Ang constipation sa mga bata ay medyo karaniwang problema na madalas nangyayari kapag may pagbabago sa kanyang diet ng. Ito ay pansamantala lamang, at kung alam mo kung paano gamutin ang constipation ng bata, madaling makakabalik sa normal ang digestive system. Maraming paraan para magamot ang constipation sa bata–kasama ang gamot sa constipation ng bata. Alamin dito kung alin ang epektibo.
Ano ang Constipation?
Nangyayari ang constipation kapag ang pagdumi ay nagiging mas madalang at mahirap. Kadalasang nangyayari ang sintomas na ito dahil sa pagbabago sa diet o kapag ang bata ay kulang sa fiber.
Mga Palatandaan ng Constipation sa mga Bata
Paano mo malalaman kung ang anak mo ay constipated? Bukod sa discomfort na nararamdaman sa tuwing magnanais na dumumi, maaaring ipakita ng iyong anak ang isa o higit pa sa mga sumusunod na palatandaan:
Kung minsan ang constipation ay may kasamang diarrhea. At ito ay nakakalito sa maraming mga magulang. Nangyayari ito dahil ang matigas na dumi ay naiipit sa tumbong at ang malambot na dumi ay madaling makalusot, na unang lumalabas.
Bakit nakakaranas ng Constipation ang mga bata?
Kadalasang nangyayari ang constipation kapag ang dumi ay masyadong mabagal gumalaw sa digestive tract. Nagiging sanhi ito ng paninigas at panunuyo ng dumi. Sa ganitong mga kaso, maaaring makatulong ang gamot sa constipation ng bata.
Maraming dahilan ng constipation, kabilang na ang:
Pagpigil sa Pagdumi
Maaaring balewalain ng anak mo na kailangan ang pagdumi. Ito ay pwedeng dahil at sa takot na pumunta sa banyo o ayaw maabala sa paglalaro. Ang ilang mga bata ay ayaw dumumi sa mga pampublikong lugar.
Dahil dito, kapag ang bata ay dumumi, maaari makaramdam siya ng sakit dahil sa matigas at malalaking dumi. Pagtagal, kung nakakaramdam ng pananakit ang anak mo habang dumudumi, maaari niya itong pigilan para makaiwas sa masakit na pakiramdam.
Toilet Habits
Kung masyadong maagang sinimulan ng mga magulang ang toilet training, ang bata ay maaaring maging rebelde, hindi masunurin, at magpigil sa pagdumi. At kapag ang toilet training at naging “away” sa magulang at anak, pwedeng balewalain ng bata ang pangangailangan na dumumi. Maaaring maging habit agad ito at magdaragdag ng risk para sa matinding constipation pagtagal.
Diet
Kapag hindi sapat ang sustansya mula sa mga prutas at gulay na mayaman sa fiber o kakaunti ang tubig sa diyeta ng bata, maaaring maging sanhi ito ng constipation. Ang isa sa mga mas karaniwang sanhi ng constipation sa bata ay kapag nagpalit ng diet. Ito ay mula sa liquid diet papunta sa solid diet.
Pagbabago sa Routine
Anumang pagbabago sa routine ng iyong anak – travel, mainit na panahon o stress – ay maaaring makaapekto sa paggana ng bituka. Ang mga bata na constipated ay mas nasa panganib din kapag sila ay nagsisimula pa lamang sa pag-aaral na malayo sa bahay.
Mga Epekto ng Gamot
Ang ilang mga antidepressant at maraming iba pang mga gamot ay maaaring mag-ambag sa matinding constipation sa bata.
Genetics
Ang mga batang may constipation na may miyembro ng pamilya na nagkaroon ng mga sintomas na ito ay may mataas na panganib na magkaroon din ng mga ito. Ito ay maaaring dahil sa genetic factor.
