backup og meta

Paulit-ulit Na Gastroenteritis Sa Bata, Paano Nga Ba Dapat Gamutin?

Paulit-ulit Na Gastroenteritis Sa Bata, Paano Nga Ba Dapat Gamutin?

Kung mapapansin mo na ang iyong anak ay nakararanas ng pananakit sa tiyan, maaaring mayroon silang gastroenteritis. Kung mas madalas itong mangyari, maaaring mayroon sila ng tinatawag ng mga doktor na paulit-ulit na gastroenteritis sa bata.

Narito ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa gastroenteritis – mula sa mga sanhi, mga sintomas at mga lunas sa bahay para sa paulit-ulit na gastroenteritis sa bata.

Mga Sintomas Ng Paulit-ulit Na Gastroenteritis Sa Bata

 Maaaring malito at akalaing ang gastroenteritis ay diarrhea, dahil ang diarrhea ay isa sa mga pangunahing sintomas. (Ang Diarrhea, gayunpaman, ay sanhi ng mga parasite o bacteria tulad ng E. coli, salmonella, atbp.)

Ang Gastroenteritis ay isang impeksyon sa tiyan at maliliit na bituka na kadalasang sanhi ng mga virus o bacteria, at parasite. Ang impeksyon na ito ang nagiging sanhi sa bituka at tiyan ng tao na namamaga at mairita.

Tinatawag ito ng mga tao na “stomach flu”, ngunit hindi ito katulad ng influenza. Ang real influenza o trangkaso ay nakakaapekto sa respiratory system, habang ang gastroenteritis ay umaatake sa mga bituka. Ang pinaka karaniwang virus na nagiging sanhi ng gastroenteritis ay rotavirus.

Ang gastroenteritis ay nagiging sanhi ng sumusunod na sintomas:

  •  Matubig na pagtatae. Kadalasan, hindi ito madugo. Kung napansin mo na may dugo sa iyong dumi, maaari kang magkaroon ng iba pang uri ng impeksiyon na mas malubha. Kung ito ay nangyayari, kumonsulta sa iyong doktor.
  •  Pananakit at kirot ng tiyan 
  •  Pagsusuka at pagduwal ay kadalasang lumilitaw kasama ang iba pang mga sintomas 
  •  Sakit ng ulo 
  •  Sakit ng kalamnan 
  •  Mababang lagnat

Ang gastroenteritis ay posibleng lumala. Para sa mga mild cases, ang mga tao ay maaaring makaranas ng bahagyang pagtatae at pagbaligtad ng sikmura na may bahagyang sintomas para sa 1-2 araw.

Gayunpaman, sa malulubhang kaso, ang mga tao ay maaaring makaranas ng pagsusuka at matinding pagtatae na maaaring magtagal.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Kailan tayo dapat kumonsulta sa isang pediatrician?

 Kung ang iyong anak ay hindi na makakain at makainom ng anomang liquid o solid food, matamlay o nakakaranas ng patuloy na pagsusuka, mangyaring dalhin na ang bata sa ospital.

Ano ang nagiging sanhi ng paulit-ulit na gastroenteritis sa bata? 

 Maaari mong makuha ang virus o bacteria na nagiging sanhi ng gastroenteritis sa pamamagitan ng person-to-person contact sa pamamagitan ng paghawak sa suka, dumi, o sa kamay ng taong may ganitong sakit. Ang isa pang paraan kung paano mo ito maaaring makuha ay sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga kontaminadong pagkain o inumin.

Kung ikaw ay nagtataka kung paano nangyayari ang gastroenteritis sa mga bata, kadalasan ay dahil sa poor personal hygiene.

Halimbawa, makukuha ito ng iyong anak sa pamamagitan ng paghawak sa isang hayop na may virus o bacteria. Napakahalagang turuan ang iyong mga anak ng regular na paghuhugas ng kanilang mga kamay at tulungan silang matutuhan kung paano maiiwasan ang mga kontaminadong inumin at pagkain.

Ang kontaminadong pagkain at inumin ay hindi palaging nangangahulugang “maruming” pagkain at inumin. May pagkakataon na ang isang tao ay makakakuha ng gastroenteritis sa pamamagitan ng pag-inom ng unpasteurized juice o gatas, kontaminadong lamang dagat , hindi gaanong lutong itlog, o karne.

Mga posibleng komplikasyon ng paulit-ulit na gastroenteritis sa bata

Ang gastroenteritis ay isang malubhang kondisyon para sa karamihan, lalo na sa mga bata at mga sanggol na madaling ma-dehydrate, ang malalang gastroenteritis ay may kasamang dehydration. Habang ang maraming kaso ng gastroenteritis ay itinuturing na mild at kayang pamahalaan, ang ilang mga kaso ay maaaring makabuo ng hypoglycemia at dehydration dahil sa matagal na pagtatae at pagsusuka.

Kasama sa iba pang komplikasyon ang electrolyte abnormalities at irritant diaper dermatitis.

