Hindi dapat ipag-alala ang malambot at matubig na pagdumi, ngunit ibang usapan na kapag patuloy na nagtatae ang iyong anak. Ano nga ba ang mga sanhi ng patuloy at matinding pagtatae ng mga bata? Alamin kung ano ang dapat gawin sa nagtatae na bata sa article na ito.
[embed-health-tool-baby-poop-tool]
Mga Kategorya Ng Nagtatae Na Bata
Bago natin pag-usapan ang mga posibleng dahilan ng pagtatae ng bata, ipaliwanag muna natin ang mga kategorya ng kondisyong ito.
Ang pagtatae na tumatagal ng ilang araw (wala pang isang linggo) ay tinatawag na acute diarrhea. Ang ganitong uri ng pagtatae ay kadalasang nawawala nang kusa at hindi na kailangan ng gamutan, basta’t matiyak na hindi magkakaroon ng dehydration.
Kung ang bata ay nakararanas ng pagtatae nang higit sa pitong araw, persistent diarrhea ang tawag dito. Kung ang malambot at matubig na pagtatae ay tumagal nang higit pa sa apat na linggo, tinatawag na itong chronic diarrhea. Maaaring makaranas dito ang bata ng tuloy-tuloy na pagtatae, o pwede ring pabalik-balik.
Mga Posibleng Sanhi ng Paulit-ulit na Pagtatae ng Bata
Kung patuloy na nagtatae ang anak mo, maaaring isa sa mga kondisyong ito ang dahilan:
Impeksyon
Ang mga impeksyon mula sa bacteria, viruses, at parasites ay pwedeng magdulot ng patuloy at matinding diarrhea sa bata. Ayon sa mga ulat, pagkatapos na maimpeksyon, ang mga bata ay maaaring mahirapan sa pagtunaw ng carbohydrates o proteins. Pwede itong mauwi sa matagal na pagtatae — tumatagal nang 6 na linggo.
Ang mga halimbawa ng impeksyon na pwedeng maranasan ng mga bata ay:
- Viral gastroenteritis
- Pagkalason sa pagkain, tulad ng listeria infection at salmonellosis
Lubos na pinaaalalahanan ang mga magulang na huwag magbibigay ng gamot sa kanilang anak nang walang pahintulot ng doktor.
Ito ay dahil may iba’t ibang paraan ng gamutan ang bawat kondisyon. Halimbawa, kailangan lang ng supportive treatment ang gastroenteritis, habang ang batang may bacterial food poisoning ay maaaring mangailangan ng antibiotics.
Inflammatory Bowel Disease (IBD)
Ang patuloy na pagtatae ng bata ay maaaring dulot ng inflammatory bowel disease, isang kondisyon kung saan mayroong matinding pamamaga sa digestive tract. Ang dalawang IBDs na Crohn’s disease at Ulcerative colitis ay parehong nauuwi sa chronic diarrhea.
Functional GI Disorders
Isa pang posibleng dahilan ng patuloy na pagtatae ng bata ay ang functional GI disorder.
Tumutukoy ang functional GI disorder sa isang kondisyon kung saan may ilang issues sa kung paano nagtatrabaho ang gastrointestinal tract. Ang GI tract ay mga serye ng organs na konektado sa mahabang tubo na nagtatrabaho upang magproseso at tumunaw ng mga pagkain.
Pakitandaan na ang functional GI disorder ay hindi isang sakit. Sa katunayan, sa kabila ng mga sintomas nito, hindi ito nagdudulot ng pinsala.
Kung patuloy na nagtatae ang iyong anak, maaaring mayroon siyang:
Traveler’s Diarrhea – isang karaniwang kondisyon sa mga toddler at preschooler. Naniniwala ang mga eksperto na ang pagkaing may mataas na asukal at mababang fat ang nagdudulot ng disorder na ito. Ang maganda rito, hindi nito naaapektuhan ang growth and development ng bata. Nawawala rin ito nang kusa.
Irritable Bowel Syndrome – isang kondisyong nagdudulot ng pananakit ng tiyan at pagtatae. Hindi pa rin tukoy kung anong eksaktong sanhi nito, ngunit hinihinala ng mga eksperto na maaaring dulot ito ng mga problema sa nerves.
Food Allergies and Intolerances
Huli, kung patuloy pa ring nagtatae ang iyong anak, maganda kung babalikan mo ang kanyang mga kinakain. Madalas ba silang nagkakaroon ng malambot at matubig na tae pagkatapos kumain ng isang partikular na pagkain? Kung oo, maaaring dahil ito sa food allergies o intolerances.
Ang food allergy ay nangangahulugang nag-re-react ang immune system ng katawan sa partikular na pagkain, gaya ng gatas ng baka, seafood, cereal grains, o itlog. Ang food intolerance naman ay indikasyon na ang iyong anak ay nahihirapang tunawin ang partikular na pagkain, na nagreresulta sa digestive symptoms.
Isang magandang halimbawa ng food intolerance ang Celiac disease, isang autoimmune illness kung saan hindi kayang tumanggap ng katawan ng bata ng gluten. Kapag nakakain nito, maaaring mapinsala ng gluten ang maliliit na bituka at magdulot ng mga sintomas gaya ng diarrhea.
Pakitandaan na sa ilang food allergies, ang mga sintomas ay mas malala, gaya ng pagkakaroon ng mga pantal sa katawan at hirap sa paghinga.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Ang Susunod Na Hakbang
Nagtatae na bata? Ang intervention ay depende sa sanhi at tindi ng mga sintomas. Dahil dito, kailangang dalhin agad sa doktor ang batang nakararanas ng patuloy na pagtatae.
Matuto pa tungkol sa Problema sa Digestive dito.