Gamot sa Constipation ng Bata
Ano ang gagawin sa constipation sa bata? Heto ang mga epektibong lunas, kasama ang gamot sa constipation ng mga bata, upang mapabuti ang kondisyon ng bata:
-
Painumin ng Maraming Tubig ang Iyong Anak
Ang matinding dehydration ay maaaring magdulot ng constipation sa bata. Kapag hindi nakakadumi ang, dapat bigyan mo siya ng maraming tubig upang manatiling hydrated at makabuo ng maayos na dumi at madaling mailabas.
Kung constipated ang bata, ang pwedeng gawin ay bigyan siya ng carbonated mineral water. Iminumungkahi ng ilang pag-aaral na ang ganitong uri ng tubig ay mas epektibo sa pag-alis ng constipation kaysa sa simpleng tubig. Kabilang ang chronic idiopathic constipation o mga batang may irritable bowel syndrome (IBS). Gayunpaman, huwag gumamit ng mga carbonated na soft drink dahil ito ay hindi malusog na mga pagpipilian.
-
Magdagdag ng Fiber sa Diet ng Iyong Anak
Kadalasan, ang gamot sa constipation ng bata ay hindi kailangan. Ang mga simpleng pagbabago sa diyeta ay maaaring maging epektibo.
Ang mga batang constipated ay madalas pinapayuhan na kumain ng maraming fiber. Ito ay dahil ang pagdaragdag ng fiber sa katawan ay susuporta sa pagdumi, kaya nagiging mas madaling makalabas ang dumi. Sa katunayan, natuklasan ng isang kamakailang pagsusuri na 77% ng mga kaso ng malalang constipation ay maaaring mapabuti sa pamamagitan lamang ng pagkain ng mas maraming fiber.
Naniniwala ang ilang mga eksperto na ang sobrang fiber ay maaaring magpalala ng paninigas ng dumi sa mga bata. Bagamat pwedeng mapabuti ng fiber ang dalas ng pagdumi, hindi ito direktang nakakatulong sa iba pang sintomas ng constipation. Tulad ng matigas na dumi, pananakit ng tiyan, pagdurugo at iba pa.
Ito ay dahil sa uri ng fiber na idinaragdag mo sa iyong diyeta. Mayroong maraming iba’t ibang uri ng fiber, ngunit sa pangkalahatan, mayroong 2 uri:
Insoluble Fiber (Hindi natutunaw na fiber)
Matatagpuan sa wheat bran, mga gulay (tulad ng broccoli at cauliflower), at mga butil. Tinutulungan ng fiber na ito na lumambot ang mga dumi para sa mas madaling paglabas sa digestive tract sa pamamagitan ng pagkuha ng tubig at pagbuo ng bulk.
Soluble Fiber (Natutunaw na fiber)
Ito ay nasa oat bran, barley, nuts, lentils at peas, prutas at gulay (tulad ng Brussel sprouts at beans). Ang fiber na ito ay natutunaw sa tubig at bumubuo ng mala-gel na paste na tumutulong sa paglambot ng mga dumi ng bata.
Ang mga pag-aaral ay hindi pa nakakahanap ng epekto ng insoluble fiber sa paggamot ng constipation. Kasabay nito ang sobrang dami ng ganitong uri ng fiber ay pwedeng magdulot ng mga problema sa bituka ng mga bata na nagpapahirap sa kanila na makadumi.
Maaari ring hindi epektibo sa paggamot sa constipation ang ilang fermentable soluble fiber. Minsan ang fiber na ito ay nagagawa ding fermented ng bacteria sa bituka at nawawala ang kakayahang humawak ng tubig.
Upang gamutin ang constipation sa bata, piliin ang non-fermentable fiber sa pang-araw-araw na diyeta ng iyong sanggol, tulad ng psyllium.
-
Bigyan ang Iyong Anak ng Probiotics
Ang mga probiotics ay maaaring epektibong gamutin ang constipation sa bata. Kung ang anak mo ay may problema sa pagdumi, kung minsan ito ay dahil sa hindi balanseng bakterya sa bituka. Ibig sabihin, pwede mong bigyan ang bata ng mga kapaki-pakinabang na bakterya mula sa mga pagkain o gamot, tulad ng yogurt, probiotics, o probiotic gummies.