Diagnosis 

Habang ang mga sintomas ng gastroenteritis ay madaling makita, madali rin itong maiugnay sa iba pang mga isyung pangkalusugan. Samakatuwid, mas mabuti na dalhin ang iyong anak sa doktor, lalo na kung nagpapakita sila ng mga palatandaan ng dehydration, upang masuri ang mga ito nang maayos.

Sa konsultasyon, ang iyong doktor ay magsasagawa ng nakasanayang physical examination sa iyong anak at maaaring tanungin ang medical history ng iyong anak.

Sa ilang mga kaso, ang doktor ay hihingi ng sample ng dumi upang mas maayos na masuri ang kondisyon. Mas kailangan ito lalo na kung ang isang bata ay nakararanas ng malubhang sintomas at natiis ang mga ito nang higit sa 48 oras.

Ang medical history at physical examination ay mahalaga. Ang laboratory evaluation ay maaaring gawin bukod sa sample ng dumi, CBC, Electrolytes at pag-aaral ng dumi.

Mga pagbabago sa pamumuhay at mga lunas sa bahay

Kung ang iyong anak ay nakararanas ng malubhang sintomas, pinakamabuting dalhin kaagad sila sa doktor. Ang mga sintomas ng gastroenteritis ay maaaring maranasan ng isang bata, lalo na sa mga sanggol at maliliit na bata. Ang doktor ay maaaring magreseta ng naaangkop na uri ng paggamot para sa kaso ng iyong anak.

Maaari mong subukan ang ligtas at epektibong lunas sa bahay para sa gastroenteritis, kung ang iyong anak ay nakararanas lamang ng bahagyang sintomas. Ang pinakamahusay na paraan upang matulungan ang isang bata na gumaling nang mas mabilis ay sa pamamagitan ng pagtiyak na uminom sila ng sapat na fluids at nakakatulog at nakapagpapahinga nang sapat. Para sa mga sanggol, ang pagpapasuso ay pinakaangkop na makatutulong upang manatili silang hydrated.

Dapat mong iwasan ang pagbibigay ng inumin sa iyong anak na naglalaman ng sugar o caffeine o mga dairy products, dahil nagiging dahilan ito ng paglala ng pagtatae (diarrhea), na nagiging sanhi ng dehydration. Gayunpaman, kung ang iyong anak ay madalas ang pagsusuka, magiging angkop na bigyan sila ng regular ngunit kaunting dami ng liquid, nadaragdagan ng dami nito sa buong araw. Pinakamainam na huwag silang piliting uminom kaagad maraming tubig, sapagkat maaari nitong mabigla ang kanilang tiyan.

Bukod pa rito, ang isa sa mga naaprubahang lunas sa paulit-ulit na gastroenteritis sa bata na maaaring gawin sa bahay ay upang ilagay ang iyong anak sa isang tummy-friendly diet. Pakainin sila ng mga pagkaing madaling natutunaw na hindi makasisira sa kanilang tiyan. Kahit na ang iyong anak ay hindi lactose-intolerant, mainam pa rin na iwasan kung minsan ang pagbibigay sa kanila ng dairy products.

Mahalaga rin na tandaan na ang pag-iwas ay mas mainam kaysa sa lunas. Halimbawa, ang isang uri ng virus na maaaring maging sanhi ng gastroenteritis ay rotavirus. Upang maiwasan ang malubhang gastroenteritis (sa edad ng mga sanggol) sa mga sanggol, pabakunahan para sa rotavirus ang iyong mga anak upang maiwasan ang matinding sintomas tulad ng pagsusuka at pagtatae na maaaring mabuo.

Bilang isa pang pamamaraan sa pag-iwas sa bacteria na ito, mainam na turuan ang iyong mga anak nang maayos at regular na paghuhugas ng kanilang mga kamay. Kung hindi sila siguradong ligtas ang kanilang kakainin, turuan silang iwasan na ito. 

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor upang mas maunawaan ang pinakamainam na solusyon para sa iyo.

Ang gastroenteritis ay maaaring maging katamtaman o malubha. Isa itong kondisyon na dapat masubaybayan lalo na kung ito ay paulit-ulit na gastroenteritis sa bata. Tandaan na ang mga tips na nabanggit ay upang mainam na maprotektahan ang iyong anak, at kumonsulta sa iyong doktor para sa anumang mga alalahanin.

Matuto nang higit pa tungkol sa kalusugan ng bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rotavirus – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rotavirus/symptoms-causes/syc-20351300 Accessed September 14, 2020

Acute Gastroenteritis in Children https://www.aafp.org/afp/1999/1201/p2555.html Accessed September 14, 2020

Anatomy of the Respiratory System in Children https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomy-of-the-respiratory-system-in-children-90-P02950 Accessed September 14, 2020

Hypoglycemia – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hypoglycemia/symptoms-causes/syc-20373685 Accessed September 14, 2020

E.Coli – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/e-coli/symptoms-causes/syc-20372058 Accessed September 14, 2020

Salmonella – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/salmonella/symptoms-causes/syc-20355329 Accessed September 14, 2020

Anatomy of the Respiratory system in children https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomy-of-the-respiratory-system-in-children-90-P02950 Accessed September 14, 2020

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement