backup og meta

GERD Sa Bata: 6 Sintomas Na Dapat Mong Bantayan

GERD Sa Bata: 6 Sintomas Na Dapat Mong Bantayan

Ang Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) ay isang pangkaraniwang digestive condition sa sanggol; gayunman, maaari din itong mangyari sa mga bata at matatanda. Paano ninyo malalaman kung may GERD ang iyong anak? Alamin dito ang sintomas ng GERD sa bata.

Kahulugan ng GERD

Ang “Gastro” ay tumutukoy sa tiyan, habang ang “esophageal” ay sa esophagus, ang tubong nag-uugnay sa bibig at sa tiyan. Karaniwan, kapag ang pagkain ay umabot sa tiyan, nananatili ito roon at kalaunan ay pinoproseso ng bituka. 

Gayunman, ang pagkain, kasama ang acid sa tiyan, ay dumadaloy paangat (reflux) sa esophagus para sa ilang mga tao.

Ang GERD ay karaniwang nangyayari kapag may problema sa lower esophageal sphincter (Les), isang muscle na bumubukas upang makapasok ang pagkain sa tiyan at magsasara sa sandaling ang pagkain ay naroroon na. Kapag ang Les ay nakakarelaks nang madalas o sa masyadong mahabang panahon, ang daloy ng pagkain at acid ay pabalik (regurgitate).

Paano mo malalaman kung ang iyong anak ay may GERD? 

 Tulad ng nabanggit kanina, ang sintomas ng GERD sa bata ay karaniwan sa mga sanggol dahil ang kanilang mga LES ay mahina at nagdedebelop pa. Ito ang dahilan kung bakit ang kanilang mga pagdighay ay madalas na may kasamang pagkain at likido. Ang mabuting balita ay ang acid reflux sa mga sanggol ay kusang nawawala sa kanilang ika-12 hanggang ika-14 na buwan.

6 Sintomas ng GERD sa Bata

Hindi nawawala ang acid reflux

Sa mga sanggol na nanatili ang acid reflux lagpas sa ika-12 hanggang ika-14 na buwan ay maaaring indikasyon ng GERD. Ang kondisyong ito ay makita kung naging dahilan ang acid reflux sa hindi nila pagkain.

Heartburn 

Kung ang iyong anak ay may sintomas ng GERD sa bata, siya ay maaaring dumaing ng heartburn, isang pakiramdam na parang nag-iinit ang kanilang dibdib. Ito ay kadalasang nangyayari dahil ang esophagus ay hindi para sa acidic content; kaya naman masakit ito kapag isinuka ang pagkain at acid.

Gayundin, obserbahan ang sakit ng tiyan; dahil ang mga batang may GERD ay dumadaing din tungkol dito.

Oral Problems

Ang mga batang may GERD ay nagsisimulang magpakita ng mga problema sa bibig tulad ng mabahong hininga (kahit na regular silang magsipilyo ng kanilang mga ngipin) at pagkaubos ng mga ngipin. Maaaring lumapit sa inyo ang mga bata at dumaing na may maasim na lasa sa kanilang bibig.

Pagdighay 

Paano mo malalaman kung ang iyong anak ay may GERD? Ang isang paraan ay obserbahan ang mga ito tuwing sila ay dumidighay.

Ang GERD ay napadadalas ang pagdighay ng mga bata, at sa karamihan ng mga kaso, mayroon silang “wet burps” o dighay na may ilang acidic fluid. Maaari din silang magkaroon ng wet hiccups (sinok).

Karagdagan, obserbahan kung sila ay susuka, lalo na pagkatapos kumain.

Mga problema sa oras ng pagkain

 Ang isa pang sintomas ng GERD sa bata ay ang kanilang pag-uugali sa oras ng pagkain. Ang mga batang may GERD ay nauunawaan ang pattern ng kanilang mga sintomas na nangyari pagkatapos kumain.

Dahil dito, ang mga sanggol ay maaaring magkaroon ng matindi o hirap mapatahang pag-iyak pagkatapos pakainin. Maaaring tumangging kumain ang mas nakababata o kung kumain man ay kaunti lamang. Mag-ingat sa kanilang pagtanggi sa pagkain dahil maaaring humantong ito sa kakulangan sa timbang.

Biglaang Ubo

 Ang iyong anak ay nakakaranas ng hindi inaasahang pag-ubo, lalo na sa gabi? Maaaring ito ay dahil sa acid reflux na bumabara sa daluyan ng kanilang hangin o baga. Minsan, maaari mong mapansing sila ay nasasakal. 

Kailan dapat humingi ng tulong medikal

 Kapag hindi maagapan, ang GERD ay maaaring humantong sa pangmatagalang komplikasyon tulad ng mga problema sa paghinga at kahirapan sa paglunok dahil sa pinsala sa esophageal. Para sa kadahilanang ito, dalhin ang iyong anak sa doktor kung napansin mo na ang mga sintomas ng GERD sa bata.

Mga home remedies 

 Sa sandaling maramdaman mo na ang iyong anak ay may sintomas ng GERD sa bata, maaari mong matanong sa iyong sarili, kung ano ang maaari kong ibigay sa aking anak para sa acid reflux?

Ang sagot ay huwag magbibigay ng anumang lunas sa iyong batang anak maliban kung mayroong pag-sang-ayon ng doktor.

Maaaring rekomendasyon ng doktor ang “pagpalapot” ng breastmilk o formula para sa mga sanggol sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang kutsara ng oat cereal. Tandaan na panatilihin sila sa patayo o nakaangat ang ulong posisyon sa panahon ng pagpapakain at hanggang kalahating oras pagkatapos.

Para sa nakatatandang mga bata, isaalang-alang ang sumusunod na hakbang 

  •  Subukang limitahan ang kanilang pagkain na maaaring makaapekto sa muscle tone ng Les. Ang mga halimbawa ng mga naturang pagkain ay mga tsokolate at matatabang pagkain.
  •  Tingnan ang mga pagkain na nagdaragdag sa produksyon ng acid, tulad ng mga bunga ng sitrus, kamatis, at tomato sauces.
  •  Kaunti ngunit madalas na pagkain ang pinakamainam para sa mga batang may GERD. 
  • Hikayatin silang kumain ng hapunan ng hindi bababa sa 3 oras bago matulog.

At, siyempre, ang pagpapanatili sa kanilang nakatuwid o nakatayo ng 30 minuto pagkatapos kumain ay makakatulong din.

Matuto nang higit pa tungkol sa kalusugan ng bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pediatric Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)
https://childrensnational.org/visit/conditions-and-treatments/stomach-digestion-gi/gastroesophageal-reflux-disease-gerd
Accessed February 19, 2021

Gastroesophageal Reflux
https://kidshealth.org/en/parents/gerd-reflux.html
Accessed February 19, 2021

GERD (Gastroesophageal Reflux Disease) in Children
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gerd-gastroesophageal-reflux-disease-in-children
Accessed February 19, 2021

Reflux in Children
https://medlineplus.gov/refluxinchildren.html
Accessed February 19, 2021

Reflux in Infants
https://medlineplus.gov/refluxininfants.html
Accessed February 19, 2021

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Child Obesity, Anu-Ano Nga Ba?

Constipation ng Bata: Mga Remedyo at Gamot


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement