a nutshell, https://www.who.int/nutrition/healthygrowthproj_stunted_videos/en/, Accessed July 4, 2020

Osteomalacia: Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/osteomalacia/symptoms-causes/syc-20355514, Accessed July 4, 2020

Immune System Disorders, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentID=123&ContentTypeID=134, Accessed July 4, 2020

Cognitive development in children with chronic protein energy malnutrition, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2519065/, Accessed July 4, 2020

Thyroid and Weight FAQs, https://www.thyroid.org/thyroid-and-weight/, Accessed July 4, 2020

Bulimia: Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bulimia/symptoms-causes/syc-20353615, Accessed July 4, 2020

How to help your child gain weight, https://www.stjude.org/treatment/patient-resources/caregiver-resources/patient-family-education-sheets/nutrition-dietary/how-to-help-your-child-gain-weight.html, Accessed July 4, 2020

Kasalukuyang Version

03/24/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sobrang Pagiging Matakaw Ng Bata, Ano Ang Dapat Gawin?

Pampatangkad Na Vitamins Para Sa Bata, Mayroon Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement