Ang peptic ulcers ay mga sugat o lesions sa lining ng tiyan o duodenum, ang unang section ng small intestines. Iba-iba ang mga sanhi ng peptic ulcers sa mga bata, ngunit NSAIDs (non-steroidal anti-inflammatory drugs) at Helicobacter pylori infection ang pinaka-karaniwang nagtri-trigger. Ang dalawang ito ay “nagpapahina” sa gastric at duodenal lining, na ginagawa itong vulnerable sa acid-induced na pinsala. Anu-ano ang mga sintomas ng ulcer sa bata?
Bakit Mahalagang Makita Nang Maaga Ang Sintomas Ng Ulcer Sa Bata?
Bago namin ipaliwanag ang mga sintomas ng ulcer sa bata, bigyang-diin muna natin ang kahalagahan na malaman ito sa lalong madaling panahon.
Kung hindi agarang matugunan, ang peptic ulcers ay maaaring humantong sa mga sumusunod na komplikasyon:
Pagdurugo
Kung ang lining ng tiyan at duodenum ay kinakain dahil sa acid, tataas ang banta ng pagdurugo.
Perforation At Peritonitis
Isa pang posibleng komplikasyon ay ang perforation, kung saan ang sugat ay lumalalim na sapat na bumuo ng butas sa tiyan o duodenum.
Ang perforation ay seryosong alalahanin dahil ang mga natunaw na pagkain at bacteria ay maaaring mapunta sa dapat na sterile abdominal cavity (peritoneum), na naglalaman ng iba pang mga organs sa katawan tulad ng spleen at atay. Ang mga bacteria sa loob ng abdominal cavity ay maaaring humantong sa peritonitis, ang inflammation ng peritoneum dahil sa infection.
Narrowing At Obstruction
At panghuli, kung ang ulcer ay nag-develop sa bahagi na nagkokonekta ng tiyan sa duodenum, ang pamamaga at scar tissue ay mangyayari. Ito ay magpapalawak o maghaharang sa duodenum. Bilang resulta, ang mga pagkain ay nananatiling nasa loob ng tiyan na magiging sanhi ng mga sintomas, tulad ng pagsusuka.
Mapanganib Na Mga Senyales
Ang mga sumusunod na sintomas sa ulcer ng bata ay maaaring magsabi na ang komplikasyon ay nagsisimula na:
Sintomas Ng Ulcer Sa Bata
Upang maiwasan ang potensyal na mga komplikasyon, siguraduhin na dalhin ang iyong anak sa doktor kung naobserbahan ang mga sumusunod na sintomas:
Sakit Sa Tiyan
Ang palatandaan ng sintomas ng ulcer sa bata ay ang ngumunguyang sakit sa epigastric, na mararamdaman sa bahagi ng pagitan ng kanilang breastbone at navel. Madalas mangyari ang pananakit sa umaga o matapos ang pagkain (post-prandial). Ang bata ay maaaring magising din sa pagtulog dahil sa sakit na nararanasan tuwing gabi.
Mahalaga rin na tandaan na ang ibang mga bata ay nakararamdam ng pagkatamlay, at masakit na dibdib.
Pagkahilo At Pagsusuka
Kasama sa sintomas ng ulcer sa bata ay ang pagkahilo at pagsusuka. Minsan, bagaman, ang bata ay maaaring hindi sumuka, ngunit siya ay laging dumighay. Sa ibang mga kaso, mapapansin din ang pagsinok sa mga batang may ulcers.
Pagkawala Ng Gana Sa Pagkain
At sa huli, ang mga batang may ulcers ay maaaring mawala ang gana sa pagkain, dahil lagi nilang nararamdaman ang sakit sa tiyan matapos kumain. Kailangang bantayan maigi ng mga magulang ang pagkawala ng gana ng kanilang anak dahil ito ay maaaring kalaunan na humantong sa pagbawas ng timbang.
Ang Susunod Na Mga Hakbang
Kung mapansin sa iyong anak ang mga sintomas ng ulcer sa bata, humingi ng medikal na tulong sa lalong madaling panahon. Huwag ipagpaliban ang gamutan.
Ipinagbabawal ng mga eksperto na gamutin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa bahay hangga’t hindi pa nasasagawa ang diagnostic at plano sa gamutan. Kung tutuusin, ang mga sintomas na inilarawan sa itaas ay maaaring sanhi rin ng iba pang digestive na kondisyon.
Doktor lamang ang makapagdi-diagnose ng peptic ulcers at makatutukoy ng sanhi.
Sa maraming mga kaso, ang mga bata ay kailangan ng acid-reducing na gamot. Kailangan din nila ng antibiotics upang mawala ang H. pylori bacteria.
Siguraduhin na inumin ng iyong anak ang antibiotics hangga’t kailan ito iniresetang inumin. Ipagpatuloy ang gamutan kahit na sabihin nilang gumaan na ang pakiramdam nila.
Sa bahay, maaaring payuhan ang inyong anak na tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga magpapataas ng produksyon ng acid, tulad ng citrus fruits, kamatis, at kape. Kung sinabihan ka ng iyong anak na ang isang partikular na pagkain ay nagpapalala ng kanilang kondisyon, mainam na iwasan din ito.
Mahalagang Tandaan
Ang peptic ulcer ay nangyayari kung ang acid ay kinakain ang lining ng tiyan o duodenum. At ito ay nagiging sanhi ng bukas na sugat o lesions. Ang palatandaan na senyales ay ang sakit na epigastric. Ngunit ang ibang mga sintomas tulad ng pagkahilo, pagsusuka, at pagkawala ng gana ay maaari ding mangyari.
Ang ulcer ay maaaring humantong sa seryosong komplikasyon. Agarang dalhin ang iyong anak sa doktor matapos na mapansin ang mapanganib na mga sintomas ng ulcer sa bata.
Matuto pa tungkol sa problema sa digestive system ng mga bata dito.