-
Subukan ang Prunes
Ang plum at prune juice ay karaniwang kilalang natural na gamot sa constipation ng bata. Bilang karagdagan sa fiber, taglay din ng plums ang sorbitol, isang natural na laxative. Bilang karagdagan, natuklasan ng mga siyentipiko na ang prunes ay mas epektibo kaysa sa regular na fiber.
Kung ang bata ay constipated, ang prunes ay maaaring ang pinakamadaling natural na solusyon. Kailangan mo lamang bigyan ang iyong anak ng mga 50g (katumbas ng halos 7 plum) dalawang beses sa isang araw.
-
Iwasan ang Dairy Products
Kung minsan, ang lactose intolerance ay maaaring magdulot ng constipation dahil ito ay nakakaapekto sa pagdumi. Kung sa tingin mo ay lactose intolerant ang iyong anak, pansamantalang alisin sa diet ng bata ang gatas o dairy products. Ito ay upang makita kung bumubuti ang kaniyang constipation. Kasabay nito, siguraduhin na ang iyong sanggol ay nakakakuha ng sapat na calcium mula sa iba pang mga pagkain.
-
Hayaang Gumalaw ang Iyong Baby
Pwedeng mahirap paniwalaan, pero maaaring makatulong ang regular na ehersisyo sa constipation gayundin sa pagbawas ng mga sintomas. Mas may tyansang gumalaw ang bata kung physically active. Kaya naman, hikayatin ang iyong anak na maglaro ng 30-60 minuto sa isang araw.
-
Magtakda ng Regular na Iskedyul
Hikayatin ang bata na regular na mag-toilet sa itinakdang oras sa isang araw. Lalo na pagkatapos kumain o tuwing gusto niya. Hayaang magsanay ang iyong sanggol na nakaupo nang hindi bababa sa 10 minuto sa bawat pagkakataon. Maglagay ng maliit na upuan na matatapakan ng bata dahil makakatulong ang posisyong ito sa madaling pagdumi.
Para sa maliliit na bata, maaaring gumawa ng habit ng pagpunta sa toilet sa pagsasabi na “ Oras na para mag-toilet” sa halip na itanong kung gusto nilang dumumi o hindi.
-
Gumamit ng Gamot sa Constipation ng bata
Ang gamot sa constipation ng bata tulad ng mga pampalambot ng dumi ay itinuturing na ligtas para sa kanila. Ngunit dapat itong gamitin na may gabay ng doktor. May dalawang karaniwang pagkakamali ang mga magulang kapag binibigyan ang kanilang mga anak ng gamot para sa constipation. Ito ay ang hindi pag-inom ng buong dose o paghinto ng gamot nang masyadong maaga.
-
Baby Belly Massage
Higit pa sa lunas at gamot sa constipation, pwede ring subukan ang gentle belly massage. Sundin ang steps:
- Painitin ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos sa mga ito, pagkatapos ay gumamit ng child-safe massage oil at maglagay ng ilang patak sa iyong palad.
- Ihiga ang sanggol. Gamit ang iyong mga daliri, dahan-dahang i-press ang tiyan ng sanggol upang bumuo ng baligtad na hugis U. Magsimula sa kaliwang ibaba, gumagalaw pataas, papunta sa pusod, pagkatapos ay pababa.
- Ulitin 10-15 beses, 2-3 beses bawat araw.
Dagdag pa sa masahe, maaaring ihiga ang baby, hawakan ang binti at gumawa ng bicycle movement. Nakakatulong din ito sa sanggol na may constipation.
Ang ilang mga mungkahi sa artikulo ay angkop sa paggamot ng mga batang may mild constipation. Para sa mas malalang kaso, pinakamahusay na dalhin ang iyong anak sa doktor. At siguraduhing sundin ang mga tagubilin ng doktor upang matulungan ang iyong anak na gumaling nang mas mabilis.
Matuto pa tungkol sa Child Digestive Problems dito.
[embed-health-tool-bmr]